Chapter 8

156 4 0
                                        


(Jessie's POV)

Pagdating ko sa school wala pa si Raffie nasaan kaya yung bruhildang yun? I texted her but I got no reply tsaka himala rin na mas nauna pa ako kaysa sakanya. Hinintay ko nalang si Raffie sa loob ng classroom namin. Anyway ako nga pala si Jessie Lim, bestfriend ni Raffie mula high school. Ilang sandali isa-sa nadin nagsidatingan yung mga klasmates namin at mas lalong umingay ng dumating si Vince at si Prince. Oh em gee! para silang anghel na nahulog sa langit. Kung Ice cream lang ako I'm sure kanina pa ako natunaw. Teka? bakit dalawa lang sila? Wala na naman si Adrian?

Habang hinihintay ko si Raffie tumawag naman sakin si Dino kaya nagmadali akong lumabas kaso bago ako pa ako makalabas nagkabanggaan kami ni Raffie. 

"Yatz! okay ka lang?" sabi ng isang lalaki na kasama nya. oh? si Adrian to ah. 

"Okay lang ako" sagot naman ni Raffie sakanya. "Jess, san ka pupunta? Nagmamadali ka ata?" tanong nya sakin pero hindi ako nakasagot because i'm confuse. 

"Jess magsisimula na ang klase" sabi nya ulit sabay snap sa mukha ko kaya natauhan ako. 

"Ahh! si Dino kasi tumatawag." sagot ko naman.

"Ahh, oo nga pala Adrian si Jessie nga pala bestfriend ko rin, Jess si Adrian yung lagi kong nakukwento sayo?" she said introducing us to each other.

"Hi, good morning" bati nya sakin. OMG! ang cute ng boses nya! nakakatunaw, ang gwapo nya rin sa malapitan. 

"Good morning din" sagot ko sakanya at hinila naman ako ni Raffie pabalik sa upuan ko   nakita ko rin kung pano syang nag wave kay Prince. 

Teka? did she just waved at him? kahapon lang halos patayin nya si Lance sa sobrang inis ah? Okay na sila? Bat ang daming kong walang alam? Parang buong linggo akong absent sa mga nangyayari ngayon ah? What did I just missed?

Matapos ang klase agad lumapit si Adrian kay Raffie. 

"Raff, sabay na tayong mag lunch?" tanong nya kay Raffie kaso bigla kong hinila si Raffie. 

"Sorry! hihiramin ko muna si Raffie ha!" sabi ko at kumaway nalang sakanya.

"Pasensya na Adrian ha, may gagawin kasi kami na mahalaga, usap nalang tayo mamaya" paalam ni Raffie sakanya at agad ko na sya kinaladkad palabas. 

"Hoy Raffie! may hindi ka sinasabi sakin!" sabi ko habnag hila-hila sya papunta sa roof top na lagi naming tinatambayan.

"Ano naman yun? tsaka bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako." complain nya kaya binitawan ko na sya agad. 

"Yung Kay Adrian maiintindihan ko yun, pero ano yung tungkol kay Lance? kay Prince! kahapon lang nanggagalaiti ka sa galit sakanya tapos ngayon? biglang magkabati na kayo?


(Raffie's POV)

Akala ko makakapasok na ako peacfully sa school nato dahil na settle na namin yun problema namin ni Lance hindi pa pala as long as hindi pa nasasatisfy si Jessie sa katotohanan. Matapos kong ikwento sakanya lahat ng pangyayari, tinantanan niya rin ako. Matapos ang lunch break sabay na kaming pumasok sa susunod na klase. Classmate ko ulit si Adrian ngayon. pagpasok namin, naka-abang na pala si Ms. Kreen yung department head namin.

"Good afternoon everyone" bati nya samin, nagmadali kaming umupo ni Jessie sa upuan namin. 

"4 weeks nalang Christmas ball na pero dadaan muna tayo sa examination week, but May I remind you about the ball that all departments will be responsible for the organizing of the event, maliban na lang if you scored the highest within our department.  All business Students ay kailangan magparticipate sa ball.. so i hope you do so..." sabi nya at pinasa yung mga details ng Christmas ball samin.

Christmas ball is the university's traditional  event. It's not just a Christmas party na magpapalitan ng regalo. Daig pa neto ang Star Magic ball na may red carpet. 

"Excited na ako sa ball" bulong ni Jessie sakin. Sino ba naman ang hindi maeexcite? pati alumni ng school invited din.

Matapos ang announcement ni Ms. Kreen, agad tumayo sa gitna ang class president naming sobrang sungit si Angelo Santos.

*ahemm* He cleared his throat bago nagsalita para makuha ang atensyon ng lahat, mahirap pa naman galitin ang isang to. 

" Ayoko maging facilitator sa araw nayun kaya nakikiusap ako, do your best sa upcoming exams, DAHIL KUNG HNDI.. MANANAGOT KAYONG LAHAT SAKIN!! " nakakatakot nyang announcement.

Ilang sandali, matapos nya kami pakiusapan na kumuha ng highest grade sa exam inanounce nya rin na wala pala ang professor namin ngayong hapon kaya early out kaming lahat, agad namang lumapit sakin si Adrian.

"Kumain tayo sa labas. Isama mo rin si Jessie" sabi nya. 

"Pati ako?" sagot naman ni Jessie na mas naeexcite pa sakin. 

"Sige" tipid ko namang sagot. 

"Hihintayin ko kayo sa Parking lot" sabi nya at nauna na.

Ilang sandali si Jessie naman ang bumulong sakin. 

"Kaibigan mo lang naman si Adrian diba?" tanong nya then I just nod. 

"Okay!! akin na sya ha!" sabi nya. my gosh! lalandiin nya ba si Adrian?

Pagbaba namin sa lobby ng school, naghihintay na pala si Adrian kaya agad na kaming sumakay ni Jessie.

"San tayo? tanong ko habang nagdadrive si Adrian.

"Hwag ka nga excited, makakarating din tayo dun" sabi nya at nag patuloy lang sa pagdrive kaya natulog muna ako. 

Ilang sandali nagising ako sa harap ng isang restaurant. 

"We're here" sabi ni adrian matapos i-park ang sasakyan nya. Agad naman kaming bumaba, sobrang ganda ng restaurant dahil sa vintage ambiance nya.  may mga bulaklak at balloons din sa labas. 

"Ngayon ang opening ng pangatlong branch ng restaurant ni Mommy." sabi ni Adrian, kaya pala may mga balloons at bulaklak.



Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon