Chapter 20

119 4 0
                                    

(Raffie's POV)

Ano ba kasing naisip ni Lance at bakit pa nya ako dinala dito? Maliban sakanya at kay Vince wala akong kilala dito. Dinala ako ni Lance this time sa isang Disco bar

"Ano naman ang gagawin natin dito??" tanong ko naman.

"Mag-eenjoy syempre!" sabi nya malapit sa tenga ko kasi sa sobrang ingay ng bar.

Pinaupo nya ako sa isang bakanteng table. At umorder ng drinks. Maraming tao at mukhang mayayaman pa, mukhang hindi basta-basta ang mga tao dito ah. Ilang sandali dumating na yung order nyang Rhum. Uminom naman ako ng tahimik lang.

"Are you going to shut your mouth this whole night?" tanong nya sakin, wala naman akong maisagot. Di nagtagal hinila nya ako sa Dance floor.

"Lance. Hindi ako marunong sumayaw! " sigaw ko sakanya.

"Sabayan mo lang ang beat ng music" bulong nya ulit sa tenga ko. Hindi ko naman alam kung anong sinasabi nya, pinagmamasdan ko lang kung pano sumayaw yung iba hanggang sa ginaya ko narin. Natatawa tuloy ako sa ginagawa ko. Unang beses ko tong gagawin sa buong buhay ko. Ngayon ko lang din nakita yung ganitong side ni Lance.

"Buti nmn ngumiti ka na.. hirap mong pangitiin." bulong nya ult.

"Ngumiti ka lng.. yan yung bagay sayo" dagdag nya.

"Bolero..!" sabi ko at hinampas sya

Bumalik na kami sa table namin at tinaoos yung iniinom namin kanina.

"Pupunta lang ako sa wash room" paalam ni Lancr sakin kaya hinintay ko lang sya. Naalala ko din na hindi pala ako nakapagpaalam kay kuya kaya tinext ko muna sya. Matapos kong makapagsend ng message may tatlong lalaki ang umupo sa table namin at inakbayan pa talaga ako ng isa, agad ko naman to tinanggal.

"Hi miss" sabi nung lalaki na umakbay sakin.

"Ngayon lng kita nakita dito ah" sabi nung lalaki sa harap ko . Malalaki pa naman yung katawan nila, pang model material kaso bastos lang.

Bigla akong tumayo para lumayo na sana kaso bigla nya akong hinala kaya napaupo ulit ako.

" Ano bang kailangan nyo! Lumayo nga kayo!" asar na asar kong sabi.

" Anong relasyon mo kay Lance?" tanong nung humila sakin.

"Ano namang pake alam nyo!" sagot ko habang nanlalaban na bitawan ako.

" I am always curious kung anong klaseng babae ang dinadala ni Lance. I finally got a chance" sabi nya naman.

"Magaling naman kami kaysa Lance ah, bat hindi mo subukan" sabi nya at nagsitawanan silang tatlo. Ilang sandali dumating narin finally si Lance. Agad akong lumapit sakanya at binitawan naman nila ako.

"What do you think you're doing?" tanong nya sa tatlong lalaki.

"We're just curious." sagot naman nila.

"Curious pala ha" sabi ni Lance at bigla sinuntok yung isa. Gaganti pa sana kaso pinigilan ng dalawa nyang kasama. Di nagtagal lumapit yung manager ng bar.

"Sir may problema po ba?" tanong nya kay Lance.

" i-ban mo yang tatlong yan dito sa bar, este sa hotel pala, ayokong makita ang tatlong yan dito" sabi naman ni Lance.

"Eh sir regular customer natin sila. " tanggi naman ng manager.

"Do it or else youre fired!!" sagot ni Lance at agad na kaming umalis sa Bar.

This time dinala nya ako sa poolside at doon kami nagpalamig, umorder ulit sya ng isang bottle ng rhum sa poolbar at ininom namin to sa poolside habang binababad ko ang paa ko sa pool at ganun din sya.

"Sorry, dapat hindi na kita iniwan kanina" sabi nya.

"Hwag mo na isipin yun." sagot ko naman at pinaglalaruan lang yung tubig. "salamat din" dagdag ko naman

Ilang sandali hinubad nya yung coat nya at inayos sa balikat ko. Can I ask whats up with this guy? He's complicated. Minsan parang kilala mo sya tapos minsan parang hindi.

"ahhmm. pwede magtanong?" tanong ko sakanya habang umiinom ng rhum.

"Nagtatanong ka na" sagot nya.

"Nasaan ang parents mo? Anong ginagawa nila?" tanong ko, huminga Muna sya ng malalim bago nagsalita.

"My mom is working so hard for the company..si dad nasa taas na" tipid nyang sagot.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"My Dad died 10 years ago.. because he commit suicide" paliwanag nya.

Natameme ako sa salitang 'he commit suicide.'. for what reason?? napatingin sya sakin

"Until now Hindi ko Alam ang nangyari bastat Alam ko na may Alam ang mom ko. that's why I keep hating her." sabi nya naman.

"Kumusta ka na?" tanong nya bigla sakin.

"huh?" pagtataka kong tanong, nasa harap nya lang naman ako.

"Kumusta ka na simula nung nawala si Adrian"

"Frustrated, naiinis, hindi nya naman kasi kailangan ilihim na aalis sya. Naiinis ako kasi nilihim nya, eh ano naman ngayon kung may mahalaga syang gagawin sa America, sana nga lang ay nagpaalam sya" sagot ko naman.

"laro tayo truth or dare" sabi ko para maiba na yung topic.

"game!" pag aagree nya kaagad.

Inikot nya yung isang empty bottle ng rhum tsaka nagdagdag din sya ng isang bottle ng vodka. Una sakin nakatutok, pinili kong magdare kaya I have to drink 3 shots of vodka. 2nd time around saakin parin. Ilang sandali sakanya na nakatutok yung bottle tsaka nag dare din sya.

"Wala bang magtutruth?! " inis na inis kong tanong.

Next spin nag truth na ako tapos nagisip pa sya ng itatanong sakin.

"Do you find me attractive?"Lance sabay ngiti ng nakakaloko.

"Haishh. Tinatanong pa ba yan. Syempre Oo" sagot ko naman at tawa ng tawa.

Ako naman ang nagspin ng bottle at sakanya nakatutok ,so ako na magtatanong.

"truth or dare?" tanong ko.

"truth..." sagot nya. very good answer.

"Ilang Babae na ang nakama mo?" tanong ko naman ay ngumiti sya ng nakakaloko. Napataas naman sya ng kilay dahil hindi nya inaasahan yun.

"Thanks for that wonderful question" sagot nya.

"Wonderful??....niloloko mo ba ako?" asar na asar ko namang sagot.

" Sa totoo lng .. marami nga akong naka blind date.. but I never kiss nor sleep with them ." paliwanag nya.

"Wala ni isa??" tanong ko ulit.

"Ganyan ba talaga tingin mo sakin??" asar na asar nyang tanong sakin.

"Hwag mo naman seryosohin pinagtitripan lang kita" sabi nya sakin at tumawa lang ako ng tumawa. Ilang sandali natahimik din ako bigla kasi tumahimik rin sya at nakatitig lang sakin. Tinitigan ko rin sya then he suddenly kissed me i tried to managed my thoughts dahil sa bilis ng pangyayari, para na akong sasabog. Bigla ko syang natulak palayo.

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon