Zach's Birthday
"Nasaan na ba si Derick?" Naiiritang tanong ni Abegail.
"Patingin kasi ako." Inaagaw ni Ashley yung lalagyan ng regalo ni Drake para kay Zach.
"No, you can't." Tumatawang saad ni Drake habang itinataas ito para hindi maabot.
"Kayong dalawa, tama na nga muna 'yan." Saway sa kanila ni Abegail.
"Tama na 'yan." Pagsang-ayon ko kay Abegail.
Ngayong araw ang birthday ni Zach pero mamayang gabi pa ang party. Taon-taon kasi ay umuuwi ang mga magulang ni Zach para i-celebrate ang birthday niya at magkaroon ng malaking handaan.
"Mabuti pa, mamili na lang tayo ng dress na susuotin mamaya." Nakangiting saad ni Ashley habang nakatingin kay Abegail.
"Right!" Ngumiti rin si Abegail at hinila ako patayo.
"Ikaw, sumama ka rin." Saad ni Ashley sa nakapangalumbabang si Drake.
"What for?"
"Taga bitbit ng mga bibilhin namin."
Hindi na nakaangal si Drake dahil hinila na rin siya ni Ashley. Pumasok kami sa boutique na madalas naming bilhan ng dress.
Nabigla ako sa dami ng kinuha ni Abegail lalo na ng iabot niya itong lahat sa akin.
Bakit ako lang yung pinilian niya?
"Lahat 'to?" Tanong ko.
Ngumiti si Abegail at dahan-dahang tumango.
Pagkatapos naming bumili ng dress ay nagpunta naman kami sa salon para sa make-up at hair style.
"For now, we'll leave you here. We'll be back after one and a half hour." Nakangiting saad ni Ashley. "Ikaw na ang bahala sa kanya." Baling niya sa baklang nakatayo ngayon sa likod ko at sinusuklay ang buhok ko.
Bakit ba may ganito? At bakit ako lang? Si Zach ang may kaarawan ngayon, hindi ako. Tiningnan ko ang orasan. Halos dalawang oras na lang bago magsimula ang party.
"Teka, hindi ba kayo magpa---" Naputol ako sa sinasabi ko nang makita ko sa salamin na nakaalis na sila.
***
"Teka, 'wag kang malikot Mira." Saad ni Abegail habang inaayos ang nagulo kong buhok nang sumakay kami sa sasakyan. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Zach, kung saan gaganapin ang birthday niya. Nakabihis na rin sila nang sunduin nila ako sa salon.
"Pwede ba, hindi naman ako ang may birthday kaya itigil niyo na 'yang pagkataranta niyo." Saway ko sa kanila pero sa halip na magsalita ay kumindat lang si Ashley na nakaupo sa harapan.
Nanatili na lang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay nila Zach. Hindi rin naman kasi nila sinasagot ang tanong ko.
"We're here." Saad ni Drake nang ihinto niya ang sasakyan.
Bumaba na kami. Sa labas pa lang ay halatang may espesyal na kasiyahan sa loob dahil sa dami ng magagarang sasakyan na nakaparada. Malawak ang garden nila Zach kaya doon gagawin ang birthday niya. Napatingin ako sa suot naming damit.
Maganda rin naman ang suot ni Ashley at Abegail na dress pero mas simple ito kumpara dito sa pinasuot nila sa akin. Bigla tuloy akong nahiya.
"Good evening everyone." Dinig naming saad ni Tito Alfred sa mikropono.
Nagmadali kaming pumunta sa table na nakahanda sa amin na nasa bandang unahan pa talaga ng stage.
"I'd like to thank each one of you for attending this party. My eldest child, my only son is turning 18 tonight. We told him that as soon as he turns 18, he'll start his training to run our business." Nakangiting saad ni Tito Alfred.
![](https://img.wattpad.com/cover/108359733-288-k739873.jpg)
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomansaCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...