Chapter 24

110 2 0
                                        

(Raffie's POV)

Matapos naming magdefense agad na kaming lumabas ng conference room.  Parang magliliyab na yung loob ng conference kanina sa tension. Now I understand kung bakit nasabi ni Vince yun. Nakakatakot nga yung Mommy ni Lance.

"Buti naman ay natapos narin ang lahat ng ito, makakapagphinga na tayo" sabi ko naman na dala-dala yung laptop, but Lance didn't answer. Siguro iniisip nya parin yung nangyari kanina lang.

Ilang sandali habang naglalakad kami pabalik ng gym someone suddenly grabbed him and slapped him, yung sobrang lakas. Nagulat ako sa ginawa nya and it was his mom.

"Maguusap pa tayo sa bahay mamaya" sabi ng Mom nya at agad umalis. Napatulala ako sa nangyari.

"Bumalik na tayo" sabi ni Lance sakin, hinila nya na ngalang ako at Dumiretso na sa Cafeteria, nandoon na kasi sina Jessie at Vince.  Tahimik lang kami na umupo sa table nila habang kumakain silang dalawa.

"What happened? Bakit hindi maipinta yang mukha nyo?" tanong ni Jessie samin pero walang sumagot. Hindi naman tamang sagutin ko sya na napahiya si Lance kanina. Nakakatakot pala talaga makawitness ng ganun.

"Oo nga pala, may nag-iwan ng business card para sa inyo, call them daw if you have time" sabi ni Vince at binigay yung business card kay Lance.

"Ano naman yan?" tanong ko.

"Siguro  magiinvest" tipid na sagot ni Vince. Ilang sandali biglang dumating si Sophie.

"Hi guys! Kanina ko pa kayo hinahanap, wala naman kayo doon sa exhibit nyo." sabi ni Sophie.  "Kumusta ang presentation ng business plan nyo? Pumasa ba?" dagdag nya.

"Mukhang wala namang problema, hinihintay lang namin yung results" sagot ni Jessie.

"I heard tita is here. Have you seen her?" tanong ni Sophie, she has no idea kung anu man yung nangyari.

"What are you doing here?" tanong naman ni Vince sakanya.

"Our dad sent me here para sa exhibit and also to ask Lance what happen why he suddenly dismissed yung tatlong male models"  paliwanag ni Sophie.

"Models?? Ano namang kinalaman ni Lance doon?" pagtataka kong tanong.

(Lance POV)

"Our dad sent me here para sa exhibit and also to ask Lance what happen why he suddenly dismissed yung tatlong male models" paliwanag ni Sophie when she suddenly showed up here in our school.

"Models?? Ano namang kinalaman ni Lance doon?" pagtatakang tanong ni Raffie. Honestly, those models were the ones who harrassed Raffie at the bar weeks ago.

"I have my reason, kaya maghanap nalang kayo ng matitinong models." tipid kong sagot.

"Tatlong models talaga? Kahit kelan hindi ka naman nangenge-alam sa business natin ah. Why now?" tanong naman ni Vince.

"Alam mo bang nag iskandalo sa office ang tatlong yun ng dahil dun?" dagdag naman ni Sophie. Ayoko nang tinatanong ako ng ganito kaya naisipan kong umuwi nalang.

"Im going home" sabi ko at agad tumayo, mukhang wala nang gagawin dahil tapos na kami sa exhibit.

"Iniiwasan mo na naman ba yung topic? I'm just asking!" Sophie said whining.

"And I'm just tired" tipid kong sagot at agad nang pumunta sa parking lot para kunin ang sasakyan ko pero bago ako makasakay, hinahabol pala ako ni Raffie dala ang mga gamit nya.

"Aalis ka ba ng dahil sa nangyari kanina?" tanong nya. Haishh, she' worrying a lot.

"Get in" sabi ko at agad naman syang sumakay ng tahimik. Hinatid ko nalang sya sa bahay nila.

"Im sorry about what you saw earlier" sabi ko nang makarating na kami sa bahay nila.

"I don't know how you feel exactly dahil hindi pa ako napagbubuhatan ng kamay ng Mama ko kaya kakalimutan ko nalang. Gusto ko lang siguraduhin na magiging okay ka." sabi nya.

"Hwag ka mag-alala, I've been through alot more than that" sabi ko naman, di nagtagal bumaba narin sya at umalis na ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay I suddenly remember na may kailangan pa pala akong tawagan. Yung business card na binigay sakin ni Vince kanina. Si Henry Montenegro isang General manager ng isang Enterprise. If I'm not wrong sila din yung karibal ni Mommy sa negosyo, so I decided to call them para malaman ko kung ano ba talaga ang pakay nila.

"Hello good evening, Am I speaking to Mr. Henry Montenegro?" tanong ko sa kabilang linya.

"Speaking and who are you?" tanong nya rin sakin.

"It's me Prince Lance Ayala of St. John University, I just got your business card from my cousin" paliwanag ko.

"Ahh. Yeah I remember, the one with the interesting business plan." sabi nya.

" What do you want to discuss with me?" tanong ko.

" We find your work very interesting. Can you come into our office to discuss about it tomorrow? Anytime will do. And I'll send you an email right now for our proposal so that you could prepare." paliwanag nya.

"Okay no problem" sagot ko naman at hinung-up na ang call, tapos may napansin akong package sa harap ng pinto ng bahay ko, Agad ko tong kinuha. Pagbukas ko, isang card lang ang laman. 

*We're not done yet* yun lang ang nakalagay sa sulat and it's obviously a threat. 


(Raffie's POV)

I was having a hard time sleeping last night, sabi ko kakalimutan ko nalang yung nangyari kay Lance pero hindi pala madali kahit isang linggo na ang nakalipas. We got the first place sa miniature exhibit, wala na kaming poproblemahin sa finals. 

Pagising ko, nagluto na pala si Kuya ng breakfast, agad naman akong kumain at nagprepare para pumasok. Paglabas ko ng bahay naka-abang na pala si Lance sa harap ng bahay tsaka bagong kotse na naman ang ginamit nya.

"Ang aga mo namang ipagyabang yang kotse mo" sabi ko sakanya.

"I'm not boasting" he said and glared at me.  "Get in" dagdag nya pa ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.  Anyway it doesn't matter, sumakay nalang agad ako. 

"Bakit nga pala ang aga mo? Tapos na yung project natin, hindi mo na ako kailangan pang sunduin araw-araw" sabi ko sakanya. 

"I know, anyway bat hindi mo sinusuot ang bracelet na binigay ko sayo?" tanong nya. 

"Bakit pa? ibabalik ko rin naman yun sayo balang araw" sagot ko sakanya pero honestly, lagi ko tong dala-dala. Ewan ko ba at kung bakit hindi ko maiwan-iwan to. 

"Oo nga pala, if you don't mind, baka gusto mong sumama sa contract signing later" tanong nya. 

"Tungkol ba to close deal na gustong bumili ng plan natin?" tanong ko naman and he just nod. 

"Kaya mo naman yun kahit wala ako eh, hwag mo lang kakalimutan yung part ko, malaki na ang 500,000 para sa internship ko" paliwanag ko, di nagtagal nakarating natin kami sa school. 

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon