CHAPTER 5

10 3 0
                                    


Eiden POv

          Bago dumating ang graduation naasikaso ko na lahat ng requirements na gagamitin ko para sa paghahanap ng trabaho

         Maaga akong gumising para sa panibagong yugto ng buhay na sisimulan ko.Nag-aalmusal ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa isa sa mga kompanya na pinasahan ko ng mga requirements ko at sinabihan ako na pumunta daw ako sa office nila ng 10:00AM hindi din daw pwede malate dahil may next appointment pa ang boss nila.

         Pagkadating ko sa office ready for the interview na ako agad dahil naka-schedule na yun at habang hinihintay ko ang boss pinapakalma ko muna ang sarili ko syempre this is my first job interview.

        At tinawag na ako ng secretary para pumasok for my interview grabe ang niyerbyos ko pero sa awa ng diyos mabait naman ang magiging boss ko isang medyo may katandaan na matandang lalaki at nakapasa ako pwede na daw ako nagsimula in the next day dahil kailangan talaga nila ng mga office staff.

       Tumawag ako sa bahay para ibalita ang good news sa mga magulang..

Hazel POv

        Nagsimula na kaming maghanap ni Alyssa ng trabaho siya natanggap bilang call center agent at ako naman bilang isang office staff sa isang company na pagmamay-ari naman ng tito ni Kevin.

         Sumakay ako sa elevator pababa at hindi ko inaasahan na makikita ko ulit si Eiden at kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya pero sa bandang huli ngumiti din siya agad at ngumiti din ako sa kanya.

     Habang nasa elevator hindi ko siya sinusulyapan dahil nahihiya ako tumingin lang ako sa kanya nung tinawag niya ako.

E:hey!,kamusta?

H:Ok lang ikaw.

E:ok lang naman din.Nandito ako kasi in interview nila ako.

H:talaga?...ako din eh!,actually tanggap na nga ako..

E:ako din eh tanggap na dito pwede na ako magsimula the other next day.

H:ah dati seatmate ngayon workmate na...Nice!!!...Kilala mo ba yung si Kevin, tito niya ang nagmamay-ari nitong company at siya din nag recommend na dito na ako magpasa ng requirements dahil nangangailangan daw yung tito niya ng maraming office staff.

E:oo kilala ko yun..."kilalang-kilala kasi siya yung naghatid sayo sa classroom dati na kinaiinisan ko"
sabi ng utak ko na hindi ko naman masabi dahil baka kung anong isipin niya sa akin ...kumag na yun...

H:may sinasabi ka ba?

E:wala ah!!!
(bumukas ang elevator)...

Eiden POv

          Hindi ako makapaniwala na makikita at makakatrabaho ko pa siya sa isang kompanya.Ang ganda niya sa office attire bumagay sa kanya ang simpleng suot niya kanina na lalong nagpaganda sa ka-inosentehan niya..

        Mukhang magiging inspired ako nito araw-araw at hindi ko makakalimutan yung sinabi niya na tito nung Kevin na yun ang manager ng company may kaya pala ang ungas na yun sa buhay wala na talo na ako kung pera lang pagbabasehan pero kilala ko si Hazel hindi siya ganong klase ng babae kaya ko nga siya nagustuhan e.

        Teka?.....nagugustuhan ko na nga ba siya?.....siya na ba ang hinihintay kong THE ONE....well sabi nga nila huwag mong hintayin baka maudlot kusang darating na lang yan ng hindi mo inaasahan.

         Naipit ako sa trapik kanina kaya heto pagod na pagod,napasalampak na lang ako sa upuan namin.Nang makita ko si nanay na pinaghahain ako pinigilan ko siya dahil kita na sa mukha niya ang sobrang pagod sa pagtanggap ng labahin at gawaing bahay kinausap ko na siya na tumigil na,sa pagtanggap ng labada at kami ng bahala ni tatay sa panggastos sa bahay dahil ilang araw na lang naman na ay sasahod na ako at nagbunga na din ang pinaghirapan ko nawawala lang ang pagod ko sa opisina kapag nakikita ko si Hazel na nakangiti kahit tambak din ang mga paperwork's niya sa mesa.At sa tuwing naiisip ko na mag-asawa siya isa lang ang masasabi ko na ang swerte-swerte ng mapapangasawa niya.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon