Alyssa POvNakita ko ang kaibigan ko papasok niya ng classroom na namumula ang mukha kaya pagka-upo pa lang niya tinanong ko na siya agad...agad din naman niyang sinagot ang tanong ko at nalaman ko yung naging encounter nila ng
secret crush nitong kaibigan ko, napaisip ako kung ano ba ang mali sa kanya at hindi siya napapansin ni Eiden ,Ok naman siya maganda, matalino at mapagmahal.Tutal may isang oras pa naman kami bago ang next class namin at dahil binigyan ako ng tita ko ng aking allowance inaya ko siya sa salon treat ko sabi ko sa kanya ayaw pa nga sumama kaya naman nag-emowt ako hanggang sa pumayag na siya pang-FAMAS pa naman ang aktingan ko...
Hello beautiful ladies bati samin ng bakla pagpasok namin ng salon.Hello din po bati naman namin pabalik at nag-aalangan kami kung ano ang itatawag namin sa kanya kung ate,mamu,mamita o momshie ba?!at nahulaan naman yun ng bakla at sabi niya na MAMU na lang daw itawag namin sa kanya..Nagtanong na siya na kung ano ba ang sa amin sabi ko yung akin cellophane manicure & pedicure... yung sa kaibigan ko tinanong ko naman kung anong isa-suggest niya...
Etong kay ateng ahit kilay, hair color at hot oil lang tapos konting kulot sa dulo at konting light make-up na din kasi natural na ang ganda parang manikin....Matatapos po ba yun within one hour?, tanong ko.Kasi break time lang namin mamu e at OO naman ang sinagot niya kaya naman nagsimula na sila ng mga kasamahan niya sa salon.At sa wakas natapos din halos makatulog na ako,napanganga ako nung makita ko ang kaibigan ko parang Hollywood na barbie doll ang peg kahit naka-uniform kami.May natitira pa naming oras kaya napagdesisyunan namin na kumain muna sa canteen ng school at syempre pinagtitinginan kami dahil sa kaibigan ko at syempre proud na proud ako dahil ako ang best friend niya....
Eiden POv
Papunta kami sa canteen ng makita ko ang mga kumakain doon na busy ang mga mata na nakatanaw sa dalawang babae yung isa si Alyssa at yung isa hindi ko nakilala kasi nakatalikod kaya naman umupo na lang kami at umorder ang mga kaibigan ko ng pagkain namin.
Nang nakaupo na ang mga kaibigan ko at nag-uumpisa ng kumain naririnig ko silang nag-uusap..
Yung seatmate kong si Lance nagsimula....Tol nakita mo ba si Hazel?,napakaganda, lalo siyang pumuti sa bagong kulay ng buhok niya at numipis ng bahagya ang kilay sigurado ako pakana na naman yun ni Alyssa na pinagtripan na naman ang best friend niya...kaya naman ng marinig ko yun lumingon ako sa kinauupuan ng dalawa at saktong lumingon si Hazel lalo siyang gumanda at lalo akong napahanga mula pa noon crush ko na siya at wala pa akong ibang pinagsasabihan noon mula sa mga kaibigan ko maliban na lang sa mga magulang ko na alam ang lahat na childhood crush ko ay si Hazel at habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan dahil napaka-simple lang niya hindi na niya kailangan pang mag-effort para lang mapansin ko dahil siya lang naman ang napapansin ko sa lahat.
Siguro dahil na din sa kasimplehan niya at hindi naman niya alam na hinahangaan ko siya mula pa noon.....Saka ko na lang iisipin yung mga love life na yan kapag nakatapos na ako tutal wala pa naman si THE ONE hindi ko pa naman siya nakikilala...
Hazel POv
Grabe pagpasok namin ng canteen nakita ko sila na pinagtitinginan kami ni hindi ko alam kong kanino sila nakatingin sa akin ba o kay Alyssa?... sabay naman ng pasok ni Eiden kasama mga kaibigan niyang si Lance at Dexter... konti na lang at sasakalin ko na tong si Alyssa kanina pa ang papuri sa akin heto ngayon pulang-pula tuloy ako nakakahiya ano ba naman kasi pumasok sa isipan ko at pumayag ako sa gusto nitong best friend ko...At nakahinga ako ng maluwag ng tumunog ang bell ibig sabihin lang naman kailangan nang maghanda para sa susunod na klase at nang nagsimula ng kaming tumayo may biglang lumapit sa amin nagprisinta pa ito na ihahatid daw kami kahit hanggang pinto lang ng classroom wala na din akong nagawa kasi binitbit na niya mga gamit namin ng best friend ko.Nang makarating na kami sa pinto ng classroom sabay kaming nagpasalamat ni Alyssa kay Kevin na crush pala nitong best friend ko may ipanunukso na ako sa kanya haa!.... Pagpasok namin nakita ko si Eiden na nakupo na sa upuan at tumabi na ako dun dahil seatmate nga kami para sa klase na to.Narinig ko siyang tumikhim na naging dahilan para mapalingon ako nakangiti siya sa akin na naging dahilan para ngumiti din ako pabalik sa kanya "sana palagi na lang ganito" sabi ng isip ko mas lalo kasi siyang gumagwapo kapag nakangiti kitang-kita ang mga dimple niya.
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...