CHAPTER 32

10 2 0
                                    

Eiden POV

Naiwan kong natutulog pa ang mag-ina ko sa bahay dahil tinawagan ako ng pinsan ko para sa magiging meeting namin mamaya.

Ibinilin ko na lang kay manang ang dalawa.Oh manang kayo na pong munang bahala sa almusal ngayon maaga po kasi alis ko ngayon eh.

Ganoon ba oh sige ako ng bahala at ako na rin ang magsasabi sa asawa mo.Sige na baka mahuli ka pa,sabi nito.

Salamat po talaga manang sige po mauuna na ako,sagot ko naman dito.

Papasok na ako ng office nang pigilan ako ng sekretarya ko.Sir nandiyan po sa loob si ma'am Bettina pinigilan ko po pero ayaw papigil,sabi nito sa akin na kinakabahan pa natatakot siguro na pagalitan ko siya dahil alam niyang ayoko sa taong nasa loob ng opisina ko.

Siya lang ba o may kasama pa?,tanong ko dito.Umiling naman ito.Siya lang po sir,pasensiya na po talaga,hindi na po maulit.

Ano pa nga bang magagawa ko na din na siya sa loob alangan namang pakaladkad ko sa mga guard baka magalit ang pinsan niyan hindi pa mag-invest.

Pagpasok ko ng pinto nakaupo lang ito at hinihintay ako.Umupo na ako at sinimulan siyang tanungin sa panay niya dito.So anong sa atin Ms.Bettina?,wala ka namang appointment di ba tanong ko dito.Imbis na sagutin ang tanong ko umikot ito sa likod ng swivel chair ko at minasahe ang balikat ko.Tinabig ko ang kamay nito dahil alam kong hindi maganda ang pakay nito.

Stop that please,hindi ka na nakakatuwa pwede ba umalis ka na?,sigaw ko dito.

Bakit hindi mo ba nagustuhan yung iba nga gustong-gusto yun kapag minamasahe ko sila,sabi nito na bahagyang kinagat pa ang pang ibabang labi nito.

Hindi!.kung sila gusto nila pwes ako hindi pwede ba umalis ka na bago pa kita pakaladkad sa guard.

Napanganga naman ito sa sinabi ko dali-dali nitong kinuha ang bag saka umalis.

Nakahinga ako ng maluwag naging busy na ako sa pag-aasikaso ng mga document na kailangan pirmahan.

Mahihinang katok ang umagaw ng atensyon ko.Pasok!,sigaw ko.Pagbukas ng pinto nakita ko ang galit na galit ang pinsan ni Bettina sinalubong ko ito para magpaliwanag sa mga ganap kanina pero mukhang wala naman itong balak makinig sa akin. Walang hiya ka sino ka para palayasin ng ganoon ang pinsan ko!,pagalit nitong sabi at pagkatapos binigyan niya ako ng isang malakas na suntok.Dumugo ang labi ko sa ginawa niya.Pumasok ang ilan sa mga guard kasama ang secretary ko inawat nila ito.

Ilabas niyo na yan sabi ko dito.
Pero bago pa ito lumabas nagsalita muna ako. Sino ako?,ako lang naman ang may-ari nitong kompanya na ito at ako lang naman ang magsasampa ng kaso sayo ng trespassing at physical adultery asahan mo yan.Lalo itong nagwala sa sinabi ko hindi na kami mag-iinvest sa company mo!,sigaw nitong pabalik.Ulol sayo na pera mo at pwede bang banlian mo ng mainit na tubig si Bettina nangangati ata,nakangiti ko lang sabi dito kaya lalo itong nagalit.

Hazel POV

Nagdesisyun ako na magdadala ng pagkain sa opisina ni Eiden bago mag-lunch time.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon