CHAPTER 13

8 3 0
                                    

Hazel POv

          Seryoso ka talaga tungkol sa pagre-resign mo mag-aalala mga magulang mo kapag malaman nilang nawalan ka ng trabaho anong sasabihin mo?,sasabihin mo na nakaaway mo ang pamangkin ng boss natin at ako ang dahilan.Eiden naman dapat kasi hindi mo na pinatulan alam mo naman na wala naman akong interes sa sira ulong yun ikaw lang naman ang mahal ko dapat pagkatiwlaan mo ako mahaba kong litanya na ikinakunot ng noo niya at sinabing "masama bang ipaalam ko sa kanya na kung saan lang siya dapat lumugar sayo,oo alam ko naman na mahal mo ako wala akong pagdududa dun may tiwala ako sayo pero sa lalaking yun wala binabakuran ko lang ang akin.Ang sa akin ay sa akin at hindi ako titigil sa pagmamahal sayo tandaan mo yan".Sabay yakap sa akin ng mahigpit na akala mo ay nanakawin ako sa kanya na parang isang bagay.Ang cute niya kapag nagseselos ang sarap pala sa pakiramdam niyakap ko din siya ng mahigpit at binulungan "I Love You Baby promise I will love you with all my heart and soul and no one can take me away from you.If it's happen I always found my way back to you"...

Eiden POv

  
        Bago matapos ang office hours pinatawag ako ng manager namin sakto kasi magpapasa na ako ng resignation letter ko dahil alam ko na kinausap na ng lalaking yun ang tito niya para ipatanggal ako kumatok muna ako nang tatlong beses bago pumasok.Pagkapasok ko naghihintay na sa akin si boss pinaupo niya ako at kinausap tungkol sa nangyaring engkwentro sa pagitan namin ng pamangkin niya at inamin ko naman sa kanya na hindi ko yun pinagsisisihan kahit na kinakabahan talaga ako.Iniabot ko sa kanya ang ginawa kong resignation letter tinanggap naman niya ito at binasa.

           Sorry sa ginagawang panggugulo sa inyo ng pamangkin ko alam kong mali ang ginagawa niya pero ayaw niyang makinig sa amin sabi niya sa akin na kinagulat ko.Buong akala ko magagalit siya sa ginawa buti naman hindi nakahinga ako ng maluwag.Ok since nagbigay ka sakin ng sulat na ito tutuloy mo ba kasi kung ako lang hindi ko ito tatanggapin pero kung ito talaga ang gusto mo nirerespeto ko ang desisyon mo.

         Opo sir itutuloy ko po talaga ang pagreresign bilang respeto ko na din po sa inyo maraming-maraming salamat malaki po ang naitulong ninyo sa akin pati na po itong kompanya.

         Ok sige tutal nakapagdesisyun ka na tinatanggap ko na ito nakakapang-hinayang lang dahil isa ka sa mga taong makapagkakatiwalaan ko at higit sa lahat masipag pa.So bueno sa susunod ulit nating pagkikita kung may pagkakataon thank you very much din sa mga naiambag mo sa kompanya ko sabi niya sa akin.

          Pagkauwi ko kinuwento ko sa mga magulang ko ang nangyari walang labis walang kulang at naiintidihan naman nila ako.May kumatok sa pinto namin inutusan ako ni nanay na buksan ang pintuan at alamin kung sino iyong kumakatok.Lolo?.Lolo Alfonso ikaw nga pasok po kayo alok ko sa kanya pinaupo ko muna siya sa sala at ikinuha ng maiinom habang naghahanda si nanay ng makakain namin.

            O papa napadalaw ka sabi ni mama kay lolo,namiss ko na kasi kayo Mira pwede ko bang ayain si James na mag-inom mamaya konti lang naman pagpapaalam ni lolo kay nanay.Ok sige po pa basta konti lang ha ayokong malasing ang mister ko dahil maingay yan kapag nakakainom.

           Balita ko iho wala ka na raw trabaho bakit,tanong ni lolo at si nanay na ang nagkwento nang buong detalye,tahimik lang na nakikinig si lolo sa mga sinasabi ni mama panay naman ang iling ko.

           Ah ganun pala ang nangyari kung gusto mo doon ka na lang magtrabaho sa kompanya natin tutal ayaw naman palakarin ng pinsan mo mas gusto pa daw niyang mag round trip kasama ang asawa't mga anak niya kesa harapin ang sandamakmak na trabaho sa opisina kesa naman mamasukan ka sa iba dun ka na lang sa business natin apo.

            Sa susunod na linggo anniversary ng company natin kasabay ng birthday ng Lola Amelia mo kung gusto mo dun kita papakilala bilang bagong CEO ng company business natin ayun e kung papayag ka iho.Pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo, handa naman kaming maghintay sa isasagot mo.

            Medyo nakainom na si lolo nung nagpasiya na siyang umuwi pero ayus lang siya kasi may driver naman siya na aalalay sa kanya.Hindi ako makatulog ng gabing yun kaya naisipan kong tawagan si Hazel pero unattended lowbat siguro kaya naman pinag-isipan kong mabuti yung inaalok ni lolo sakin.May isang linggo pa naman para makapag-isip kaya pinilit kong matulog na lang ng maaga.

Hazel POv

            Lumabas kami ni Alyssa para mag-unwind maaga ako umalis ng opisina kanina dahil maaga kong tinatapos ang panghuli kong trabaho dahil nagresign na ako kinuwento ko kay Alyssa ang nangyari kanina sa pagitan nila Eiden at Kevin. Naiinis ako kay Kevin dahil hindi marunong rumespeto ng relasyon akala niya madadaan niya ako sa mga mabubulaklak na salita.Si Eiden naman buti napigilan ko kanina dahil kung hindi baka nagsuntukan pa sila.

              Psst!,huwag mo ng masyadong isipin yun girl at least malalayo kana sa Kevin na yun.Walang hiya yun akala mo kung sinong anghel,hudas pala mantakin mo nilasing ako tapos dinala ako sa motel ako naman tong si gaga bumigay agad tanga-tanga ko naiiyak niyang kwento hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya sa pagkukwento so yun nga nalasing sila at may nangyari sa kanila tapos heto ang Bess ko delay at mukhang buntis na ayaw pa atang panagutan ng tukmol na Kevin.

              Niyakap ko ang kaibigan ko dahil kanina pa siya umiiyak sinamahan ko siya na bumili ng pregnancy test kit para malaman namin kung buntis ba talaga siya.Binasa namin ang mga instruction bago sinimulang gamitin then pumasok na siya sa banyo upang nagsimula .Makalipas ang ilang minuto lumabas siya at ipinakita sa akin ang results then it's positive, buntis ang best friend ko at yung Kevin na yun ang ama.Hindi tumitigil si Alyssa sa pag-iyak kaya isang plano ang nabuo sa isipan ko bukas na bukas din kakausapin ko si Kevin. Tumawag ako kanila mama para ipaalam na dito muna ako matutulog sa bahay ng best friend ko dahil wala siyang kasama dahil sa abroad nakatita ang mga magulang nito ng biglang nag-drain ang battery ng cellphone ko naghanap ako ng charger pero wala akong nakita nahihiya naman akong gisingin si buntis kaya ibinalik ko na lang sa bag ang cellphone ko at saka natulog.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon