Hazel POv
Mababait ang mga magulang ni Eiden at walang duda na napalaki siya ng mga ito maayos.Masaya ang naging kwentuhan namin ng nanay niya mukhang magkakasundo sila nila mama sa maraming mga bagay parehas silang maaalalahanin.Pati rin ang papa niya katulad din ni papa kung magsalita kala mo sa una mabangis pero pag tagal ngingiti rin yung tipong pakakabahin ka muna niya sa una niyong pagkikita.
Natapos ang tanghalian at meryenda kaya nagpaalam na ako na uuwi na pinabaunan pa ako ni nanay ng pagkain dahil marami silang nailuto sayang naman at baka masira lang daw syempre tinanggap ko na nakakahiya naman kasi kung hindi niyakap ako ulit ni nanay bago umalis at binilinan ako na bumalik ako next time kapag may libre akong araw o oras para naman may makausap at makasama siya sa bahay nila kasi si tatay James daw pumapasok pa rin daw bilang isang mason at si Eiden palagi naman nasa trabaho, kaya palagi lang siyang mag-isa.Kaya naman nangako ako babalik kapag libre ako.Nagpasalamat ako muli saka nagpaalam.
Eiden POv
Hindi mawala ang ngiti ni nanay habang nagliligpit ng mga pinagkainan namin halatang masaya siya sa pagdalaw ni Hazel dito sa amin maging si tatay napansin din iyon dahil pakanta-kanta pa ito habang nagliligpit.
Aba Mira nasisiraan ka na ata ng bait panay ang ngiti at kanta mo diyan sabi ni tatay kay nanay pero hindi siya nito pinansin, nagpatuloy lang ito sa ginagawa nito nagkatinginan kami ni tatay na ipinagkibit-balikat ko na lang habang patuloy na tinitignan ang nanay ko.Masaya lang siguro siya dahil nakilala niya si Hazel sino ba naman hindi kahit nga yung tindera kanina habang bumibili ako ng tomato sauce sa labas eh nagtatanong din kung sino ba yung kasama ko dinaig pa ang reporter dahil marami pa itong tinanong na hindi ko na sinagot pa.Girlfriend ko po manang sagot ko dahil kung hindi ko siguro sinagot yun baka luto na ang ulam namin pero wala pa ang inutos ni nanay malilintikan ako nito ng wala sa oras .
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...