Hazel POv
Nagising ako sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko maayos na ang pakiramdam ko.
Hindi pa man ako na nakakabangon ng bumukas ng pinto at iniluwa nun ang imahe ni mama.
Anak nakatulog ka ba ng maayos kagabi tanong nito.
Opo ma!,sagot ko.Anong oras na po ba nakauwi si Eiden ma hindi ko po kasi namalayan yung pag-alis niya kagabi nakatulog kasi ako.
Medyo malalim na din ang gabi nun anak hindi ko na nga pinapaalis kaso mapilit eh kaya ayun umalis pa rin sabi nito.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table para tawagan siya nakakailang ring pa lang sinagot na niya ito.
Hello baby kamusta na pakiramdam mo ok na ba binilin ko kay mama na huwag ka ng papasukin muna pagaling ka ha!,bungad nito.
Opo boss masusunod po nagfile na din ako ng leave para naman makapagpahinga naman ako sabi ko.
Aba dapat lang dahil kung hindi itatali kita para di ka makaalis ng bahay patawa-tawang sabi nito.
Itatali talaga?,ang higpit naman pala ng mapapangasawa ko biro ko.
Kailangan para gumaling ka alam mo naman na ayokong nagkakasakit ka di ba!..
Ah!,sweet talaga kaya lab na lab kita eh.Punta ako diyan mamaya ha magdadala akong pagkain paalam ko dito.
Oh sige ba!,excited na sabi nito damihan mo yung pagkain na dadalhin mo.
Bakit?,nagtataka kong tanong dito na sinagot naman niya agad.
Kasi po gabi na kita papauwiin at ihahatid kita mamaya, dito ka na lang tumambay para naman ma-inspired ako lalo sa pagtatrabaho.
Baka naman magsawa ka sa pagmumukha ko kapag ganun baby pero sige sabi mo eh!,pagkatapos nun tinapos ko na ang tawag.
Naligo na ako at nagbihis para naman makaalis na ako agad pagbaba ko tinawag ako ni mama sa kusina pumunta naman ako para makapagpaalam na din.
Ma aalis po ako pupuntahan ko si Eiden sa opisina niya,pagpaalam ko dito.
Oh sige sakto naman pala nagluto pa naman ako ng madami dalhin mo kasi walang kakain nito nagpaalam sa akin ang kapatid mo na pupunta sa birthday ng kaibigan niya at si papa mo naman gagabihin dahil may gagawin pa daw siya at ako naman inimbitahan ng mga dati kong kaibigan na magkita-kita para naman makapag-usap daw kami after a long time sabi nito sa akin kaya naman sinalin niya ito sa lalagyan at dinala ko.
Eiden POv
Sinabihan ko ang secretary ko na tawagan yung sinasabi niyang wedding planner na kakilala niya pagkalipas ng ilang minuto bumalik siya at sinabing papunta na daw ito.Sakto dahil punta dito si Hazel,para naman makapag-plano na kami sa magiging kasal namin.
Naunang dumating ang wedding planner kesa kay Hazel natrapik siguro sabi ko.
Mayamaya pa dumating na din ito nagulat pa ito ng bahagya ng makita ang babae kita ko ang pagtataka sa mukha nito. Sinimulan kong ipakilala si Marga kay Hazel pagkatapos ko silang ipakilala sa isa't-isa nag-shake hands sila at nag-ngitian.
Busy sila sa pag-uusap ng wedding planner kaya naman natuon naman ang pansin ko sa ilang paperwork hindi sila nahirapan magkapalagayan ng loob siguro dahil parehas babae at iisa lang ang takbo ng utak sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomansaAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...