Kabanata 35

1.3K 37 1
                                    

Weird Woman

Pinunasan ni Zach ang luha niya at dahan-dahang tumayo nang makita niya si Alex. Diretso silang magkatitigan na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata.

"What are you doing here, sir?" Madiin na tanong ni Zach.

Napansin ko ang nakakuyom na kamao niya kaya naman agad akong ginapangan ng kaba. Halo-halong eksena ang tumatakbo sa utak ko habang nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanila.

Hindi sumagot sa Alex, sa halip ay lumapit siya sa akin para ilayo ako kay Zach.

"Ayoko ng gulo, Mr. Young." Seryosong saad ni Alex. Sandali niya akong nilingon bago ibalik ulit kay Zach ang tingin niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sumunod na nangyari. Bumagsak sa sahig si Alex dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Zach sa kanya. Mabilis akong yumuko para tulungang tumayo si Alex. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng labi niya na dumudugo.

"Are you out of your mind to date your student?!" Bulyaw ni Zach na umalingawngaw sa buong corridor. Sinubukan ko siyang lapitan pero inilag niya ang kamay niya at humakbang palayo sa akin.

Tanging nandidiring ekspresyon lang ang bumabakas sa mukha niya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Alex. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.

"Ito bang teacher na 'to ang gusto mo Mira?!" Itinuro niya si Alex habang diretso pa ring nakatingin sa akin. "Bakit?! Dahil ba sa grade? Ganyan mo ba ka-gustong maging valedictorian?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang marinig ang huling sinabi niya. Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko, kasabay nito ay ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko akalain na magagawa niyang bitawan ang masasakit na salitang iyon. Sa tagal na ng pagkakaibigan namin, hindi ako makapaniwala na ganoon kababa ang tingin niya sa akin, na magagawa kong makipagrelasyon para lang sa grades.

"Wala kang alam." Matigas kong saad sa mismong harapan niya. Nag-angat siya ng ulo kaya nakita ko ang namumulang bakat ng kamay ko sa mukha niya.

"I can't believe this!" Iyon lang ang huling binitawan niyang salita bago umalis.

Nilingon ko si Alex na may bahid pa ng kaunting dugo ang labi. Lumapit siya sa akin at agad akong hinagkan. Ikinulong niya ako sa mainit at mahigpit niyang yakap na nagpapakalma sa akin.

"I'm sorry for making things hard for you." Saad niya.

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya at unti-unting paglayo ng katawan niya kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Pwede bang ganito na lang muna tayo?" Tanong ko. Pinilit kong hindi pumiyok sa kabila ng paghikbi ko.

Tumango siya at mas hinigpitan pa ang yakap. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Sa gitna ng corridor na madilim at walang tao.

Kinabukasan ay tamad akong bumangon. Pakiramdam ko ay isang mahaba at masamang panaginip lang ang mga nangyari kahapon. Pagkatapos kong maligo at makapag-bihis ay saka ko lang napagtanto na hindi panaginip ang lahat. Totoong sinabunutan ako ni Tiffany. Ramdam ko pa ang kaunting sakit sa anit habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Isinuot ko ang bag ko saka bumaba.

Naabutan ko doon si Manang Elena na nililigpit ang mga natuyong pulang rosas.

"Good morning." Nakangiting bati niya. Pilit akong ngumiti bago magtungo sa hapag-kainan.

Binuksan ko ang phone ko at nakita doon ang message ni Alex na kararating lang.

"Good morning, my girl."

To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon