CHAPTER 30

6 2 0
                                    

Eiden POV

Pumasyal kami sa isang mall pumunta kami sa mga bikihan ng gamit pambata dahil lumalaki na ang anak namin kakailanganin na niya ng mga bagong damit.Nang makontento na sa pinamili napagpasyahan namin na kumain sa isang fastfood nang umorder na ako para sa pagkain namin Nabigla kami ng magsalita ito ng Papa halos mapaiyak naman ang misis ko ng banggitin din nito ang Mama nagsisimula na din kasi itong naglakad ginagabayan namin siya para naman mabalanse niya ang katawan niya.

Nang napagod kami sa pamamasyal umuwi na kami sa bahay dinaluhan naman kami ni manang para buhatin ang natutulog na si Zion.

Nandiyan na pala kayo, naku mukhang napagod ang baby boy ko ah!,wika nito sa anak namin.

Iniakyat naman nito si Zion para naman makapaglinis kami ng mga sarili namin.

So ano kamusta na ang pakiramdam ng asawa ko?,tanong niya habang nakayakap mula sa likod ko.

Heto medyo nangalay ang binti ko pero ngayon nawawala-wala na pahinga lang magiging ayus na ito sagot ko dito.

Bukas pala maaga ako papasok kasi marami kaming kailangan gawin ni Conrad alam mo naman kailangan ko na ng tulong lalo na ngayon na maraming kumakalaban sa business natin.

Saka bukas may meeting din kami na aasikasuhin baka sabihin ako ng uwi ha!,paalam ko dito.

Ikaw naman hindi mo naman kailangan magpaalam sa akin kaya iniisip ng mga kaibigan mo na under de saya ka eh!,sabi naman nito.

Hayaan mo na lang silang mag-isip ng kung anu-ani ang importante alam naman natin ang totoo di ba sabi ko dito habang minamasahe ang sintido niya nagpakawala pa ito ng mahinang ungol dahil sa pagmasahe ko nakaramdam tuloy ako ng init sa katawan.

Stop that baby sabi ko dito kaya napamulat siya.

Stop what baby?tanong nito pabalik na nakakunot pa ang noo nito.

Yung pag-ungol mo ang itigil mo baka mamaya may nagawa pa ako masundan pa di oras si Zion.

Namula pa ito sa sinabi ko.E di huwag itigil muna ang pagmasahe ok naman na ako,ang galing mo kasi magmasahe  pambawi nito.

Napapikig na lang ako ng ulo sa sinabi niya,nahiga na kami sa kama at natulog.

Hazel POV

Gumising ako dahil kinatok ako ni manang ,hindi ko na naabutan pa ang Mister ko maaga talaga siyang umalis.

Pagbaba ko sa sala nakita ko si mama na nilalaro ang apo niya tumatawa naman ito nahawa siguro sa hagikhik ng bata.

Oh anak gising ka na pala halos magkasunod lang kayo nitong anak mo.Nakita kasi ni manang na naglalaro lang sa kuna kaya kinuha na niya para mapakain.Hindi na din siyang nag-abala na gisingin ka napagod daw kayo sa pamamasyal kahapon mahabang sabi nito.

Dumiretso ako sa lamesa na kung saan nakalagay ang almusal nang kumakain ako nang may nagdoorbell tatay na sana ako pero pinigilan ako ni manang Melba tumungo na ito sa pinto at iniluwa nun ang kaibigan ko kasama ang maganda nitong anak.

Bess good morning bati nito.Good morning din tara kain tayo nang may kasabay naman ako aya ko dito.Inilapag lang muna nito si Amara sa kuna kung saan naglalaro ang anak kong si Zion.

Oh balita sayo bess umpisa ko.Naku bess iniistress ako palagi ni Kev gusto niya palagi makita ang anak niya kaya ayun dinadala ko naman hindi naman ako ganun kadamot para ipagkait ang karapatan niya kay Amara kwento nito.

Tama yang ginagawa mo,at least malay mo magkamabutihan pa kayo dahil kay Amara sabi ko habang patuloy sa pagkain.

Gusto nga daw niya mabuo ang pamilya namin well sinabi ko naman sa kanya na hindi pa ako handang magtiwala sa kanya kaya ayun todo effort din minsan dumadalaw sa bahay with flowers pa kasabay ng mga laruan para kay Amara kinikilig nitong sabi.

Wow congrats mukhang ikaw na ang karma ng Kev na yun ah wish ko sana magkamabutihan na kayo para naman madala na niya ang apelyido ng dad niya pagnagkataon sabi ko naman dito kaya napaisip naman siya.Sana nga bess kasi mahal ko pa din naman yung tao na yun sagot naman nito sa akin.

Anak kami na muna mag-aalaga sa mga anak niyo magpa-make over naman kayo o kaya mamasyal sabi sa amin ni mama.

Oo nga naman bess.Thanks po tita yan nga din po pinunta ko dito para ayain itong anak niyo na lumabas kahit minsan lang po sabi nito kay mama.

Ok fine utos ni mudra eh,sakto din kasi malapit na din ang birthday ni Zion punta kayo ha!,invite mo din si Kev sabi ko dito.

Oo ba yun lang pala eh!,don't worry hindi ako kuripot magregalo bess biro nito na ikinatawa na lang namin parehas.Sira ka talagang Alyssa ok lang kahit simple lang.

.............................................................

Nasa salon na kami ng mag-aya itong mag shopping pagkatapos namin magpa-make over.

Bess maganda ito kay Amara oh para siyang princess kapag sinuot niya ito.

Ok sige bibilhin ko na yan,ikaw mamili ka na din ng para sa anak mo para mamaya kakain na lang tayo then pagtapos na uuwi ma tayo.

Nakapag-shopping na kami ng napagpasyahan naming kumain sa isang Resto.

Bess pang middle class ata dito sa iba na lang tayo di ko keri dito baka kulangin budget ko sabi nito sa akin.

Napatawa na lang ako sa reaksyon niya.Ano ka ba treat ko na ito dahil tinulungan mo ako sa pamimili sabi ko dito.Lumapit ang waiter sa amin at inabutan kami ng menu nakita ko na napanganga si Alyssa napailing na lang ako dito.

Isang steak sa akin yung rare lang samahan mo na din ng pasta saka isang apple juice,sayo bess untag ko dito.Ganun na lang din bess sagot nito pagkatapos isulat ng waiter ang mga order namin umalis na ito.

Iba talaga ano kapag nakapangasawa ng CEO noh?!,sabi nito.Sira hindi naman sa ganon yun bess sayang ngayon ang ako gagastos kasi ngayon lang may nag-imbita sa akin na lumabas ng bahay sabi ko dito.

Dumating na ang inorder naming pagkain, nang hinihintay namin ang pasta tinawag naman ako ni Alyssa iningunguso niya sa akin ang bagong dating sa entrance ng Resto,si Eiden. Tatawagin sana ito ni Alyssa pero nahinto ito ng may pumulupot sa braso nito na isang babae tinitignan ko mabuti ito dahil pamilyar ito sa akin.Bettina sabi ng utak ko.

Dumiretso ang mga ito sa di kalayuan ng mesa namin nakita ko na nilalandi nito ang asawa ko kahit pa pilot iniiwas ni Eiden ang upo niya dito.Ang haliparot naman talaga!,nasabi ng kasama ko hindi namin maialis ang tingin namin sa kinauupuan ng mga ito may kasama din itong mga naka-office attire siguro business meeting.

Kung ako sayo bess yung apple juice mo na natitira gusto mo buhos ko dun sa haliparot sabi nito.

Huwag na mukhang seryoso usapan nila eh,saka nakakahiya maeeskandalo pa tayo dito sabi ko dito.

Fine sabi mo eh!,kung ako sayo kausapin mo mamaya ang asawa mo.Tignan mo nga halata na ang pagka-irita niya sa babaeng yan oh!,sabi nito sa akin na naniningkit ang mga mata.Natawa na lang ako pero naiinis din.


Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon