CHAPTER 16

10 3 0
                                    


Hazel POv

         Walang hiya yung Luke na yun sinabi ko na may boyfriend na ako ayaw pang maniwala.Boyfriend pa lang naman hindi pa asawa sabi pa  niya.Napansin ko din na panay ang tingin niya sa katawan ko maniac talaga.Nasaan na ba kasi si Eiden bakit ang tagal konti na lang pasensiya ko dito magwo-walk out na ako at kapag nagtangka pa itong habulin ako tutuhuran ko para matuto ng leksyon.

        Is there's something wrong here?!...tanong niya. Obvious ba sabi ng isip ko bakit ba kasi ngayon ka lang.Oh thank god umalis na din siya pagkatapos ng diskusyon nilang dalawa.Ngayon lang ako nagalit  ng ganito grabe nakakapanginig ng laman,hindi pa nga humuhupa galit ko heto't may babaeng papansin kainis ang landi.

       Nilapitan ko siya at sa kanya ko binuhos ang inis ko, pagkatapos ng mga pinagsasabi ko umalis siyang nakasimangot haharap na sana ako para kausapin si Eiden kung bakit ba kasi ang tagal niyang kumuha ng pagkain pero bago ko pa man iyon nagawa niyakap na niya ako mula sa likod at sinusubukan na pakalmahin ako pagtagal nawala na ang inis ko.

         Pinagpatuloy na lang namin ang pagse-celebrate dahil ayoko masira and gabi niya dahil lang sa mga walang kwentang tao.Nakisali kami sa mga kamag-anak niya na nag-iinuman,masaya ang gabi dahil puro biro ang lolo niya dala na din siguro ng kalasingan.Nung medyo lasing na kaming dalawa nagpaalam na kami para umuwi pero hindi na kami pinayagan ni nanay at tatay may kwarto daw silang pinareserba para sa aming dalawa sila na raw ang bahalang magpaalam sa mga magulang ko.

         Inalalayan ako ng pinsan niya sa pagbuhat kay Eiden hanggang sa kwarto,tinulungan niya akong ihatid ito sa kama dahil naparami ang inom nito pagkalapag namin nagpaalam na siya sa akin na didiretso na din siya sa kwarto nila at baka hinahanap na siya ng asawa't mga anak niya inihatid ko siya hanggang sa pinto ng maisara ko na ito lumingon ako sa kama.Oo nakainom ako pero matino pa naman konti ang huwisyo ko hindi ako mapakali dahil iisa lang ang kama at walang sofa dito sa loob para matulugan ko.

          Kumukuha ako ng unan ng magsalita siya pero hindi ko marinig kaya lumapit ako ng konti... "I love you baby!,promise hindi kita lolokohin at mamahalin pa kita ng pang habang buhay huwag mo akong iiwan ha!,dahil hindi ko kakayanin ikaw lang nagparamdam sa akin ng ganito.Akalain mo yun kaya ko pala maging korny para sayo.Huwag mo kong iiwan dahil ikamamatay ko kapag nawala ka.Naks na touch naman ako hindi ko namalayan na humiga ako sa balikat niya at tinitignan lang siyang tulog na tulog,niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan sa pisngi.Good night baby I love you sabi ko saka pumikit na.I love you too!,pabulong niyang tugon.

   

Eiden POv

       Masakit ang ulo ko pagkagising ko kaya pinilit kong bumangon para makapunta sa banyo baka sakali kapag naligo ako mabawasan.Sumakit ang tenga ko sa tili ng babae sa pagkabukas ko ng pinto pero nung nakilala ko kung sino ang nasa loob sinara ko agad ang pinto.

       Hoy bastos ka!,hindi mo ba naririnig na may gumagamit ng banyo,sigaw niya.Naku baby sorry hindi ko narinig,masakit kasi masyado yung ulo ko sorry talaga please pakibilisan naman ng konti naiihi na din kasi ako baby ang baho-baho ko na din.

       Bumukas ang pinto nakasalubong ko yung nanlilisik niyang mata.Good morning baby ang ganda-ganda mo talaga kapag nagagalit ka pa kiss nga!,biro ko sa kanya.
"Che!!!bastos ka sinasadya mo ata yun eh.,ikaw ayusin mo kung gusto mong magkasundo tayo" pagtataray niya.Kiniss ko siya sa pisngi tsaka mabilis na pumasok sa banyo para maligo.

       Napapangiti ako kapag naaalala ko yung eksena kanina nung aksidente kong nabuksan yung pinto ng banyo hindi mawala sa isip ko yung nakita ko nakaramdam tuloy ako ng init sa katawan natural lang naman siguro tong nararamdaman ko lalaki ako.Umiling-iling na lang ako at binilisan ang pagligo ko.

          Naabutan ko siyang nagpapatuyo ng buhok niya,pinapanuod ko siya sa ginagawa. Nakita niya ako na pinapanoodko siya pinaupo niya ako sa tabi niya at blinower din ang buhok para matuyo agad.Baby?!"hmm?!,"sana palaging ganito noh yung nag-aaway tayo pero simple lang at pagkatapos ng ilang minuto Ok na tayo ayoko kasi na nagkakaaway tayo.Makita ko  nga lang na galit ka sakin nababaliw na ako sa kakaisip ng paraan kong paano tayo magbabati."Asus!,yung baby ko nagdadrama na naman alam mo naman na hindi kita matitiis e ikaw pa e labs na labs kita",yan ang gusto ko sayo galing mang-uto.Tara kain tayo sa labas nagugutom na ako tapos pasyal tayo kung saan mo gusto at may isa pa sa office na lang namin ikaw magtrabaho bilang personal assistant ko o kaya personal secretary.

Hazel POv

        Ako personal assistant/secretary?, seryoso so ibig sabihin magiging boss kita?!.Tango lang ang naging sagot.

        Pag-iisipan ko pa baby tapos pagmay-sagot na ako sasabihin ko agad sayo.Namasyal kami sa isang mall nagpunta kami sa arcade para maglaro,nag-enjoy kami ng sobra para kaming mga bata.

      Baby ang swerte ng mga magiging anak natin kapag nagkataon kasi napakaresponsable mong tao hayaan mo darating ang araw kapag nakaipon na tayo ako mag-aasikaso mismo ng kasal natin kasi magiging busy ka na kapag nagsimula ka na sa pag-oopisina mo.        

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon