Eiden POv
Narinig ko ang na nagkakagulo sila sa sala agad naman akong dumalo para malaman ang dahilan.Nakita ko si papa na binuhubutan si Zel papunta sa pinakamalapit na sofa si mama naman dali-daling kumuha ng pamaypay at maiinom na tubig.
Nay ano pong nangyari tanong ko dito na ang pansin ay nasa anak na walang malay.
Hindi ko nga din alam anak pinagsasabihan ko lang tapos nung naglalakad na siya papasok eh bigla na lang nawalan ng malay ang batang ito,samantalang ayos lang naman siya kanina tapos ganito sagot naman nito sa tanong ko.
Biglang bumukas ang pinto tarantang-taranta si Alyssa na dinaluhan ang kaibigan. Bess,bess tawag nito sa kaibigan.
Ano bang nangyari sa inyo at mukhang pagod ang anak ko ng umuwi tanong nito sa bagong dating.
Kimi itong tumingin kay mama nakakapagtaka naman ang relasyon sabay sabi nang. Pwede po bang hintayin na lang natin siyang magkamalay tita sagot nito.Eiden pwede bang pakidala mo naman siya sa kwarto niya pakiusap nito sa akin at sinunod ko naman.
Bago pa man ako makapanhik sa hagdan tinanong uli siya ni mama at ganun pa din ang sagot nito habang nakasunod sa amin sa pag-akyat.
Pagkalapag ko dito kumuha ito ng basang bimpo saka idinampi sa mukha ng kaibigan na walang malay. Tinignan ko ito ng seryoso at nagtanong din ng katulad ni mama.
Pwede bang ikwento mo ang nangyari sa akin pagsusumamo ko dito.Please Eiden not now hintayin natin siyang magising muna please pakiusap nito sa akin tumango na lang ako bilang sagot.
Mga isang oras din kami naghintay dahil hindi ako mapakali at gusto ko talaga malaman ang dahilan hindi ako naniniwala na napagod ito sa pag-aalala ng inaanak niya.Sinabi lang siguro sa akin yun ni Alyssa para matigil na ako kakatanong.
Nagkamalay na ito tumango naman si Alyssa saka lumabas ng kwarto naiwan kami nila mama at papa sa loob naghihintay ng paliwanag niya.
Pinalabas niya muna ako ipinagtaka ko naman ang mga pangyayari imbis na umangal sinunod ko na lang ito,naghintay pa ako ng ilang minuto lumabas si mama at papa.Si mama umiiyak na nagdireretso sa kusina para kumuha ng tubig samantalang ang huli tinapik-tapik ako sa balikat at pinapasok sa loob.
Nadatnan ko si Zel na nakaupo sa kama pinapahid pa din niya ang luha na lumalandas sa maganda niyang mukha pero nakangiti ito ng makita ako.Pinaupo niya ako sa tabi niya saka ako niyakap ng mahigpit.
Namiss kita bungad nito sa akin,sorry pala sa inasal ko kagabi ha,sorry ulit niya.Ayos lang yun ang importante hindi ka na galit di ba tanong ko dito,umiling naman ito.
So pwedeng malaman ang dahilan kung bakit ka nagalit tanong ko dito.Hindi ko nga din alam basta bigla na lang akong nainis at nayabangan sayo sagot nito na para bang iniisip kung tama ang sagot niya.Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay may kinuha sa bag niya nang makuha na niya iyon iniabot niya iyon sa akin.
Napangiti ako sa kanya di ko maintindihan pero naiyak ako ng malaman ko na magkaka-anak na kami.Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.
Wait I can't breath!, angal nito.Kumalas ako saka humingi ng tawad.Pasensiya na baby excited lang ako sabi ko,panigurado matutuwa si nanay kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Bukas sasamahan kita sa monthly check-up mo ha suwestiyon ko.Sure ka ba diyan tanong niyang naniningkit pa.Yes naman baby kasi yung pinsan ko muna mamamahala sa company kaya marami akong free time para sa inyo paninigurado ko dito.
Wow naman sige gusto ko yan pagkatapos natin pumunta sa OB-gyne dun naman tayo kay Marga malapit-lapit na din baby sabi nito.
Sige ba sabi mo eh!,basta para sa iyo baby sabi ko dito saka siya kinintilan ng halik sa noo.
Baka may ipapabili ka bukas sabihin mo para mabili ko pagbalik ko dito bukas ng umaga sabi ko dito bago ako umalis.
Basta bilhan mo lang ako ng prutas bukas ok na yun sabi nito sa akin.
Ok sige mauuna na ako pahinga na kayo ng baby natin huwag ka na din pumasok office maiistress ka lang sa trabaho mo bawal sayo yun.
Sumimangot ito sa akin ibig sabihin hindi niya nagustuhan ang ibig kong nangyari.Pinilit ko siya dahil ayokong mapagod siya.
Please baby I don't wanna make argue with you by this all I want is your safety and for our baby too paglalambing ko dito.Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong hininga bago tumango sa akin.
Sige magpapasa lang ako ng resignation letter bukas maiintindihan naman ako ni ma'am sa reason ko eh,pero di ba ko sila invite sa wedding natin tanong nito sa akin.
Oo naman baby,sige na uuwi na ako para maaga din ako makabalik dito bukas.
Ok sige I love you baby take care,sabi nito sa akin I love you too matutulog kana ha!,sabi ko dito bago isara ang pinto.Opo boss sabi nito na ikinatawa ko na lang.
Bago ako umalis inihatid ako ni mama at papa sa labas.So iho ikaw na ang bahala sa anak namin alagaan mo siya ng mabuti kapag nakasal.at bumukod na kayo sabi ni papa sa akin tumango naman ako, pagkatapos noon ay nagpaalam na ako at nagsabing babalik bukas ng maaga.
.............................................................
Inumaga ka na anak bungad sa akin ni tatay.Oo nga po eh pero may maganda po akong balita kay nanay lika tay pasok tayo sa sala at kakausapin ko kayo.
Tinawag ni tatay si nanay at iginiya sa sala Sandaling katahimikan ang namutawi sa sala mayamaya nagsimula na ako.
Nay ilang beses ka ba nagdasal na mabuntis si Hazel bago ang kasal tanong ko dito na pinagmukha ko pang problemado ang mukah ko pero deep inside gusto ko ng tumawa.
Bakit anak may problema ba tanong nito.Wala po,epektib po kasi sa sinabi kong iyon panganga siya at napahawak pa sa bibig niya.Talaga ba anak magkaka-apo na ako tanong nito na maiiyak na.Opo nay sagot ko dito.
Pagkatapos po ng kasal bubukod na po kami nay pwede naman po kayong sumama sa amin pumayag naman po si Hazel napag-usapan na din namin ang gusto tungkol dito.
Hindi na anak dadalaw na lang kami doon ng tatay mo araw-araw pa sabi nito na nag-iimagine pa kita ang kislap sa mga mata nito.
Matutulog na po ako maaga ako babalik doon dahil sasamahan ko po siyang magpacheck-up paalam ko dito pumayag naman na sila nagpaiwan sa sala at nag-uusap sila ni tatay napa-iling na lang ako ng makita ko na panay ang kamot ni tatay sa batok niya habang patango-tango sa mga sinasabi ni nanay sa kanya.

BINABASA MO ANG
Secret Love
RomanceAnong gagawin mo?,kapag nalaman mo na ang secret childhood crush mo ay secret childhood crush ka din? Eiden De Guzman campus crush. Simple lang ang pamumuhay pero masasabing gwapo siya na may puso naman. Hazel Anne Rivera isang babeng may lihim...