Chapter 3

193 2 0
                                        


(Raffie's POV)

Aww..haishh!! Hayyyy... sobrang sakit ng  katawan nasan ba ako?? Ano nga palang nangyari? I just woke up in an unfamiliar place, sobrang liwanag. 

"Miss? Are you okay? May nararamdaman ka pa bang sakit?" tanong ng isang babaeng nakaputi kaya sinubukan kong bumangot pero nakaramdam lang ako ng sakit sa right leg ko. 

"Miss nasaan ako?" tanong ko sakanya.

"Dinala ka ng boyfriend mo dito sa ospital, nasa cashier pa sya to settle your bills." sabi nya pero parang may unfamiliar word akong narinig sakanya, ano raw? boyfriend?

"Boyfriend???" paguulit ko sa sinabi nya tapos tumango lang sya. 

"Miss, wala naman akong boyfriend ah" Sagot ko. 

"Ahh ganun ba? Idodouble check ko lang miss huh" sabi nya at agad umalis. Inisip ko muna kung bakit ako dinala dito, tama malapit na akong mabundol, ay mali! nabundol nya nga pala ako kaya ako nandito.  haishh... anong sasabihin ko nyan kay Mama? ano ba naman yan. tsk!pano ko na to ipapaliwanag kay Mama? I'm sure mag-aalala yun. Ilang sandali dumating na yung lalaking nakabundol sakin. 

"Okay ka na ba? Pwede ka na bang i discharge?" tanong nya sakin. 

"Why are you asking me? Ako ba yung doktor?" sagot ko naman sarcastically.

"Yan din naman ang itatanong sayo ng mga doktor eh" sagot nya sakin. 

"Eh di cge! ikaw na matalino" sagot ko naman.

"Hwag mo nga ako susungitan, pasalamat ka minor injury lang natamo mo" - sabi nya sakin.

"Woah. thank you huh. minor injury lang binigay mo sakin, don't worry kapag ako nagkaron ng chance na sasagasaan ka  I will wholeheartedly give you a major injury!!" inis na inis kong sagot sakanya. 

"Excuse me, pwede katahimikan naman dyan? nang-gagambala kayo ng ibang pasyente eh." sita samin ng isang nurse. Pinilit kong tumayo sa hinihigaan ko tapos inabot ang saklay malapit sakin, unang beses ko tong  mapilay kaya Hindi ako sanay.

"Teka san ka pupunta?" tanong nya sakin.

"Syempre uuwi na" sagot ko naman sakanya. 

Lumabas na ako sa  hospital, buti nalang may dala akong pera tapos paglabas ko ng emergency room meron na namang sasakyan ang humarang sakin, may balak pa ata akong sagasaan ulit.

" Ihahatid na kita" sabi nya, sya na naman. I just glared at him sa sobrang inis ko. 

"O??bat ganyan ka makatitig??sakay na!" he insisted pero hindi ko sya pinansin, dire-diretso lang ako sa paglalakad para makalayo sakanya but this time  bumaba na sya sa sasakyan nya at  sinusundan  ako. Ilang sandali he suddenly held my arms to stop me. 

"Anu ba!!sumakay ka na nga!" He insisted again. 

"Hindi ka ba makuha sa tingin??. A-YO-KO! AYOKO! tsaka Hindi namn kita kilala at bakit ako sasama sayo?? aber!" pasigaw ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad

"Ikaw na nga ang tinutulungan... ikaw pa ang ayaw!" pasigaw nya din sakin, cge magsisigawan kami ngayon! de bale na!

"Bakit? Lahat pa ng tulong required na tatanggapin? di pwedeng mag refuse? ha?" sarcastic kong sagot. 

"fine...then I have no choice ... " sabi nya at bigla nya nalang inagaw sakin ang mga saklay ko at pinasok sa backseat ng sasakyan nya.

"Baliw ka ba! what are you doing!" inis na inis kong sabi pero hindi sya sumagot instead bigla nya nalang akong binuhat.

" Ibaba mo ko..!!" sabi ko habang nanlalaban sakanya. "Tulong!!kinikidnap ako!!"- sigaw ko ulit habang hinahampas sya. arrghhhh. walang nakikinig sakin.. hanggang nakasakay na ako sa  passenger seat nya. Sigaw parin ako ng sigaw pero ilang sandali sya na naman ang sumigaw.

" WILL YOU SHUT UP!!NAKAKA-ASAR KA NA!!!" sabi nya kaya napatakip ako ng bibig ko. biglang nanindig ang balahibo ko dun ah. Hindi na ako nagsalita sa takot. Habang tahimik na nakasakay sa sasakyan nya napansin ko lang na paikot-ikot lang kami sa dinadaanan namin. San na to papunta???

"Anu ba sa tingin mo ang ginagawa mo??"

"I think. its hospitality.." sagot nya.

Anu  daw?? ang labo naman ng mokong nato. tinitigan nya ako at ginantihan ko sya ng niloloko- mo- ba- ako- look??

"What??!!" He coldly asked me. 

"San mo ko dadalhin??"

" Iuuwi sa inyo syempre!!tingin mo sakin kidnapper??duhh!!mayaman na ako Hindi ko na kailangang gumawa ng crimes." paliwanag nya. 

Ang yabang talaga!!!!!... uuurrrgggghhhh!!!!.Hindi nko magsasalita! hindi sya matinong kausap!

"Tatahimik ka parin ba dyan? kanina ko pa hinihintay na sabihin mo ang address mo.." sabi nya.

"kanina lang gusto mo kong tumahimik tapos ngayon tatanong tanongin mo ko?" sagot ko naman. 

"Ayaw mo sabihin? fine! may malaki kaming warehouse, dalhin kaya kita doon noh? tamang tama yun sayo, walang makakarinig kahit magdamag kapa-magsisisigaw." sabi nya.

Urrghh!! he's annoying! kinuha ko nalang yung ballpen at papel sa harapan ko..tsaka sinulat ang address.Hindi nagtagal nakarating nako sa bahay, medyo madilim na nga eh.

"Salamat." tanging sinabi ko tapos agad nyang pinatakbo ang sasakyan nya.

Haish!! that punk is really annoying. Hindi pa ako nakakapasok ng gate bumalik na naman sya ulit at bumaba sa sasakyan nya.

"Anu na naman yun?" tanong ko at may kinuha sya sa likod ng sasakyan nya at may narinig akong asong tumatahol, bigla kong naalala si Wacky yung  aso ko.  Agad ko niyakap c wacky ng makita sya

"Teka!!bat Dyan mo nilagay c wacky?? eh kung mamatay toh??" inis na inis kong tanong sakanya. 

"Pasalamat ka  nalang at pinagtyagaan ko yang kakambal mong aso.." sabi nya at sumakay na sa sasakyan nya ulit. 

"Haish!! bwisit ka talaga!"

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon