(Raffie's POV)
Halos wala ako sa sarili ko matapos yung ginawa ni Lance. Hindi ko talaga ineexpect yun! Bat ko pa kasi sya tinanong tungkol sa wish nya eh! naiinis tuloy ako sa sarili ko. after 15 minutes pumasok na ako sa loob matapos kong mapakalma yung sarili ko at hinihintay na pala ako ni Mama para matulog.
Dito rin matutulog sina Jessie. Si ate Lucy naman at Tita Jean ay Umuwi nya kasama si Dino, may pupuntahan daw kasi sila bukas ng umaga. Pagpasok ko sa kwarto, tulala lang si Jessie.
"Ang lalim naman ng iniisip mo" sabi ko sakanya.
"Hinihintay lang kita para matulog" sagot nya naman.
Matapos kong maghilamos tumabi na ako agad sakanya para matulog, pinatay ko narin lahat ng ilaw, kaso hindi ako pinapatulog ng inis ko. Napansin kong ganun din si Jessie. '
"May problema ba? hindi karin makatulog?" tanong ko sakanya.
"Ang gulo mo kasi, magpatulog ka nga" sagot nya sakin.
Antok na ang katawan ko pero yung diwa ko ay gising na gising parin. Habang tumatagal naiinis lang ako kapag naalala ko yung nangyari ngayong araw. Idagdag pa yung nangyari sa resort kanina na nakatulog ako sa kwarto kasama si Lance at Adrian. ilang sandali sinilip ko si Jessie, tulog na sya pero ako gising na gising parin. Ano bang nangyayari sakin? haish!!
(Lance POV)
Hindi ako pinatulog ng frustrations ko pati narin yung katangahan na nagawa ko kay Raffie kagabi. Kakalimutan nya kaya yun? Pagsapit ng 6:30 ng umaga, bumangon na ako para mag breakfast. Sobrang tahimik ng paligid dahil puyat ang mga kapitbahay. Habang kumakain ako bigla nalang akong nakatanggap ng Message galing kay Jessie.
*Lance, alam mo na bang ngayon aalis si Adrian? 9:15 am daw yung flight nya*
What? why so early? Hindi ko na pinatapos yung almusal ko, agad na akong umalis para maabutan ko sya sa airport. Pagdating ko dun, hindi pa nagboboard yung may 9:15 am na flight kaya inabangan ko sya sa departure gate. Ilang sandali nakita ako ni Adrian.
"Adrian, what's this? are you really leaving without telling us?" sabi ko sakanya.
"Sasabihin ko naman eh kapag nandoon na ako" sagot ko naman sakanya
"Adrian? Lance?" sabi nung isang Babae na kakarating palang, si Carla pala, mukhang sabay silang babalik sa America.
"Are you really leaving Raffie?" tanong ko sakanya pero hindi sya makasagot sa sobrang inis ko ko I suddenly grabbed his collar.
"I think I have to draw the line this time, the Moment na papasok ka sa pintong yan, never think of Raffie again. Hindi ka na sana bumalik kung sasaktan mo lang sya, alam mo naman yung nararamdaman nya diba?" sabi ko while Carla is trying her best to stop me.
"Lance stop it!" she said.
"Carla It's Okay" sabi nya naman kay Carla.
"Please take care of Raffie, I know she's not just someone else for you" sabi nya kaya binitawan ko ang collar nya.
"Umalis ka na bago ko pa basagin yung pagmumukha mo" sabi ko at tumalikod na sila sakin. I'm just watching him leave. I guess her really decided to let go of Raffie. Wala na akong gagawin dito kaya aalis na ako, paglingon ko nandito narin pala si Raffie na umiiyak.
(Jessie's POV)
Pagising ko, wala na si Raffie dahil maaga pang nagshower, and I am thinking kung sasabihin ko ba sakanila yung tungkol kay Adrian. Paikot-ikot lang ako sa kwarto nya, I can't decide what to do, in the end I decided na itext muna si Lance.
*Lance, alam mo na bang ngayon aalis si Adrian? 9:15 am daw yung flight nya* sabi ko text at hinihintay ko na si Raffie na matapos magshower, ilang sandali bigla nlang bumukas yung pinto kaya nabitawan ko yung cellphone ko sa sobrang nerbyos at gumulong naman yung phone ko sa paahan nya. Pupulutin ko sana to but she already took it at nabasa yung message ko kay Lance.
"Jess? what's this?" tanong nya sakin.
"Raff, I'm sorry" sabi ko na halos mangiyak ngiyak na. "I was going to tell you kaso hindi ko alam kung paano" dagdag ko.
Tapos bigla syang Lumabas ng kwarto dala yung cellphone ko, kinuha nya rin yung car keys ng kuya nya at agad umalis papuntang airport.
"Jess? what's happening?" tanong ni Kuya Lloyd na kakabangon palang. Nagulat siguro sya when Raffie suddenly barge in his room at kinuha yung susi ng sasakyan.
"San pupunta si Raffie? wala pa naman yung driver's License" pagtataka din ng Mama nya.
"Hindi na ako nagpaliwanag sakanila, agad kong sinundan si Raffie. Sumakay nalang ako ng taxi.
Magkasunod lang kaming dumating ni Raffie sa Airport at agad hinahanap yung gate daparture area at nakita namin si Lance. I think naabutan nya si Adrian.
"Raff?"
"Lance, nasaan na si Adrian?" tanong ni Raffie, tapos tinuro nalang ni Lance na nakapasok na si Adrian sa gate number nya. Sobrang dissapointed si Raffie kaya napa-upo nalang sya at umiiyak. Hinayaan ko nalang si Lance na I-comfort sya.
"Bab.balik na...namn sya d.diba???" tanong ni Raffie sakanya, pati ako nasasaktan narin.
"Hindi ko pa alam sa ngayon" sagot naman ni Lance sakanya.
"Raffie tama na please" pagmamaka-awa ko sakanya, pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.
Inuwi ko sa bahay si Raffie kasi alam kong hindi sya tatantanan ng Mama nya sa kakatanong. Tinext ko narin si Kuya Lloyd na nasa Airport yung kotse nya. Nakatulog si Raffie sa pagod. buti nalang sinamahan ako ni Lance.
"Iiwan ko muna sya sayo" sabi ni Lance.
"Ano nga pala ang sabi ni Adrian?" tanong ko sakanya.
"It doesn't matter, she's my responsibility now." sagot naman ni Lance.
"Itetext nalang kita kapag nagising na sya" sabi ko at tumango lang sya bago umalis.
(Raffie's POV)
Hindi nya naman kailangan ilihim yung pag-alis nya eh, tatanggapin ko naman. dalawang buwan pa nga lang sya dito tapos aalis na sya. Alam ko naman yung lugar ko noh. Masakit lang isipin na pinili nyang umalis na hindi man lang magpapa-alam sakin. Masama lang yung loob ko kasi sa ibang paraan ko pa talaga nalaman.
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Teen FictionLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...
