CHAPTER 18

7 3 0
                                    


Eiden POv

          Tol!,dumating na sila ano ready na tayo labas muna kami diyan ka lang panghuli ka sakto para sa gagawin mo sabi ni Lance tapik-tapik pa ang balikat ko.

          Salamat sa mga tulong niyo ha sana hindi ako kabahan mamaya sabi ko sa kanila.

          Good luck tol sabi ni Dexter bago isara ang pinto.

          Nagkakabisa ako para sa mamaya nang may kumatok,mga magulang ko at ni Hazel.

         So paano ba yan iho ipinauubaya ko na ang anak namin sayo ha sabi ni mama.

           Huwag kang mag-alala balae kami ng bahalang dumisiplina sa anak namin kapag nagloko ito sabi naman ni nanay.Natawa na lang ako "balae" wala pa nga po ma,nay baka maudlot pa biro ko.

          Oo nga naman mas excited pa kayo sa kanila ah,sabi ni tatay na sinang-ayunan naman ni papa sabay tapik sa balikat ko.

         Relax ka lang iho hindi na ngangain ang Hazel namin biro ni papa dahil kitang-kita talaga ang kaba sa mukha ko.

Hazel POv

         Asan kaya ako dinala nitong best friend ko,palingalinga pa ako nang magpaalam ang kaibigan ko para alamin kung saan yung pinareserve niya.

          Miss ok na ba?,tanong ni Alyssa sa receptionist. Opo ma'am punta na lang po kayo sa may tabi ng pampang meron po dun na parang mini cottage,sagot naman nito.

         Tara na bess hila nito sa akin pagdating namin dun napaiyak ako dahil andun lahat ng espesyal na tao sa buhay ko pati na din ang kapatid ko pati na din mga magulang ni Eiden at mga close namin na friend nung nasa college pa kami si Alyssa, Lance at Dexter. Nalungkot ako ng hindi ko siya makita.

          Nay si Eiden po?, tanong ko dito...

         Mahuhuli lang siya ng konti iha pasensiya kana dun sa anak ko na yun pero hahabol daw siya kung aabot bilin niya sa akin kung hindi man daw sana magustuhan mo itong regalo niya sayo.

            Po?,siya po nagplano nitong lahat halos di ko makapaniwalang sabi.

         Oo iha sabi nito habang hinihimas ang likod ko.Napatingin na lang ako sa preparation ang ganda may projector na may nakapaskil na mukha ko with happy birthday baby love Eiden engrande kong masasabi kahit iilan lang kami dahil maraming pagkain at lahat kami akala mo pupunta ng rich type party.

          Dumating na ang cake kinantahan nila ko ng Happy birthday saka nagwish "sana makahabol ka baby" sabay ihip sa kandila... Pagkatapos may nag-play na video si Eiden binati ako ng happy birthday at pagkatapos kinantahan niya ako ng A Thousand years sa monitor halos mapaiyak na ako ang daya kasi bakit video lang hindi ba pwede sa personal na lang para at least dito siya.

          Natapos ang video sa monitor ng may nag-play naman na slideshow ng mga pictures ko puro stolen shot napanganga ako ang gaganda kasi ng kuha ko dun at ang huling picture eh yung nagkiss kami nung sinagot ko siya sa labas ng bahay namin.

          Mayamaya pa lumabas na ang pinakahihintay ko, halos sa araw araw na nakikita ko siya hindi talaga ako nagsasawang tignan siya lalo siyang gumagwapo.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon