CHAPTER 4

10 3 0
                                    


(the graduation day)

Eiden POv

        This is it ang pinakahihintay ng aking mga magulang ang makatapos ako sa kolehiyo at masasabi kong proud ako sa kanila sa tiyaga at pang-unawa syempre pati na din sa sarili ko.

       Paakyat na ako sa stage para tanggapin ang diploma ko at kitang-kita ko na maluha-luha ang mga magulang ko sa tuwa kaya pati ako nahawa na din..

       Pagkatapos nang graduation napagpasyahan namin na kumain sa labas.Pagpasok namin nakita ko si Hazel na nanduon din nagse-celebrate sa Resto kasama ang mga magulang niya pati na din ang kapatid niyang si Rex at ang best friend niyang si Alyssa.

       Tinawag kami ni Alyssa para makisalo na din sa kanila kasi daw mas marami mas masaya at kinulit na din ako ng mama ni Hazel tutal naman daw seatmate kami ng anak niya kaya kahit medyo nahihiya pa sila nanay at tatay ay napapayag na din ng papa ni Hazel.

       Masaya naman ang naging celebration namin syempre mas masaya ko ng malaman kong wala pa pala nagiging boyfriend si Hazel ko at kasundo ko pa ang kapatid niyang si Rex.Nakisali na din sila Lance at Dexter dahil wala daw mga parents nila out of town daw kaya mas naging masaya ang celebration.Kasi huli namin tong pagkikita dahil magiging busy na ako sa paghahanap ng trabaho.

Hazel POv

       Ang saya ng naging celebration namin sa Resto at dahil duon nakilala ko ang mga magulang ni Eiden mababait sila kaya walang duda na mabait din ang anak nila.Pero medyo nalungkot din ako kasi alam kong ito na ang huli naming pagkikita dahil magkakanya-kanya na kami ng hanap ng sarili naming mga trabaho...

        Napansin ni Rex ang pagiging malungkot ko kaya naman tinawag niya ang pansin ko.Ate bakit ka malungkot tanong sa akin ng kapatid ko..."Eh kasi makakasama na kita araw-araw eh kaya ganun" biro ko dito ,natawa na lang ako ng napasimagot siya sabay sabing "ate naman eh" ..Nagtawanan ang lahat.

       Napansin ko na panay ang tingin ni Eiden sa pwesto ko na ipinagtaka ko naman kasi nakangiti lang siya sa akin habang inaasar ko naman ang kapatid ko.

        Kaya nang matapos na kami ay napagdesisyunan namin na magsi-uwi na.Pagdating namin sa bahay inabutan ako ng mga magulang ko ng regalo pag bukas ko natuwa ako kasi cellphone kasi yung huli kong phone na-misplace ko o nahulog sa kung saan kaya naman niyakap ko mga magulang ko at nag-request agad ng selfie ang makulit kong kapatid kaya ayun nagselfie kami at inapload niya agad sa Instagram na may hash tag na #newphone # selfie...

       Pagkapasok ko sa kwarto tinext ko agad si Alyssa na tulungan ako gumawa ng resume para sa magiging job hunting namin para bukas dahil ayoko na nagsasayang na panahon lalo na at gusto ko agad makatulong kanila mama at papa.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon