Hazel POv
Tinawagan ako ni Alyssa dahil sumasakit na ang tiyan niya sakto naman na papunta ako sa bahay niya kasi wala nga siyang kasama at kabuwanan pa niya.Nagtawag na din ako nang taxi sakaling manganganak na siya eh may sasakyan kami.
Ayun nga nasa harap na siya ng pinto at mamimilipit sa sakit ng datnan ko nagpatulong ako sa taxi driver para maalalayan siya.
Ysa relax lang ha saan ba nakalagay gamit ng baby mo kukunin ko muna natataranta kong tanong.
Nandoon lang sa nursery room Zel pakibilis lang kasi hindi ko na talaga kaya sabi nito.
Oo promise bibilisan ko lang talaga relax lang kasi pati sa manong driver natataranta na sayo basta hinga ng malalim.Baby wait lang kukunin lang ni ninang gamit mo pakiusap ko dito na parang nakaintindi naman.
Manong tara na po aya ko sa driver na may butil-butil pang pawis.Pilit ko naman pinapakalma si Alyssa hanggang sa nakaabot na kami ng hospital.
Nasa labas ako ng delivery room ng makatanggap ako ng tawag mula sa mama ni Alyssa.
Iha kamusta na ang anak at apo ko,na trapik kasi ako dito sa biyahe tanong nito na halata ang pag-aalala sa anak at apo.
Hindi ko pa po alam tita kasi nasa delivery room sila bawal po kasi ako doon sa loob sabi ng doctor.
Oh sige hintayin mo na lang ako diyan sa hospital na pinagdalhan mo sa kanila huwag mo muna siyang iiwan kung maaari lang bilin nito.
Opo tita sige po sagot ko.Ok sige bibilihan ko na lang kayo ng makakain ninyo,salamat talaga iha sabi nito sa kabilang linya pagkatapos namin magpaalam sa isa't-isa tinapos na ng isa ang tawag.
Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng delivery room. Don kamusta po ang kaibigan ko tanong ko dito.
Ok sila iha,ligtas silang pareho mamaya lang dadalhin na namin sila sa ward hintayin mo na lang at nagpaalam na siya pagkatapos sabihin iyon.
Binalita ko kanila mama at papa ang nangyari,tatawagan ko sana si Eiden ng makita ko ang mama ni Alyssa dinaluhan ko naman ito kaagad at tinulungan sa mga dala niya.
Tahimik lang siyang nakamasid sa apo niya ng magising si Alyssa. Maiyak-iyak ito ng yakapin siya ng mama niya.Anak pasensiya ka na kung wala ang mama nung nangangailangan ka,paghingi nito ng tawad sa anak na naiiyak din.
Ayus lang yun mama ang importante nandito kana sabi nito sa ina.
Ang ganda ng apo ko ano bang ipapangalan mo sa kanya Amara po mama sabi nito habang nakatingin sa anak.
Amara...Amara Sanchez magandang pangalan sabi ng ina.
Napalingon kami ng may kumatok at iniluwa noon si mama at Eiden, napakagwapo niya talaga titignan ma titignan ako dito habang nakangiti.
Tuwang-tuwa si mama kay Amara. Napakagandang bata naman niri sabi nito na hindi mawala ang ngiti.
Yaan niyo mo mama magkakaroon ka din ng apo kapag makasalo na kami ni Hazel sabi ni Eiden kay mama na kinatuwa nito lalo.
Ang tagal naman kasi Eiden ilang buwan pa hihintayin ko gusto ko ng may bata sa bahay para mawala ang inip ko turan naman nito na nakanguso pa.
Napapailing na lang ako sa dalawa kung mag-usap kasi parang wala ako dito.
Naku mama nung nakita ko kanina si Alyssa sa maiyak-iyak sa sakit nung nagle-leybor siya parang ayaw ko na pong magbuntis biro ko dito.
Aba bakit nung nagleybor ako masakit din naman hindi naman ako natakot magbuntis ulit sa kapatid mo,umayos ka Zel kung ayaw mong kurutin ko yang singit mo sa harap nila banta nito.
Tita huwag niyo pong madaliin si Zel nandito naman po si Amara o pwede niyo din po siyang alagaan kung gusto niyo para naman hindi na ako kukuha ng katulong para makatipid wika nito.
Nangislap ang mata nito sa tuwa.Talaga ba iha o sige sabi mo yan ha wala ng bawian.
Eiden POv
Kung hindi pa ako tinawagan ni mama hindi ko din malalaman na nanganak ka na pala sabi ko dito.Pagpasensiyahan mo na si Zel naku kung nakita mi lang kung ano itsura niya kanina matatawa ka dinaig pa si superman na kaya nga niya akong alalayan kanina palabas ng bahay natatawang kwento naman sa akin ni Alyssa.
Swerte mo talaga dahil kung hindi pumunta ang baby ko sa inyo baka nanganak ka na sa bahay niyo ng wala sa oras.
Oo nga eh kaya nga laki pasalamat ko diyan eh,basta pagnagka-baby kayo ninang din ako Zel ha.
Oo ba,basta ba turuan mo din ako mag-alaga ng baby sabi nito sa kaibigan niya.
Nakakatuwa silang tignan para na silang magkapatid kung titignan.
Kinabukasan sinundo ko sila sa hospital kasi idi-discharge na ito karga-karga ni Zel ang baby ako naman bitbit ang gamit ng baby habang si Alyssa inaalalayan naman ng mama niya.
Alam mo Zel bagay sa iyo ang may kargang bata kung hindi ko nga lang alam na anak yan ng anak mapagkakamalan ko yang anak mo eh biro nito kay Zel.Napapangiti na lang ito sa tinuran ng isa.
Oo nga baby bagay sayo maging mommy sana magka-baby na tayo bago ang kasal.
Huwag ka ng ang magmadali dadating tayo diyan baby anong malay natin sabi nito sa akin ng nakatingin pa rin sa sanggol na dala niya.
Pagkahatid nagpaalam na kami kay Alyssa.Pumunta kami sa kanila para maghapunan dahil nagluto si mama ng menudo.
Mama naman ini-spoiled mo naman tong fiancee ko baka tumaba naman yan bago ang kasal ang sagwa sabi nito.
Aba kahit naman tumaba ako, ako pa rin ang pakakasalan mo sa araw na yun pagmamalaki ko.Yabang sabi naman nito saka umirap.
Si ate at kuya parang mag-asawa na oh!, tignan mo ma sabi ni Rex.
Tuloy lang sila sa pang-aasar hanggang matapos ang hapunan.Maya-maya pa nagpaalam na ako para umuwi dahil may mga tatapusin pa akong trabaho sa opisina pinayagan naman niya ako.
Bukas hindi ako makakapunta sa opisina mo kasi dadalawin ko ang inaanak ko bukas paalam naman nito sa akin.
Ok sige maganda yan para kapag nagka-baby na tayo marunong ka ng magkarga at mag-alala sabi ko dito.
Sige na uwi na ako ha tawagan mo na lang ako bukas kwentuhan mo ko ha sabi ko dito saka umalis.

BINABASA MO ANG
Secret Love
RomansaAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...