CHAPTER 1

13 2 0
                                    


Eiden POv

Pasukan na naman at nakakatamad lalo na ang paggising sa umaga...

Pagbaba ko nakita ko ang aking Ina na nagluluto para sa almusal namin dahil nag-iisa lang naman akong anak kaya di kami ganun kasalat sa buhay pero hindi ko rin naman masasabi na mahirap kami tama lang yung tipong nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at natutustusan naman ang pag-aaral ko syempre hindi naman ako pabaya nagpapart-time job naman ako para makatulong sa mga magulang ko...

Nakita ko ang tatay ko na may ina-asikaso sa labas ng bahay namin at saktong patapos na siya pag katapos ng nanay ko magluto,dumiretso siya sa kusina na kung saan naghahanda na ang aking nanay ng pagkain at masasabi kong masaya naman ang pamilya namin at nananatiling buo kahit na hindi na ako nasundan pa.

Nakita ko na niyapkap ni tatay si nanay mula sa likod at binigyan ito ng halik sa noo at pisngi na ikinangiti naman ng aking Ina..

Habang ako ito pupungas-pungas pang bumaba ng hagdan at dumiretso sa lababo para maghilamos.

Laking pasalamat ako at binigyan ako ng magulang na tulad nila mapagmahal at maunawain.

Pumunta na ako sa hapag para kumain at nakita ko ang mga magulang ko na nakitingin sa akin at maluha-luha dahil two months na lang ga-graduate na ako sa kolehiyo.

At heto na papasok na ako sa building sa school ko nang biglang "bang"...... si Hazel nabangga ako dahil nagmamadali siya sa pagpasok malamang late na siya sa next class niya mamaya pa naman kami magka-kaklase at seatmate ko siya,masakit ang braso ko sa pagbangga niya pero nakita ko na mamumula siya at nahihilo pa dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya.

Nag-alala ako para sa kanya hanggang sa humantong na tinanong ko na siya kung Ok lang ba siya at inaalok ko siya na dadalhin ko siya sa clinic kargo ko pa kung may mangyaring hindi maganda sa kanya.

Pero tinignan niya lang ako at tinitignan ko siya kung talagang Ok lang ba talaga siya ng bigla siyang tumakbo natawa na lang ako sa ginawa niya ibang-iba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko siguro kung mga classmate ko yun nag-inarte pa yun para lang hawakan ko sila at makuha ang buo kung atensyon pero si Hazel iba talaga siya...



Hazel POv

Nagmamadali ako sa pagpasok dahil late na ako yung prof pa naman namin pinapahiya ang mga estudyante niya na nale-late sa klase niya...

Hay naku ano ka ba naman Hazel! kung pwede ka lang sanang lumipad para makarating ka dun agad ginawa mo na sabi ko naman sa sarili ko nang biglang " bang"......pagtingin ko sa nabangga ko si Eiden De Guzman.....

I gasp at nasabing "Oh god!" I'm sorry Eiden di ko sinasadya.

Nagmamadali kasi ako pasensiya na talaga...nakayuko ako habang sinasabi yun pero nagulat ako sa sinabi niya...

"OK lang ba?!...naku namumula ka pa may masakit ba sayo?Tara dalhin na kita sa clinic para macheck ka din"..
lalo akong namula sa sinabi nya...

Oh god nag-aalala ba siya sakin ang sweet naman!!!kinikilig ko pang sabi ng matauhan ako sa pagtawag niya sakin...

I'm sorry talaga.Nagmamadali talaga ako,Ok lang ako promise sige ha!,mauuna na ako sabay takbo ulit...

Pagpasok ko sa room tinitignan ako ng mga kaklase ko dahil siguro late na ako pero tingin ko wala pa ang prof namin kaya umupo na ako at tumabi sa best friend kong si Alyssa at nagtataka akong tinignan siya at tinanong.Bakit? may dumi ba sa mukha ko?...

Namumula ka kaya Ok ka lang ba Bess? kaya ayun ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at nang matapos na ako natatawa siya sa akin sabay tanong ng...

" Sinong tanga?"...Ay grabe ka girl iba ka talaga hindi ka man lang ba hinimatay kunwari para hawakan man lang yang VIRGIN mong balat...

Iba talaga tong si Alyssa eh! kaibigan ko ba talaga to eh parang binubugaw na ako nitong bruha na OMG...

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon