CHAPTER 7

7 3 0
                                    


Hazel POv

         Nakauwi na ako galing sa trabaho at masasabi ko naman na kahit marami akong trabaho eh hindi naman umaabot na inaabuso ko na ang sarili ko.

         Nitong mga nakaraang araw nagiging inspired ako sa pagtatrabaho syempre unang-una ang pamilya ko at si Eiden na walang ginawa kundi dalhan ako ng pagkain sa mesa lalo na kapag marami talagang paperworks.

        Nakahiga na ako nang mag-log in ako sa facebook account ko at nakita ko ang friend request ni Eiden na inaccept ko naman tignan ko mga photo niya,napangiti ako na wala siyang picture ng ibang babae maliban lang sa family niya at mga kaibigan niyang sila Lance at Dexter tapos yung status niya "complicated" bakit kaya?...siguro may napupusuan na ang lalaking hinahangaan ko.Nalungkot ako at nasabi na lang na ang swerte-swerte naman niya.Nagising ako sa pag-iisip ng tumunog ang messenger ko at nagulat ako dahil ang taong nagpadala ng mensahe eh yung tao na kanina iniisip ko lang, nakangiti ako nung buksan ko ang message niya.

Eiden: still up?

Hazel:yup

Eiden:bakit naman?..
may problema ba?

Hazel:wala naman..may iniisip
lang..

Eiden: boyfriend?

Hazel: naku wala akong
boyfriend noh..

Eiden: so you mean single ka
pa?

Hazel:Oo..

Eiden: yes!!!!....so?

Hazel:so???...na ano?

Eiden:pwede ba kitang ligawan?
ano kasi eh,
ano kasi...crush kita and I like you Hazel!!!

Hazel: ano?!..crush mo ko?,baka binibiro mo lang ako ha alam mo naman na ayaw ko sa mga lalaking manloloko Eiden.

Eiden: oo naman noh!..kilala kita since elementary palang tayo..so you mean payag ka nang ligawan kita?

Hazel: oo sige payag na ako..

Eiden: talaga?
payag ka na talaga?

Hazel: oo nga sabi eh..
sige na goodnight!!!
bukas na lang ulit...kita
kits.

Eiden: sige goodnight baby ko,
sweet dreams!.

Hazel: baby??bakit tinawag mo akong baby??

Eiden: yun ang gusto ko itawag sayo eh.sige na tulog ka na huwag magpupuyat kakaisip sa akin...hahahaha

Hazel: kapal ha!...sige na tulog na ako ikaw din...

sabay offline baka anu na naman sabihin nun e baby?daw ang gusto niyang itawag sa akin hindi ko pa nga siya sinasagot e, kinilig ako bigla nung sinabi niya na crush daw niya ako napangiti ako at di ko na namalayan nakatulog pala ako.

Eiden POv

Maaga ako gumising para sa araw na ito dahil pinayagan na niya ako na ligawan ko siya.Pasipol-sipol pa ako habang nagbibihis nang tawagin ako ni nanay para mag-almusal...

Habang kumakain ako eh tinitignan ako ng mga magulang ko...Anak nanalo ka ba sa lotto ha?,aba't napakasaya mo ata  ngayon..Naku tatay hindi naman ako tumataya ng lotto..Ano po kasi pumayag na si Hazel na ligawan ko siya at magsisimula po ako ngayong araw sagot ko sa tanong nito..

Aba anak magandang balita yan,boto kami para diyan kay Hazel ,anak bilis bilisan mo na nang makapagpakasal na kayo at nang mabigyan mo na kami agad ng apo ng nanay mo para hindi na siya tumanggap ng labahin dahil siya ang pag-aalagain ko ng magiging apo namin.Tay naman hindi pa po ako sinasagot kasal na agad ang iniisip ninyo si tatay talaga oh!..

Nasa opisina na ako nang nilagay ko ang binili kong bulaklak para kay Hazel at nilagyan ko yun ng note na "Good morning baby! From.Mr.E".sigurado naman ako na mahuhulaan niyang sa akin galing ang mga flowers na yun.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa pocket ko at nagpost sa facebook ng kaparehas ng nakasulat sa note na nilagay ko sa mga roses na inilagay ko sa table niya at tinag ko siya .Wala na akong paki kung sabihin man nila Lance at Dexter na ang corny ko nang biglang may nag-appear na comment.

Rex Rivera
are you courting my sister ?

Eiden De Guzman
yes.
sana Ok lang sayo
can I call you bro?

Rex Rivera
Sure you can.
Ok lang na ligawan mo si ate.
basta promise me you won't make my sister cry huh?

Eiden De Guzman
Ok I promise you that bro

Rex Rivera
when did you start?

Eiden De Guzman
today...

And then naglog-out na ako dahil dumating na ang hinihintay ko, ang baby ko nahuli kong siyang sumulyap sa table ko at ningitian ko siya at nag-wave sa kanya ngumiti lang siya pabalik at saka itinuon ulit ang atensyon sa trabaho.

Nagpaalam ako sa kanya kung pwede ba na sabay na kami maglunch,pumayag naman siya at sabay kaming nagtungo papunta ng canteen ng building. Pagkatapos namin umorder ng pagkain pumuwesto kami sa isa sa mga mesang bakante at wala masyadong taong nakapalibot sa amin para makapag-usap naman kami ng masinsinan pero hindi yun nangyari dahil nakisalo sa amin si Kevin na walang ginawa kundi kunin ang atensyon ng baby ko.Sa sobrang inis ko tumabi ako kay Hazel at inakbayan ko siya nagtaka man tinanong ako ni Kevin kung kami ba ni Hazel at wala sa loob kung sinabi na oo saka ko tinignan si Hazel na hindi kumikibo kaya inilapit ko ang noo ko sa kanya at pinagkiskis ang ilong namin sabay sabing "di ba baby ihahatid pa kita mamaya kaya hintayin mo ko ha!"... sabay kindat tango na lang ang naisagot niya wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami sa canteen ng mga workmate namin.Pagkaalis ni Kevin siniko ako ni Hazel at saka pinandilatan ng mata na tinawanan ko na lang.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon