Hazel POvSabay kaming umalis ng opisina dahil nga ihahatid daw niya ako at kakausapin daw siya ni papa.Naipit kami sa trapik habang nasa biyahe kaya nagtext ako sa kapatid kong si Rex na baka gabihin kami nang konti at sinabihan ko siya na sabihin na lang kanila mama at papa baka kasi mag-alala pagkatapos kong sabihin ang mga dapat niyang sabihin tinapos ko na agad ang tawag.
Pagdating namin sa bahay agad na sumalubong ang kapatid ko sa amin.Ate ang tagal mo naman kanina pa ako nagugutom sabi ni mama hintayin daw namin kayo ni kuya para sabay-sabay na daw tayong kumain angal naman nito sa akin .Tinawag na kami ni mama sa hapag dahil nakahanda na ang mga pagkain,kitang-kita ko naman na relax na relax lang siya feel at home pa ang loko.
Tahimik kaming kumakain hanggang sa magsalita si papa.Eiden huwag na huwag mong papaiyakin ang anak kong yan dahil prinsesa namin yan dito,kapag malaman ko na sinaktan at pinaiyak mo anak ko hahantingin kita tandaan mo yan mahabang sabi ni papa sa hapag kaya napalingon ako sa kanya,prente pa siya nakaupo habang sinasabi niya kay papa na "huwag po kayong mag-alala hindi ko po yun magagawa sa baby ko takot ko lang po dito" na nagpatawa sa kanila na naging dahilan ng pagkawala ng niyerbyos ko.
Natapos ang gabi na naging Ok na ang lahat sa amin para sa pamilya ko,masaya ako na masaya sila para sa amin.Next time ikaw naman ang iimbitahan ko sa bahay para naman maging official na tayo kanila nanay at tatay.So how about sa off natin ok lang ba sayo yun tanong niya at sinagot ko ng oo pagkatapos nun nagpaalam na siya.
Eiden POv
Day-off namin ngayon, alam ni nanay at tatay na inimbitahan ko ang nobya ko sa bahay namin para naman magkakilala sila ng maigi.Nang tumunog ang cellphone ko napangiti ako ng makita ko sa register call I'd ang pangalang "baby girl" .Sinagot ko yun grabe marinig ko lang boses mo buo na araw ko ani ko sa kanya na alam kong nakangiti siya habang sinasabi na binobola ko na naman daw siya.
Nasaan ka na ba?kanina pa ako nandito sa sinasabi mong mall pero wala ka pa sabi niya na kinabigla ko kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at nagmadali para sunduin siya.Pagkakita ko sa kanya nakita ko pagka-irita niya kaya naman walang humpay ang pag-sorry ko..
Sorry na talaga baby kung hindi kita masundo sa inyo at dito na lang kita pinapunta kasi tinulungan ko si nanay na magluto ng kakinin natin mamaya.
Talaga nagluluto ka?,tanong niya na halatang nagulat pa.Oo naman naman baby para naman maipagluluto kita at ang magiging anak natin.
Siniko niya ako sa tagiliran.Anong anak pinagsasabi mo diyan eh hindi pa nga tayo kasal ang bilis mo naman masyado baka mamaya may makilala ka diyan na mas maganda at seksi iiwan mo din ako noh!.Hey ano bang sinasabi mo diyan at sinabi ko sa kanya na hinding-hindi mangyayari yun and I promise you that from the bottom of my heart sabay hawak sa puso ko ng isa kong kamay habang yung isa naman animo'y nanunumpa..Tumawa siya ng mahina pero sapat lang para marinig ko at sinabing "sira ka talaga!.halika na nga para matikman ko ang mga niluto niyo ng nanay mo sakto hindi pa ako nag-aalmusal kaya nagugutom na ako.So let's go?"...Ok let's go sabi ko sabay akbay.
Sinalubong kami ni nanay at niyakap niya si Hazel at yumakap din ito pabalik.
Naku ang ganda-ganda naman pala nitong nobya mo anak huwag na huwag mo itong papaiyakin ha at mananagot ka sa akin.Natawa na lang ako sa sinasabi ni nanay pambihira ako ang anak niya dapat ako ang kinakampihan niya ang daya naman pero at least ok sila ng baby ko at wala na akong mahihiling pa.
Masayang-masaya si nanay habang kakwentuhan ang babaeng pinakamamahal ko halos hindi na nga nila ako tapunan ng tinigin nakakatampo tss nang dumating si tatay ay inasikaso naman agad ni nanay para makasalo namin sa pagkain.
Nakisali na din si tatay sa hapag nang kausapin ako.Anak ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na wala sa lahi natin ang mga manloloko sabi niya.Opo tay promise hinding-hindi ko to lolokohin sabay hawak sa kamay niya takot ko lang dito tignan mo kung makatingin nga kulang na lang lamunin ako ng buo oh!, sabay kindat sa kanya.Aba dapat lang na magpa-umder ka na ngayon dahil dun din kayo pupunta kapag na kasal na kayo balang araw para masanay ka na rin sabi sa akin ng makulit kong tatay.

BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...