Boyfriend
Pagkatapos naming kumain ay naglakad ako palabas, patungo sa garden. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin. Huminto ako sa isang parte na napakaraming santan na bulaklak.
Nakahalukipkip ako nang lingunin siya. Nagmumukha akong mas matanda sa kanya ngayong nakayuko pa siya, parang bata na pinapagalitan.
"Sir, may mga gusto lang akong malaman." Panimula ko. Nag-angat siya ng tingin. Kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata niya. "Sana magsabi ka ng totoo."
"I am honest and will always be honest to you." Saad niya.
"Sabihin mo, bakit dinadalaw mo ako noon sa hospital ng palihim?" Diretsong tanong ko.
Ngayon ko lang napansin na mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Napakakisig niya sa suot niyang puting t-shirt. Bumaba ang tingin ko sa pantalon niya. Hindi ito gaanong hapit pero napapalakas nito ang dating niya.
"Are you done checking me?" Nakangisi siya nang mag-angat ako ng tingin.
"S-sumagot ka na lang." Nag-iwas ako ng tingin. Nahihiya ako, nararamdaman ko ang pag-init ng magkabilaang pisngi ko.
"Sinabi ko na sa'yo, I just want to make sure na okay ka, na maayos ang lagay mo." Tugon niya.
Hindi talaga ako kuntento sa sagot niya, para bang may kulang. Pakiramdam ko may iba pa siyang dahilan o siguro dahil may iba pa akong inaasahan na sagot kaya nakukulangan ako. May iba pa akong gustong marinig.
Umubo ako ng kaunti para ayusin ang boses ko. "Yung stuff toy at kwintas, ikaw ba ang nagbigay?" Tanong kong muli.
Nag-aalangan siyang tumango. Napaisip ako ng sandaling iyon, posible bang naging manliligaw ko siya noon at nakalimutan ko pagkatapos ng aksidente?
"Sir, makinig ka sa sasabihin ko dahil hindi ko na 'to uulitin." Seryosong saad ko. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. Mas matangkad siya kaya tumingala ako para magtama ang mga mata namin. "Kung anuman ang nangyari sa atin noon, sana kalimutan mo na. Wala na rin akong balak na maalala 'yon. Hindi naman siguro 'yon ganoon kaimportante kaya madaling nabura sa isip ko matapos yung aksidente. Sana, sa susunod na semester, kung magiging teacher man kita ulit, sana tratuhin mo ako katulad ng ibang mga estudyante dahil ayokong makatanggap ng espesyal na trato. Sana rin, iwasan mo ng tumitig sa akin dahil hindi ako kumportable. Panghuli, sana naintindihan mo ang gusto kong sabihin."
Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Nagsimulang mamuo ang tubig sa maganda at asul niyang mga mata.
"Is it that easy for you? Because for me, it's not." Ramdam ko ang diin at sakit sa bawat pagbitaw niya ng salita. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko at pagkirot ng puso ko. "I can't just let go everything. I can't just let you go. I can't just forget what we had." Matapos ang huling salita ay pumatak ang mga luha niya. Umiiyak siya at humihikbi, kitang-kita ko kung gaano kasakit iyon para sa kanya.
Tumalikod ako at naglakad palayo. Hindi ko na kaya pang manatili doon at panuorin siyang umiiyak. Huminto ako nang masiguro kong malayo-layo na ako sa kanya. Itinukod ko ang isang kamay ko sa pader dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Hinawakan ko ang naninikip kong dibdib.
"Bakit ang sakit-sakit?" Mahinang daing ko. Pumikit ako, kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagtakas ng mga luha ko.
"Almira?!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses pero nanlalabo ang paningin ko. "Almira!" Muling sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Ashley?" Nag-aalangang tawag ko. Pinunasan ko ang luha ko para makumpirma na siya nga ang nasa harap ko.
"Bakit ka nandito? Saka bakit ka umiiyak?" Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. "Sige, mamaya mo na i-kwento. Umuwi na muna tayo sa inyo." Aniya nang maramdaman niyang wala akong balak sumagot.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Kahit na tumigil na ako sa pag-iyak, hindi pa rin nawawala yung kirot sa puso ko. Hindi ko maintindihan, bakit? Kung naging manliligaw ko man siya noon, bakit ako nasasaktan ng ganito? Pakiramdam ko hindi matatanggal ng kahit anong gamot yung kirot.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Ashley, mabuti na lang ay may dala siyang sasakyan. Nanghihina na ako at hindi ko na kakayanin pa kung aantayin pa si Manong Ricky. Gusto ko na lang mahiga sa kama at magpahinga.
"Ano bang nangyari?" Tanong niya sa gitna ng pagmamaneho.
"Kumuha ako ng exam sa kanya, pagkatapos pumunta ako sa canteen." Sandali siyang lumingon sa akin na para bang naghihintay ng idudugtong ko. "Pumunta rin siya doon at sumabay pa sa akin kumain, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, kinausap ko siya." Ani ko.
"Eh, bakit umiiyak ka? Ano bang napag-usapan niyo?"
Inililiko niya na ang sasakyan sa Forbes. Ayoko ng sumagot pero naiintindihan ko naman na nag-aalala lang sa'kin si Ashley kaya siya nagtatanong.
"Tinanong ko sa kanya kung siya ba ang nagbigay ng kwintas na 'to." Saad ko. Tiningnan ko ang suot kong kwintas para hawakan ang pendant nito.
"Ano?!" Gulat na gulat ang itsura ni Ashely, tila ba napaka-stupida ng tinanong ko. Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon niya.
"Sinabihan ko siya na kalimutan niya na ang tungkol sa amin." Mahinang usal ko.
Agad na inihinto ni Ashley ang sasakyan sa tapat ng bahay namin para lingunin ako. Seryoso ang ekspresyon niya. May mali ba sa sinabi ko?
"Bakit mo ginawa 'yon?" Mahinahon ngunit may halong inis na tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman hindi ko gagawin 'yon? Hindi na ako komportable sa mga kilos niya."
Pinanliitan niya ako ng mata, hindi ko malaman kung sinusuri niya ba kung nagsisinungaling ako, kaya hindi ako nag-iwas ng tingin.
"Magsabi ka nga ng totoo, nakakaalala ka ba?" Seryosong tanong niya.
Napalitan din ng seryosong ekspresyon ang mukha ko. Matagal ko ng kaibigan si Ashley kaya hindi ko akalain na pag-iisipan niyang nagsisinungaling ako. Wala naman akong dahilan para magsinungaling.
"Hindi." Tugon ko.
Humalukipkip siya. "Eh, bakit siya lang ang nakalimutan mo? Bakit ngayon, unti-unti mo ng naaalala ang lahat? At bakit mo sinabing kalimutan ka na niya?" Sunod-sunod na tanong niya. Napakamot ako ng ulo.
"Hindi ko rin alam kung bakit siya lang. Siguro, hindi naman siya mahalaga sa naging buhay ko kaya madali ko siyang nakalimutan. Tungkol naman sa pagkakaalala ko, hindi ko alam kung paano, basta bigla na lang pumapasok sa isip ko na parang panaginip yung mga pangyayari kapag may nakikita akong bagay. Sabi naman ng doctor, normal naman 'yon." Saad ko.
"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yung sinabi mo sa kanya?" Nakakunot ang noo na tanong ni Ashley. Umiling ako.
"Bakit ba siya nasasaktan? Teacher ko lang siya, teacher lang natin siya." Ani ko. Pilit kong sinabi 'yon sa kabila ng kirot sa puso ko. Bakit gano'n? Kabaligtaran ng sinasabi ko ang sinasabi ng puso ko.
"Dahil hindi lang siya basta teacher, Almira! Boyfriend mo siya!"
Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Ashley. Gustuhin ko mang kontrahin ang sinabi niya ay ayaw bumukas ng bibig ko. Gusto kong magtanong pero pakiramdam ko alam ko na ang sagot. Pakiramdam ko biglaang nawala yung kakulangan na nararamdaman ko mula nang magising ako.
"Alright, I ... uhm ... I love you."
"I love you too."
Hinawakan ko ang sumasakit kong ulo, sunod-sunod ang paglabas ng imahe pero sa pagkakataong ito, malinaw kong nakikita ang lahat.
"Alex?"
📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖
![](https://img.wattpad.com/cover/108359733-288-k739873.jpg)
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
Любовные романыCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...