PrologueNAGPAKAWALA NG mahabang buntong hininga si Nathalie habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana at pinapaypayan ang sarili.
Bakit ba ang init sa pilipinas!. Ang dami na ngang puno sa paligid niya pero ang init parin!. Nasa probinsya pa siya kung saan walang malalaking gusali at polusyon, pero sobrang init parin.
"Damn it!." Naiinis niyang sambit saka hinubad ang suot na damit na nabasa na ng kanyang pawis. Tanging bra at panty nalang ang saplot na natitira sa kanya at imbes na sa kama nahiga ay sa sahig siya dumeretso. "Mmm. That's better." She hummed as she felt the coldness of the floor on her skin.
Nakapikit siya habang ninanamnam ang napakalamig na sahig, ngunit agad din namang nawala kaya naman naiinis siyang bumangon.
She wants to take a bath, pero dalawang beses na siyang naligo. She wants to turn on the aircon, pero aksaya naman sa kuryente.
"Argh!." Sigaw niya saka nagdadabog na tinungo ang kanyang walk in closet at kumuha ng maiksing short at manipis na damit.
Kung maaari ay ayaw niyang magsuot ng ganoon lalo na sa probinsya. Iba kasi mag-isip ang mga probinsyano, lalo na kapag matatanda. Baka isipin ng mga ito na malandi siya o kaya naman ay hinahayaan lang niya ang sarili na bastusin ng iba kaya ganoon ang suot niya.
Pero wala siyang pagpipilian dahil init na init na siya. Kung pwede lang lumabas ng naka bra at panty ay gagawin talaga niya. But she is living in the province where all the people are living and thinking old fashion way.
But nevertheless, she likes to live in countryside rather than the city. Sa probinsya, walang kidnapang nagaganap, walang sunog, walang mga sasakyang maingay, walang malalaking gusali at higit, walang mga preskong tao.
Sa madaling salita, mas maganda manirahan sa probinsya. Wala siyang iniisip na kahit na ano maliban sa paliguan ang kanyang alagang kabayo at pakaininn ang mga alaga nilang hayop araw araw. That's her job everyday para makatulong narin sa mga trabahador niya sa rancho.
Muli ay sa bintana siya tumambay para kahit na kaunting hangin ay makasagap siya.
"Nathalie, hija?." Tawag sa kanya ni nay Berta, na siyang pinakamataas na kasambahay sa mansyon niya. Nasa labas ito ng pinto ng kanyang kwarto. "Ikaw ba ang magpapaligo kay Lightning?." Tanong nito sa kanya.
"Oho, bakit ho?." Tanong niya habang pinupusod ang kanyang mahaba at kulay buhok.
"Kasi dumating na ang mga bagong trabahador mo at sa stable sila dinala ni Tonyo." Sagot nito. "At hinihintay pa ang signal mo para raw may matrabaho na sila. Baka daw gusto mong ipalinis ang stable mo at pati narin ang mga kabayo?."
She sighed. "Ako na ho ang pupunta sa stable." Aniya saka bago buksan ang pinto ng kanyang kwarto.
Hindi na siya nagtaka nang makita ang pamimilog ng mga mata ni nay Berta habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuhan niya. "Ay bakit ganyan ang suot mo?."
Ngiting aso lang ang tinugon niya rito saka itk nilampasan at mabilis na naglakad pababa. Dinig niya ang pagtawag nito sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Alam kasi niyang papabalikin siya nito at pagbibihisin ng ibang damit.
Mabilis siyang sumakay sa kanyang kabayo at pinatakbo patungo sa rancho. At habang nasa daan at sakay ng kanyang kabayo ay malaya niyang nagagala ang kabuuhan ng libo-libong hektarya ng lupain niya na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo. Sa kaliwang parte ng daan naroon ang mga pananim nilang palay, mais, tubo at mga puno naman ng mga mangga, niyog, saging at kung anu-ano pa.
In the right side of the road is empty but there's fences. Inside the fences are all of their animals such as cows, carabaos, goat and their horses. Napakalawak no'n kaya minsan ay kinakailangan pa niyang magdala ng teleskopo para lang makita ang pinakamalayong parte ng lupain nila.

BINABASA MO ANG
Herrera Series 6: Falling for Ms. Dangerous
Fiksi UmumNathalie Herrera grew up in a country side for as long as she can remember. Kaya naman mas pinili niyang manirahan sa probinsya at pamahalaan ang rancho na pinamana sa kanya ng kanyang lolo kaysa ang manirahan sa lungsod at makipag-sosyalan. She li...