CHAPTER 3

10 3 0
                                    

Eiden POv

          Nakakainis bakit ba siya hinatid ng Kevin na yun samantalang nung simple pa si Hazel hindi niya napapansin ngayon na gumanda lalo ngayon lang niya napansin e kilalang playboy ng campus yang mokong na yan wala yang sineseryoso sa mga naging girlfriend niya.

        Teka nagseselos ba ako?,no way crush pa lang naman ang nararamdaman ko para kay Hazel....Inakbayan ako ni Lance at Dexter sabay tanong "jealous bro?", Tol naman hindi mo pa nga nililigawan at girlfriend nagseselos ka na agad?!..Kala ko ba di USO sayo love life tol eh kulang na lang lunukin mo ng buo yang kumag na yan sabi ni Lance sa akin ...Napailing na lang ako sa sinabi ng dalawang to napakakulit.

        Tol ito lang masasabi ko hindi bagay yang Kevin na yan sa Hazel ko "wow maka-Hazel ko wagas eh secret crush pa lang naman tong nararamdaman ko, hindi kaya in love na ako dito hindi ko lang inaamin sa sarili ko?"..napailing ako sa iniisip ko at nasabi sa kausap na "hindi tol concern lang ako para kay Hazel paiiyakin lang siya ng kumag na yan sigurado", kayo ba boto ba kayo sa Kevin na yan para kay Hazel tanong ko sa kanila sunu-sunod na iling lang ang sagot ng dalawa sa akin na bahagyang  ikinatuwa ko..


Hazel POv
 
     
        Malapit ng matapos ang klase at mag-uuwian na excited na akong umuwi dahil nagluto si mama ng spaghetti ang paborito namin ng kapatid kong si Rex habang lumalaki ang mokong na yun nagiging pilyo.Palabas na ako ng classroom ng may tumawag sakin si Alyssa sasabay daw siya hanggang sa gate napatango na lang ako at nagsimula na kami sa paglalakad.

       Oh anak kamusta school?, tanong sakin ni mama..."Ok naman mama" sagot ko.Habang naghahanda si mama dumiretso na ako sa lamesa at nanduon ang kapatid kong si Rex at si papa nag-uusap sila,natigil lang sila ng mapansin ang presensiya ko.

       Rex tignan mo ang ate mo nagpapaganda mukhang may boyfriend na sabi ni mama habang si papa at Rex tahimik lang habang nakanguso ang huli.Oo nga naman ate ganda-ganda mo ngayon ah may boyfriend ka na ba ate tanong ng makulit kung kapatid.Wala pa noh saka na yan sagot ko sa mausisa kong kapatid.

         Nang matapos na kaming kumain tinulungan ko si mama na magligpit at maglinis ng pinagkainan namin..Habang nagliligpit ako kinausap ako ni mama.."anak dalagang-dalaga  ka na pero wala ka man lang pinapakilala sa amin na boyfriend mo nung ako ang nasa kaedaran mo kasintahan ko na ang papa mo at nang makaipon na kami ay saka namin napagdesissyunan na magpakasal at bumuo ng sarili naming pamilya.Kung minsan nga napagkakamalan ka namin na tomboy pero ngayon na nakaayus ka naguguluhan kami sayo ng papa mo"...

       Mama saka na yang love life na yan na kapag nakakatulong na ako sa inyo dito ng makabawi naman po ako sa inyo at matulungan kayo kahit na papaano dito sa gastusin man lang má lambing ko sa mama ko.Pero anak ilang buwan na lang ga-graduate ka na naman na kahit man lang sana boyfriend,anak para may inspirasyon ka sabi ng mama ko.

Eiden POv

        Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa hinihigaan ko pero hindi pa din ako makatulog. Hindi ko makalimutan ng magandang mukha ni Hazel para siyang manikin.Kaya ang ginawa ko nanuod na lang ako TV bilang pampaantok ko.

        Nagpunta ako sa kusina para humanap ng mangangata habang nanunuod ng makita ko si nanay sa kusina nang makita niya ako napangiti siya sabay sabing "binata na ang anak ko di magtatagal mag-aasawa ka na".Sana sagutin ka na ng nililigawan este hinahangaan mo na anak aniya na ikina-iling ko naman.

        Nay naman ni hindi ko nga po  nililigawan sasagutin pa kaya?,parang ang impossible naman ata nun para kasing wala siyang gusto sakin ayos na ako sa magkaibigan na lang muna kami nay sabi ko sa nanay ko...

        Oh basta kapag stable ka na mag-asawa ka na  at bigyan mo kami agad ng apo pag katapos niyong ikasal ng mapapangasawa mo aba Eiden hindi ka bumabata tandaan mo yan sermon niya sa akin na ikinaantok ko.

       Pagbalik ko sa kwarto naalala ko na naman yung sinabi sa akin ni nanay kanina,napangiti na lang ako na minamadali nila ako mag-asawa eh wala pa nga akong matinong trabaho.Saka na yan kapag nakapag-ipon na ako mainam na ng handa.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon