Hazel POvKami na daw sabi niya kay Kevin,nababaliw na ba siya ni hindi ko pa nga sinasagot sabagay mula nung sinabi na yun sa harap ng maraming tao tumigil na sa pangungulit sa akin ang taong yun na ikanatuwa naman ng best friend ko at simula din nun palagi na rin niya ako hinahatid pauwi na ikanatuwa naman nila mama at papa dahil hindi na daw nila kailangan pang mag-alala sa tuwing umuuwi ako ng late ng dahil sa trabaho, tuwang-tuwa naman ako na magkasundo sila ng kapatid kong si Rex at dun ko din nalaman na nagkaka-chat pala silang dalawa, para silang magkapatid na din kung titignan parang nagseselos na tuloy ako kasi mas close pa sila ni Rex kesa sakin ganun siguro talaga kapag parehas lalaki iisa lang ang takbo ng utak.
Nagpaalam na siya sa amin na uuwi na dahil late na, kaya napagdesisyunan ko na ihatid siya kahit sa labas lang ng gate.Nung nasa labas na kami sumunod ang kapatid ko para magpaalam na din kay kuya Eiden daw niya at may ibinulong ito sa kanya na kinatawa nilang pareho na ipinagtataka ko naman.Oh!,siya uwi ka na baka hinahanap ka na ng nanay at tatay mo sa inyo sabi ko ...Oh sige mauuna na ako kita na lang ulit tayo bukas sa work ha!, text-text na lang tayo mamaya kapag nakauwi na ako sabi naman niya..Ok sige ingat ka ha!, medyo late na din kasi eh sabi ko pero hindi pa siya umaalis kaya tinanong ko siya... ano pang hinihintay mo lakad na at baka lalo ka pang gabihin sa daan pero nagulat ako nung halikan niya ako sa labi.Namumula siya sabi niya, sabi kasi ng kapatid mo eh pa-goodnight kiss mo na din sa akin para masarap tulog ko mamaya at para mapanaginipan din kita malay mo sa panaginip ko sagutin mo na ako sabi niya.Ang OA at ang korny mo naman nakangiti at napapailing kong sabi..Sige na nga mauuna na ako.Sige na bye na sabi niya.Pero nakaka-ilang hakbang pa lang siya tinawag ko siya at lumapit naman siya kaya tinanong niya ako kung bakit kung may nakalimutan ba siya sabi ko meron na ikinakunot ng noo niya habang nag-iisip kung ano ba nakalimutan niya natatawa ako sa itsura niya lalo siyang guma-gwapo.Tumingin siya sa akin at sinabing 'wala naman akong nakalimutan ah" sabay pisil sa ilong ko.Tinignan ko siya sa mata at ganun din siya sa akin tapos dinampian ko siya ng saglit na halik sa labi niya na ikinatuwa naman niya at sabay sabi ko sa kanya ng "oo sinasagot na kita!"...halos napatalon siya sa tuwa sabay sigaw ng "yes!,talaga?...talagang-talaga"..sabi niya at tumango na lang ako ulit bilang sagot.
Eiden POv
Hindi ako makapaniwala!,sobrang saya ko ngayon dahil official na ang relationship namin sa three month's na panliligaw ko sa kanya habang nasa biyahe nag-log in ako sa facebook account ko at binago ang status ko na In a relationship na ako at nilagay ko dun ang pangalan ng baby ko..
Pagkapasok ko sa bahay sumalubong sa akin ang nanay ko na nag-aalala niyakap ko siya at sinabi ko na ang saya-saya ko ngayon dahil sinagot na ako ni Hazel at niyakap din ako ni nanay sabay sabing "huwag na huwag mong paiiyakin ang nobya mo anak dahil parang anak na din ang turing namin sa kanya at higit sa lahat napakabait pa na bata kitang-kita na magiging mabuti siyang asawa sayo pagnagkataon ay mabuting ina din siya ng mga magiging anak mo balang araw".
Nang makahiga na ako sa kwarto nagtext na ako sa kanya na safe naman akong nakauwi at wala na siyang dapat ipag-alala pa.Parang kelan lang simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko pero yung ngayon ibang-iba to dahil pati sa future ko siya ang nakikita ko na makakasama ko sa pagbuo ng isang masayang pamilya. Nakatulog akong masayang-masaya dahil mula ngayon kami na ni Hazel at ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya paiiyakin at sasaktan dahil makita ko lang may manakit sa kanya hindi ko alam ang magagawa ko sa taong mananakit sa baby ko wala akong pakialam kong tawagin man nila akong possessive na boyfriend basta ayaw ko lang na may nananakit sa mga taong mahahalaga sa akin.Specifically her.
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...