Kabanata 13

1.7K 58 2
                                    

Jealousy

Pagkatapos ng Battle of the Bands ay balik na ulit sa normal ang lahat. Pinipilit ko na lang burahin sa ala-ala ko ang nangyari sa unang parte ng gabing iyon. Naiirita lang kasi ako kapag nagpi-playback sa isip ko.

"Nandyan na siya!" Kinikilig na sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Britney na kanina pa nakatayo sa may pintuan.

Itinuon ko ang atensyon ko sa binabasa ko, sinusubukang hindi pansinin ang presensya niya.

"Ahh. Nakalimutan ko palang i-multiply sa 100." Mahinang saad ko habang sinasagutan ang assignment namin sa Chemistry. Kanina lang ito binigay at sa isang araw pa ang pasahan, kaya lang ay gusto ko ng tapusin ngayon dahil wala akong magawa.

Ayokong makinig.

"Uhm, Almira." Tawag ng katabi kong si Emily. Siniko niya ako at inginuso ang unahan.

Ngayon ko lang napagtanto na lahat sila ay nakatingin na sa akin, pati siya.

"It seems you're busy with something else, Ms. Owens." Nakangising saad niya. Tinaasan naman ako ng kilay ni Britney na nakaupo sa unang row.

"S-sorry sir." Saad ko at yumuko ulit.

Gusto ko sanang sabihin na wala akong balak makinig sa klase niya kaya lang ay nasa classroom kami at hindi tamang sabihan ko siya ng ganoon.

Nagsimula na siyang magturo.

"I'll briefly discuss our next topic because we'll have an activity today."

Tuwang-tuwa naman sila. Activity? Kailan pa siya nahilig magpagawa ng activity? Kung kailan naman wala akong gana.

"Our next topic will be the Applications of Calculus. Calculus is very important especially in the branch of Science, Economics ... Blah blah blah."

Bakit ang sarap pakinggan ng boses niya? Nakakainis.

"Ms. Owens, what are you doing again?"

Napahawak ako sa sintido ko at seryoso siyang tiningnan. Ito na nga ba yung iniiwasan ko, yung magtama ang mga mata namin. Hindi niya ba alam ang epekto nun sa akin?

"T-taking down notes sir." Pagsisinungaling ko. Ilang segundo niya pa akong tinitigan bago nag-iwas ng tingin.

"You don't need to jot every word I say. Just listen and eyes here in front."

Pinag-iinitan niya ba ako? Kung ikukumpara sa iba kong kaklase, mas okay naman yung ginagawa ko. Tiningnan ko si Drake at Ashley na abala habang hawak ang phone nila.

Tumingin ako sa harapan, sa blackboard. Kaya lang ay hindi ko maiwasang tingnan siya dahil nakatayo siya doon at nagsasalita. Idagdag pa ang matipuno niyang katawan at ang perpekto niyang mukha.

"E-eyes on the board." Seryosong saad niya habang inaayos ang eyeglasses niya.

Ilang minuto lang ay tumigil na rin siya at tinanggal ang eyeglasses niya. May isang oras pa kaming natitira.

"We'll proceed now to our activity. Our activity is called Relations of Math."

Napuno ng bulungan ang classroom. Hindi ba pwedeng maghintay na lang sila na ipaliwanag niya yung activity?

"All you have to do is relate Mathematics to your life, and make a quote, line or use it in a sentence. It can be about friendship, family or life. I'll give you 3 minutes to prepare it." Saad niya.

"Pwede bang about sa love sir?" Malanding tanong ni Britney.

Tumango siya.

Ano bang nakain niya at may ganito pang activity?

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon