CHAPTER 20

8 3 0
                                    

Hazel POv

        Mahihinang katok ang narinig ko pagkagising ko.

        Ate gising na at mag-aalmusal na tayo sabi ni mama hihintayin ka namin ha,sabi ni Rex bago bumaba.

        Tinatamad man ako bumangon pinilit ko pa rin sinimulan ko sa morning routine. Habang naliligo bumalik sa alaala ko yung mga nangyari kagabi sa loob ng sasakyan ni Eiden na nagdulot na kakaibang pakiramdam sa akin nang dahil din dun hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya heto medyo masakit ang ulo ko.

         Pagbaba ko nakita ko ang pagka-inip ng kapatid ko nagugutom na yata kaya nakasimangot na.

        Ate bakit naman ang tagal-tagal mo nagugutom na kaya ako eh ayaw naman pagalaw ni mma yung pagkain hangga't wala ka pa.

       Pasensiya na po kung natagalan sabi ko dito saka umupo sa hapag.

       Anak ayos ka lang ba?,kasi ng tamlay mo mukhang hindi ka ata nakatulog ng maayos kagabi ano.

       Hindi naman po sa ganon ma,medyo hindi lang maganda pakiramdam ko mama sabi ko.

       Huwag ka na kay ninang pumasok anak magpahinga ka kaya ngayon tumawag ka na lang sa boss mo mahirap na baka magkasakit ka pa turon ni mama na sinang-ayunan ko na lang.

Eiden POv

         Hello Rex napatawag ka ata may problema ba,tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.

         Si ate kuya may damit hindi nga siya pumasok ngayong araw sabi naman nito sa akin.

        Ha?,paanong nangyari yun eh ok naman siya kagabi nung ihatid ko siya sa inyo ah.

       Aba malay ko kuya basta ako binabalita ko lang sayo sige na kuya papasok na ako sa klase ko.

       Ok sige salamat Rex sabi ko saka tinapos ang tawag.

        Hello baby?,kamusta ka balita ko may damit ka daw sabi sa akin ni Rex.

       Hay naku si Rex talaga wala lang to baby simpleng migraine lang to sabi nito.

       Sigurado ka?,gusto mo puntahan kita diyan baka mamaya kung ano na yan sabi ko.

       Eto naman OA masyado ok nga lang po ako huwag ka nang magworry dito naman si mama kaya ayus lang ako.

       Ok sabi mo eh pero mamaya kapag natapos ako ng maaga pupuntahan kita ha!..

        Ok sabi nito.Pagaling ka agad baby I love you I said..

        I love You too,she replied...

Hazel POv

         God pupunta siya hindi pa nga ako nakak-move on sa ganap kagabi medyo nahihiya pa ako.

         Dumating ang hapon ng papasukin siya ni mama sa kwarto ko paglingon ko nakita ko na may dala siya mga prutas tapos si mama may dala namang pagkain.

        Anak kainin mo tong dala sayo ng fiance mo nakakahiya naman kapag hindi halatang nag-abala pa siya oh!.bilin ni mama bago lumabas.

        Opo mama tugon ko.
  
       So kamusta masama pa rin ba ang pakiramdam mo,heto oh binili kita ng pagkain para hindi ka na bababa pa kitang-kita dito ng pag-aalala.

          Kakainin ko yan kung sasaluhan mo ako napakadami kaya niyan hindi ko ito kayang ubusin lahat angal ko dito.

           Oo ba kaya nga dinamihan ko para salo tayo para ganahan ka din syempre dahil yun sa presensiya ko.

           Ano?!,ang yabang mo ha ano nagbubuhat ng sariling bangko patawa-tawa ko pang sabi.

         Aminin mo na kasi na nagagwapuhan ka sa fiance mo huwag mo ng ikahiya tayo tayo lang dito oh.

        Wow grabe iba ka talaga wala ka pa rin talaga pinagbago kaya kita naging crush nun eh.

        Weh?,di nga crush mo ako dati?,kelan pa tanong nito.

          Ha?,may sinabi ba ako naku mali lang pagkakarinig mo lika na nga kain na tayo nagutom ako bigla sa kayabangan mo eh biro ko. 

         Ok!!!,sagot naman nito.

         Tapos na kaming kumain pero hindi pa rin siya umaalis babantayan niya daw muna ako hanggang sa makatulog.

         Baby sitter ka na din pala ngayon sabi ko sa kanya,ngumiti lang siya saka pinisil ang ilong ko.

         Sigurado ka ba na diyan ka lang hanggang sa makatulog ako?,naku magtatagal ka pa kung hihintayin mo yun matagal ako makatulog minsan nga hindi pa ako nakakatulog kapag hindi pa sumapit ang madaling araw sabi ko dito na ikinakunot ng noo niya.

           Ano?, madaling araw ka na natutulog kaya naman pala ang putla at payat-payat mo sana sinabi mo sa akin para naman nasamahan kita magpa-check up.

         Naku hindi na kailangan kahit dati pa ganito na ako kaya wala ka ng dapat ipag-alala hindi din naman palagi minsanan lang pangangatwiran ko.

         Ah ok sabi mo eh!,sabi nito habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga kamay niya tinitignan ko lang siya hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

         Bago pa ako tuluyan makatulog marinig ko ang sinabi niya,"good night baby sweet dreams I love you more than you'll ever know" buong nito sa akin.

Eiden POv

          She's very cute when sleeping, tinitignan ko lang siya habang natutulog nang kumatok si mama.

         Naku anak pasensiya ka na nakatulog na pala siya salamat dahil napadalaw ka sigurado gagaling siya agad sabi nito.

         Ok lang po yun ma,gusto ko din naman siyang makita para masigurado kung ok lang ba talaga siya saka namiss ko din po siya.

         Thank you son for loving our daughter sabi nito na mangiyak-ngiyak pa.

        Uuwi ka pa ba iho malalim na ang gabi dito ka na lang ka ya natulog mahirap na delikado ang panahon ngayon sabi ni mama sa akin.

          Hindi na po mama nakakahiya sabi ko dito hindi man siya pumayag nagpumilit pa din ako nakalimutan ko din magpaalam sa amin.

......................................

         Naku kang bata ka saan ka ba galing at ginagabi ka ata ngayon sermon na bungad sa akin ni nanay.

         Kanila Hazel po nay,masama po kasi ang pakiramdam kaya dinalaw ko hinintay ko din makatulog bago ako umaalis kaya ginabi po ako paliwanag ko dito.

         Ayos lang ba siya anak dapat dinala mo sa doktor  ng matignan siya kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

          Sinubukan ko po nay pero ayaw niya pong pumayag eh,ang tigas po talaga ng ulo nun.

         Kumain ka na ba anak,halika at ipaghahanda kita ng makakain mo aya niya sa akin.

        Busog na po ako nay huwag ka ng mag-abala sinaluhan ko siyang kumain kanina para naman ganahan po turon ko dito at tumango na lang ito sa mga sinabi ko kaya naman dumiretso na ako sa kwarto pagkatapos kong magpaalam dito na magpapahinga na ako na sinang-ayunan naman nito dahil maghahating gabi na din.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon