CHAPTER 15

10 3 0
                                    

Hazel POv
     
          Napakasama talaga ng lalaking yun ayaw panagutan ang ginawa niya sa best friend ko.Hey ginusto namin yun parehas ano bang malay ko na mabubuntis ko pala siya hindi ko naman siya pinilit at saka lasing kami non kaya wala na siyang magagawa kung ayaw ko man siyang panagutan naiintindihan mo naman siguro ang ibig kung sabihin.Pagkatapos niya sabihin yun isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya  ang kapal ng mukha niya anong tingin niya sa kaibigan ko parausan haa!,tama lang pala si Eiden sa pagpapayo sa akin noon na layuan ko itong mokong na to buti na lang nakinig ako sa boyfriend ko kahit naiirita na ako sa kakamando niya sa akin.

        Habang kumakain nagkwento siya sa amin na may dumalaw kagabi sa kanila na kamag-anak at dun ko lang napag-alaman na may lolo pala siya nagulantang kaming lahat ng sinabi niya ang pangalan ng bisita nila maging mga magulang ko nanlaki ang mga mata.

       Alfonso De Guzman ba iho?,tanong ni mama.Opo mama bakit po kilala niyo po ba ang lolo ko?!.

       Aba't sino ba namang hindi halos kilala siya ng lahat dahil laman siya ng mga balita mapadyaryo man o TV iho hindi ka ba nanununuod?,isa lang naman siya sa pinakasikat sa larangan ng pagnenegosyo at mayaman din ang angkan nila ang tawag nga ng karamihan sa kanya eh Don Alfonso pakukwento ni mama na sinang-ayunan naman ni papa.Lolo mo pala siya ibig sabihin yung nanay mo yung pinaghahanap nila noon na nakipagtanan pagkatapos ipagkasundo ng kasal sa anak ng kasosyo nila.Maging ako nakikinig lang halata din ang gulat sa kanya, halos hindi siya makapaniwala sa mga malaman.

       Mama halatang-halata na hindi po kayo tsismosa ano?!,pambabasag ko sa katahimikan kasi mismo hininga ko naririnig ko na sa sobrang tahimik.Ano ka ba naman anak kahit i-google mo lalabas iyon sa internet halos alam
din ng buong mundo yun.

        Ano daw pala sadya niya sa inyo baby?, tanong ko sa kanya na sinagot na naman niya habang tinitignan ako sa mata ng diretso.

        Inalok ako ni lolo na kung pwede ko daw bang i-take over ang pagiging CEO sa pagreretiro niya sa anniversary ia-announce niya daw yun sa event kasabay ng birthday ni Lola kapag pumayag daw ako binigyan niya ako ng isang linggo para makapag-isip isip sagot naman nito.At syempre ikaw ang date ko sa event kapag ipinakilala na ako ni lolo bilang bagong CEO ng company namin pahabol niya.Tumingin ako kanila mama at nahulaan naman nila ang gusto kong sabihin kaya tumango na lang silang pareho ibig sabihin payag sila.Ok sige sabi mo yan ha!,naku baka mawalan ka na ng oras sa relationship natin kapag naging CEO ka na magiging busy ka na as usual di bale Ok lang basta lagi kang magrereply sa mga text ko syempre dapat sagutin mo din mga tawag ko para alam ko kung Ok ka lang.

Eiden POv

         Nabigla ako sa mga malaman ko tungkol sa story ng buhay ng love story ni nanay noon kung sa akin yun mangyayari baka mabaliw ako.

        Ang swerte ko talaga kasi biniyayaan ako ng mabait  at maaalalahanin na girlfriend pati mga future in-laws to be.Malapit na pala ang second anniversary namin ni Hazel hindi ako makapaniwala na abot kami ng ganito katagal sa loob ng dalawang taon namin na relasyon nirerespeto ko talaga siya at habang tumatagal lalo ko lang napatunayan na kahintay-hintay talaga siya.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon