Hazel POv
Tinawagan ako ni Alyssa dahil kailangan niya ng kasama sa mall.Ano ba yan bess gagawin mo lang akong taga bitbit ng inaanak ko pagmumukha akong yaya niyan angal ko.
Hindi ikaw magbibitbit kay Amara para makapamili naman ako ng maayos ng mga gamit niya isa pa kasama naman natin si Aling Mameng para taga-dala ng gamit paliwanag naman nito sa akin.
Bebe Amara lika na sa ninang at rarampa ang nanay mo,tumawa pa ito na akala mo nakakaintindi na sa sinasabi ko.
Ayan sige pagtulungan niyo akong mag-ninang sagot nito ma nakasimangot.
Bebe tignan mo si mommy mo guilty saka ko ko pinaggigilan ang cute-cute kasi nito.
Mamimili si Alyssa ng gamit nito ng magpasyahan kong umupo sa gilid,buhat-buhat ko naman ang tulog na tulog na si Amara.
Sana kapag nagka-baby ako kasing ganda mo saka sana kamukha ni ninang ano?!...sabi ko dito kahit na alam kong hindi naman niya ako naririnig.
May tumikhim sa likod ko paglingon ko si Kevin, napahawak ako ng mahigpit sa bata baka kasi kunin niya nakaramdam ako ng takot.
Mainam niyang tinitignan ang batang karga ko.
Ang ganda naman ng anak mo kamukha mo papuri nito sa bata."Bobo kung alam mo lang"sabi ng utak ko.Tinext ko si Alyssa dahil hindi ko alam ang gagawin pero bago ko pa i-send ang mensahe nasa likod ko na siya.
Hindi niya siguro napansin si Kevin dahil natuon ang atensyon niya sa anak niya na buhat-buhat ko kinuha niya ito saka kinarga.
Hala bess nakatulog na naman pala ulit ang inaanak mo,pasensiya ka na dito sa anak ko napaka-antukin hindi ko nga alam kong saan niya namana yang ugaling yan sabi nito habang hinahalik-halikan sa noo ang natutulog niyang anak.Tara alis na tayo nagluto si mama ng meryenda natin aya nito sa akin.Maya-maya napansin na nito ang taong nasa likuran ko napakunot ang noo nito at nakita ko ang galit pero makikita din sa mukha nito ang takot.
Parehas silang tahimik si Kevin nakatingin lang sa bata na karga ni Alyssa hindi ko alam kung tama ba ako pero para siyang maiiyak habang nakatingin sa sanggol.Si Alyssa naman yakap-yakap ng mahigpit ang anak niya.Huminga ito ng malalim ng akma itong lalapit sa kanila ng anak niya umatras ito ng konti saka nagsalita "tara na baka abutan ng hamog yung anak ko maghahapon na kasi mamaya mahirap na baka magkasakit pa ito" sabay himas sa mukha ng anak niya naglakad na kami palayo ng lingunin ko ang huli umiiyak na ito.
Pagsakay namin ng taxi kinarga ko na si Amara nakita ng umiiyak naman si Alyssa nagpahid muna ito ng luha bago nagsalita,nakita ba niya ang anak ko tanong nito,tumango naman ako bilang sagot.Lumapit ba siya sa anak ko synod na tanong niya umiling na lang ako bilang sagot.
Kapal ng mukha pagkalipas ng dalawang buwan magpapakita siya ulit dito patuloy nito,huwag lang siyang makalapit-lapit sa amin di ko alam ang magagawa ko sa kanya kapag kinuha niya sa akin ang anak ko dugtong nito.Yung makita ng siyang umiiyak na nakatingin sa anak ko grabe para akong yelo na natutunaw dagdag pa nito.
Baka natauhan ati Alisa ng makita baby niyo alam mo naman ang isang ama lumalambot kapag nakita ang anak,minsan kahit hindi pa nila ito nakikita kahit mula ng ipinanganak kapag nakita niya ito nakakaramdam siya ng lukso ng dugo ati,sabi ni Aling Mameng.
Tumingin sa akin si Alyssa at nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam kung totoo ba yun.Per sabi nila oo sabi ko sa utak ko.
Pagkadating namin sa bahay nagtataka itong nakatingin sa amin dahil maganda na ang mata ng anak niya sa kakaiyak.Nagkwento naman ito sa nangyari kanina sa mall kaya naman naunawaan na nito ang dahilan.
Anak hindi mo din naman maitatago sa kanya ang anak mo siguro noong una ayaw niya dito kasi ayaw niya ng responsibilidad pero nung makita niya mismo yung anak niya syempre lalambot talaga yun kung ganito ba naman kagandang bata eh kahit ata sino mapapamahal sa kanya daddy niya pa kaya mismo ,give him a chance kung gusto niya makilala si Amara anak niya din naman ito mahabang sabi ni tita kay Alyssa.
Paano po kung gusto niyang kunin sa akin si Amara mom?,hindi ko yun kakayanin.
Hindi naman siguro anak huwag muna natin pangunahan ang mga pangyayari ang importante ipakilala mo sa kanya ang daddy niya dahil kapag lumaki yang magtatanong din yan sayo paliwanag nito sa anak.
Susubukan ko mom,pero kapag kinuha niya sa akin si Amara magkakamatayan kami sagot nito.
Gabi na ng makauwi ako tinawagan ako ni Eiden via Skype,naikwento ko sa kanya ang mga pangyayari kanina nakikinig lang ito sa mga sinasabi ko hanggang sa matapos ako.
Tama si tita,baby bigyan niya ng chance yung tao baka naman magbago yun parang ako lang yan.
Parang ikaw?,paano tanong ko dito.Nung hindi pa kasi kita nakikilala wala akong sineseryosong babae pero nung nakilala na kitan agdecide na ako na magseryoso sa love life ko at ikaw ang dahilan non pagmamalaki pa nito.
Ayus talaga lang ha?,baka binibiro mo lang ako Mr.De Guzman.
Naku never Mrs.De Guzman sabi pa nito na nakahawak sa puso,natawa na lang ako dito.
Yan sige tawa pa naiinis nitong sabi.Pasalamat ka wala ako diyan kundi hahalikan kita para tumahimik ka na.
Natahimik ako sa sinabi.Oh di ba epektib natahimik ka pagyayabang nito.
Ewan ko sayo bumili ka ng kausap mo bwisit ka sabi ko dito sabay tapos sa video call,pati cellphone ko in off ko din.
Kainis ang yabang nanggigigil na sabi ng utak ko saka ko isinubsob yung mukha ko sa unan saka nagsisisigaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/108523481-288-k10189.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...