Chapter 15

135 4 0
                                        


(Raffie's POV)

"Ano naman ang makukuha ng mananalo sa game nato?" tanong ni Lance. 

"1 wish, kahit anong wish" sagot ko at bigla nalang syang napapayag maglaro.

Nang matapos ang laro nagsisisi talaga ako, Mali ako ng judgement, akala ko hindi sya marunong maglaro kaya tumangi syang sumali magvolleyball. Naprovoke ko ata ng sobra.

"Pano ba yan? natalo tayo?" sabi ni Adrian na pinupunasan ang pawis nya at ako naman frustrated sa sarili. Ano naman kaya ang wish na hihingin ni Jessie at Lance?

"Raffie, okay lang yan! hindi naman kita pahihirapan sa wish ko eh." sabi naman ni Jessie na tuwang-tuwa sa pagkapanalo nya, hindi na ako nagsalita. 

"Magdinner na tayo, para maabutan natin yung live band mamaya" sabi naman ni Vince kaya pumunta na kami sa restaurant. Katabi ko ngayon si Jessie at Adrian, kaharap ko nmn si Lance at Vince. Naiinis talaga ako ng hindi ko alam. 

"Ipapaserve ko lang yung inorder natin, maghintay kayo dito." sabi naman ni Vince.

"Teka sama ako!" sabi Jessie na agad naman sumunod sakanya. 

"May tatawagan muna ako" paalam naman ni Adrian kaya kaming dalawa na naman ni Lance ang natira. Tahimik lang akong naghintay sakanila ng biglang nagsalita si Lance

"Ang sama na naman ng titig mo sakin, baka mapatay mo ko nyan" sabin nya.

hndi ko  naman namalayang ganun na pala ako makatitig saknya "Wala lang." tipid kong sagot sakanya. 

"Laro lang yun, walang personalan" sabi ni  Lance.

"Sorry" sagot ko ng dahil dun. 

Kinabukasan maaga pa kaming nagising dahil ita-try daw namin yung mga water sports na kinukwento ni Vince. Sinubukan namin ang flyfish, parasailing, jet skiing at banana boat. Matapos ang buong araw na adventure nayun, nagpahinga na kami para sa susunod na namang activity na hinanda ni Vince.  Habang inaayos yung mga gamit ko biglang kumatok si Adrian at pumasok. 

"Oh? may kailangan ka?" tanong ko sakanya at tumango lang sya. 

"Ano yun?" tanong ko sakanya.

"I'm going back" sabi nya tapos biglang nanikip ang dibdib ko.

"Saan? sa America? kelan balik mo?" tanong ko sakanya habang umiiwas ng tingin.

"Baka hindi na ako makakabalik" simple nyang sagot, hindi na ako lumingon o humarap sakanya kasi pakiramdam ko anytime soon babagsak na yung luha ko. 

"Hindi ko pa kayang sabihin ang dahilan kung bakit kailangan kong bumalik doon, sinasabi ko na to sayo ngayon sayo para malaman mo" sabi nya. 

"Kung ano man yan, I'm sure mahalaga yan" tipid kong sagot. "Ahmm.. will you please excuse me? magbibihis kasi ako" dagdag ko at agad naman syang lumabas. At ako naman di na napigilang hwag umiyak.

(Adrian's POV)

Kapag ipipilit ko ang sarili ko sakanya mas masasaktan lang sya ng paulit-ulit kaya I decided to go back because i can't manage to draw the line between us kaya ako na ang lalayo. Paglabas ko ng kwarto ni Raffie agad ko naman nakasalubong si Lance at si Jessie. Mukhang may idea na sila sa nangyari.

"Nasabi mo na??" tanong nya kaya tumango lang ako.

"Magiging okay kaya sya?" tanong ko naman. 

"Hwag ka mag-alala, kilala ko si Raffie, kakayanin nya yun." sagot naman ni Jessie

"Yung tungkol kay Carla? alam nya narin ba?" tanong ulit ni Lance. 

"Hindi ko pa nasasabi" tipid kong sagot.


(Raffie's POV)

Para mapakalma ko ang sarili ko, nagbabad muna ako sa bath tub at nagrelax, hindi ko nga rin namalayan na nakatulog na pala ako. Ng magising ako, Nagshower nalang ako para hanapin na sila. Paglabas ko ng kwarto naka-abang pala sa pinto si Lance. 

"May Kailangan ka?" tanong ko sakanya pero umiling-iling lang sya. 

"Bat namumugto yang mata mo?" tanong nya, tsk! papansinin pa kasi eh!

"Nag shower kasi ako, napasukan lang ng bath soap kaya nagkaganyan" paliwanag ko naman at ngumiti nalang, pero mukhang hindi pa sya kumbinsido sa sagot ko. 

"Stop pretending in front of me like your okay, cause I know you're not. " sabi nya at sinuot nya sakin yung shades nya. 

Obvious ba talaga na hindi ako okay? Hinila nya nalang ako papunta sa poolside kung saan sinimulan na ni Vince ang Barbecue Party. I want to enjoy, but I felt a bit  awkward lalo pa't alam ni Lance na hindi nga ako okay. Inenjoy ko nalang at sinubukang iovercome yung awkwardness na nararamdaman ko.

"Oo nga pala, last night na natin dito, hindi man lang ako nakabili ng souvenirs" sabi ni Jessie. 

"Gusto mo samahan  kita bumili? May night market sa bayan" Sabi naman ni Vince sakanya. 

"Sige ba" agad naman napapayag si Jessie, "Ikaw Raffie? sasama ka?" tanong nya sakin. 

"Kayo nalang" sagot ko naman sakanya at agad naman silang umalis.

"Ikaw Lance? hindi ka rin sasama?" tanong ni Adrian sakanya pero umayaw lang ito. 

"Let's just spend this night just like what we use to do" sabi ni Lance at agad naman nagrequest ng sampung shot glass ni Adrian at umorder ng isang bote ng tequila at beers. 

"Ano namang trip yan? yung unang malasing talo?" tanong ko sakanila.

"Hindi ka pwedeng sumali." sabi naman ni Lance at pinagtawanan lang ako ni Adrian.

"Wala naman akong sinabing sasali ako, magsusuicide ata kayo sa sobrang kalasingan eh" sagot ko sakanya. Ilang sandali nabored na ako sa ginagawa nila umalis muna ako para magpahangin. Pagbalik ko, nagiinuman parin silang dalawa at nagtatalo, minsan naman nagtatawanan, umupo lang ako sa harap nila, ni hindi nga nila ako napansin eh. Ilang sandali tumayo si Adrian at parang sumasayaw na sya sa sobrang lasing.

"Oorder pa ako, hwag ka umalis dito kundi talo ka!" sabi nya kay Lance. 

"You wish!" sagot nya naman na biglang tumayo at bumagsak sa upuan ulit. Pinagtawanan naman siya ni Adrian, sa sobrang tawa nya bumagsak din sya sa sahig. Ang Yayabang kasi eh.

"TAMA NA NGA YAN! IHAGIS KO KAYO SA POOL EH!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Hindi ko naman macontact si Vince. Inalalayan ko nalang si Adrian papunta sa kwarto nila ni Lance. Tinulungan ko syang hubarin yung polo nya dahil sa sobrang init. Ilang sandali binalikan ko si Lance sa poolside. nakayuko lang sa mesa na parang umiiyak. 

"Oy! may problema ba?" tanong ko sakanya at tinap sya sa likod bigla syang tumayo at humalakhak sa  cellphone nya.

"WAHAHAHAHA!! Ang pangit mo dito oh!!HAHAHA WOH!!" sabi nya at tumawa pa ng tumawa. chineck ko kung ano yung nasa cellphone nya, halos sumabog ako sa inis ng makita yung selfie ko kanina na inedit nya at nilayan ng fish eye filter. Sarap nya batukan! 

Sa sobrang tawa nya bigla syang bumagsak at nagpagulong gulong sa sahig sa tawa. Nagsisi ako sa ginawa ko sa cellphone nya kahapon ! KAINIS!! sinampal sampal ko sya para magising sya sa kalasingan niya para narin maghiganti! hindi nya rin naman to maalala sa sobrang kalasingan kaya lulubusin ko na. 

Agad ko naman syang inalalayan papunta sa kwarto nila. nasan na ba kasi si Vince? ang bibigat pa naman nila, samahan pa ng sakit sa katawan dahil sa adventures na ginawa namin kaninang umaga. pagpasok namin sa kwarto nila agad kaming bumagsak sa kama ng sabay para akong nagbuhat ng sampung sako ng bigas sa kanilang dalawa. Babangon na sana ako ng bigla akong tinandayan ni Adrian, at kumapit din sa braso ko si Lance. Haishh!! anu ba naman to! Nangmamanhid na yung katawan ko sa sobrang pagod, kahit daliri ko hindi ko na maigalaw. 

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon