CHAPTER 27

8 2 0
                                    


Hazel POv

This is it!,sabi ko sa sarili ko habang kinakabahan pa,inaayusan na ako para sa kasal ko ngayong araw na ito.

Bess!!!!!!!,sabi ni Alyssa habang nakayakap mula sa likuran ko.Ang ganda-ganda mong bride na pregy dagdag nito.

Thank you bess!,sana maging ok ang lahat para sa araw na to noh!,excited na kinakabahan ako eh!.

Normal lang yan bess tsaka huwag kang masyado pa istress yung baby mo sabi nito.

Hinawakan ko ang tiyan ko na may animo baby fat dahil malapit na siya sa tatlong buwan.Baby kapit ka lang ha!,kinakabahan lang si mommy mo wika ko dito.

Iginiya na ako ni Alyssa para papunta ng simbahan medyo matrapik dahil may banggan banda sa unahan namin.

Nak ng tokwa naman oh!bakit naman ngayon pa tsk tsk tsk,male-late ka sa kasal mo nito kapag hindi pa tayo nakausad sa trapik na to inis na sabi nito.

Kaya minabuti ko na lang na kausapin ang driver.Kuya wala na po bang ibang saan bukod dito mahuhuli po kasi ako sabi ko dito.

Naku ma'am wala na po pasensiya na po paghingi nito ng tawad.

Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na hininga dahil wala naman na akong magagawa pa mayamaya pa'y gumalaw na ng kahit papaano ang mga sasakyan sa unahan namin.Bess tawagan mo kaya sila sa simbahan para ipaalam ang nangyari.Tumango na lang ito saka dali-daling kinuha ang cellphone sa dala niyang pouch.

Nakarating naman kami sa labas ng simbahan nahuli nga ako ng mga kalahating oras.

Inayos naman ni Alyssa ang belo ko sakto naman pag bukas ng pinto ng simbahan.Natapos na ang lahat sa paglalakad at ako na lang ang hinihintay sinimulan ko na ang paglalakad papasok ng simbahan ng tumunog ang isang kantang nagpaiyak sa akin God gave me you  nagsimula iyon sa chorus.Nakita ko si Eiden na naghihintay sa gilid ng altar nung makarating kami dun nagkamayan sila ni papa at hinalikan naman siya sa pisngi ni mama.Inalalayan niya ako papunta sa harap ng altar.

Kinabahan ako kanina akala ko hindi ka darating bulong nito sa akin.

Sira pinatawagan ko naman kayo kay Alyssa ah,ngayon pa ba ako aatras kung kelan magkakaanak na tayo sagot ko naman dito.

May tumikhim sa harapan namin,iha iho mamaya na kayo mag-usap para naman maikasal ko na kayo nahiya naman kaming dalawa dahil para kaming bata sa inasal namin.Nung natahimik na kami dinadaan ko na lang sa titigan yung gusto kong sabihin as if naman na naiintindihan niya yung ibig king sabihin sabi ng utak ko.Ngumiti naman ito na akala mo naiintindihan niya ako.Well hanggang sa dumating na yung pagpapalitan namin ng wedding vows.

Hazel Anne Rivera tanggapin mo itong singsing na ito bilang tanda ng pagmamahal ko sayo aalagaan kita sa abot ng aking makakaya sa hirap man o ginhawa, maraming salamat sa mga pang-unawa mo sa mga busy days ko at syempre sa pagmamahal mong walang katulad mahal na mahal na mahal kita.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon