Hazel POvPaggising ko kinuha ko agad ang cellphone ko dahil kanina pa to tunog ng tunog nawala agad antok ko ng makita ang nakalagay sa screen 8 missed call from Eiden... tinext ko siya kung bakit pero hindi pa rin siya nagreply kaya dumiretso ako sa banyo para maligo nang patapos na ako ng tumunog ulit ang cellphone ko pero text na lang ang natanggap ko..
message from:Eiden
good morning baby gising ka na ba?...breakfast ka na I love you!,mwuah!..papasok na ko sa office wait kita dito...take care baby ko...natawa na lang ako ang cheesy naman pala nitong tao na to swerte ko naman...Pababa na ako ng nakangiti si mama at ang kapatid ko samantalang si papa ang seryoso ng mukha.
Ate?,kayo na ni kuya Eiden di ba?,tanong ni Rex sa akin tango na lang ang naisagot ko dahil mukhang seryoso si papa...Nagpaalam na ako para pumasok ng kausapin ako ni papa.
Anak hindi naman sa hindi ako boto sa boyfriend mo,masaya ako para sayo dahil sa wakas nagka-boyfriend ka na pero kung papaiyakin ka lang niya eh mabuting huwag ka muna masyadong magtitiwala ng sobra magtira ka naman para sa sarili mo at ang Bataan ingatan iha ha?!...sermon ni papa sa akin pagkatapos nun ay niyakap niya ako at ningitian na nakapagpagaan naman sa loob ko.
Opo pa huwag ko kayong mag-alala kaya ko na po ang sarili ko tsaka kung sakaling papaiyakin naman niya ako nandyan naman kayo nila mama at Rex para patahanin ako,sagot ko sa mahabang sermon niya kanina na ikinatawa naman namin pareho.
Pagkadating ko sa lobby ng building ng pinapasukan ko tinawag ako ng receptionist at inabutan niya ako ng tatlong roses at may note na.."good morning to my baby girl sana magustuhan mo mga bulaklak na pinabibigay ko sayo" from baby boy...but wait there's more come to your table.
Nakita ko ang isang rosas sa mesa ko at may kasama itong apple juice at egg sandwich. Inaamoy ko ang bulaklak galing sa table ko ng may magsalita sa likod ko.Nagustuhan mo ba morning surprise ko sayo baby girl tanong niya na sinagot ko naman ng oo at pinasalamatan ko siya binigyan ko din siya kiss sa cheeks niya na nagpangiti sa mokong na yun.
Paalis na siya ng tawagin ko siya.Saglit alam na ni papa ang tungkol sa relationship natin at gusto ka daw niya makausap mamaya sabi ko.Ok sige sakto ihahatid naman kita mamaya sa inyo pag-uwi natin at simula din pala bukas susunduin na din kita para sabay na tayong papasok mahirap na baka may sumalisi pa sabi niya sabay pisil sa ilong ko.Oh sige na.babalik na ako sa work baby girl baka masisante pa ako nag-iipon pa naman ako para sa future natin aniya.
Eiden POv
Natuwa ako nung makita ko siya na inaamoy ang rosas galing sakin habang nakapikit siya, kaya hindi niya namalayan ang pagdating ko sa likuran niya.Ang ganda niya talaga para siyang anghel na hulog ng langit..
Mamaya sigurado busy na naman kaming lahat kaya naman pinaghanda ko na siya ng kakainin niya para mamaya para hindi na siya mag-abala pa,ayoko ko kasi na nagpapalipas siya ng gutom baka magkasakit pa siya sabagay nandito naman ako para alagaan siya kung pahihintulutan lang ako ng mga magulang niya.
Dumating si Kevin at kinausap niya si baby girl ko,bakit pa kasi nandito ang mokong na yun umaaligid-aligid pa siya sa girlfriend ko nainis ako lalo nung hinawakan niya ang kamay ni Hazel pasalamat siya na tito niya ang boss namin dahil kung hindi kanina ko pa binali ang kamay niya na nakahawak sa Hazel ko siguro napansin niya na nakatingin ako sa gawi nila kaya inalis niya agad ang pagkakahawak ni Kevin sa kanya may sinabi siya dito na naging dahilan ng pagtingin ng mokong gawi ko at napailing na lang ng may halong ngiting aso.
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...