(Raffie's POV)
Matapos ang klase, pinasundo ako ni Ate Lucy sa Manager nya at pumunta sa set ng shooting nya. I decided na pumunta nalang sa kabila ng pangungulit nya este nila dalawa ni Kuya pala. Pumunta kami sa bahay nya at nadoon din yung assistant stylist ng stylist nya. Sobrang laki pala ng bahay nya pero lagi syang tumatambay sa bahay namin. Pinasukat na sakin ng manager nya yung personal nyang pinili na damit sakin, mukhang hindi pa nga nasusuot yung karamihan eh dahil may price tag pa. Inayusan din ako ng stylist nya at hinatid sa venue ng event.
Pagdating ko doon, sobrang unfamiliar talaga ng mga bisita, isa lang nakilala ko doon, si Vince Ayala yung bagong Cassanova King na pinsan ni Mr. Yabang. Kumuha ako ng isang baso ng Blue lemonade na inalok sakin ng isang waiter habang hinahanap kung sino ba talaga ang bida ng party nato may iilan din na ngumingiti sakin kaya ngingitian ko nalang din. Ilang sandali may waiter na tinanong ang pangalan ko.
"Excuse me, Are you Rafaela Castillo?" Tanong nya then I just nod.
"Please follow me, someone's looking for you" sabi nya kaya sumunod naman ako, tsaka nagtataka din ako kung sino naman yung gustong makita ako.
Hinatid ako ng waiter sa isang terrace na may nakatayong lalaki na nakasuot ng White Tuxedo at may hawak na dalawang white wine. Ilang sandali lumingon sya sakin at ngumiti. I am confuse, why is he smiling at me? and he's a bit familiar. Lumapit sya sakin at binigay yung isang wine sakin.
"Ibang-iba kana yatz ah, hindi ka na Payatot" sabi nya.
Did he just call me yatz? isang tao lang naman yung tumatawag sakin ng ganyan ah? Hindi kaya sya nato? si Adrian?
"Adrian?" tanong ko pa sakanya tapos bigla nya nalang pinitik yung noo ko.
Oh right! It's him! agad ko syang niyakap sa sobrang saya hindi ko narin napansin na natatapon na pala yung wine ng dahil sa excitement.
"Haishh!clumsy ka parin" asar na asar nyang sabi.
Kinurot-kurot ko ang pisngi nya para maconfirm ko na totoo nga talaga to.
"Tama na nga!" angal nya sakin.
"Kelan ka pa bumalik?" tanong ko sakanya, Lumipat kasi sila sa Canada 5 years ago. Simula kindergarten magkakilala na kami kaya nalungkot talaga ako nung lumipat sila sa Canada, pero ayus lang nakilala ko din naman si Jessie.
"Last week lang, pasensya na ngayon lang ako nagpakita" sabi nya naman.
"Okay lang yun" sagot ko naman.
"I heard magkaklase tayo sa ibang subjects" sabi nya.
"Wait? kaklase? sa St. John kana rin mag-aaral?" tanong ko then he just nod.
"Hindi naman kita nakita kahapon or kanina sa klase ah?" tanong ko ulit.
"Late enrollee kasi, inasikaso ko pa yung transfer papers ko" paliwanag nya, ngayon ko lang din naalala na yung mga ngumingiti sakin kanina ay mga kaibigan din pala namin nung elementary at mga pinsan nya. Buti nalang hindi ko sila inisnob kanina.
(Lance POV)
Pagdating ko sa party ni Adrian, agad ko syang hinanap, sya yung bida sa gabing to tapos kung saang lupalot pumupunta.
"Vince, where's Adrian?" tanong ko sakanya.
"He was talking to someone kanina lang, hanapin mo sa terrace baka nandoon lang, sagot naman nya sakin. Kaya pumasok ako sa loob at pinuntahan sya sa terrace. May kausap nga syang babae. Aalis muna sana ako but he notice me kaya lumingon silang pareho. O? si poodle ba yung kasama nya?
"Lance! nandito ka na pala" bati ni Adrian sakin, tapos biglang nagbago yung facial expression ni poodle ng makita ako.
"Kakarating ko lang" sagot ko kay Adrian.
"Oo nga pala Lance, sya nga pala si Raffie Castillo, yung kababata ko" sabi nya.
"Yung Yatz ba na kinukwento mo?" tanong ko rin sakanya then he just nod.
"Nice to meet you" sabi ko sakanya at nagoffer ng handshake, akala ko nga iisnobin nya to but she accepted it and smiled coldly.
"Likewise" tipid nyang sagot.
"I guess, hindi pa kayo nagkakilala formally kahit iisang klase lang tayo" sagot naman ni Adrian, ngumiti nalang ako ng pilit sa sinabi nya. "Sabagay hindi naman lahat ng first meeting maayos eh, it takes time" dagdag nya.
"Napapahaba na ata yung usapan natin, bat hindi mo kausapin yung iba mong kaibigan" sabi naman ni poodle sakanya, ay mali dapat siguro tatawagin ko na sya sa pangalan nya.
"Oo nga pala, sige kayo muna ang magusap, enjoy yourselves" sabi ni Adrian at iniwan na kaming dalawa, medyo lumamig nga atmosphere eh, nagkatinginan nlang kaming dalawa at nakaramdam ng awkwardness. Sabay na kaming bumama sa garden at doon kumain, sinabayan ko nalang sya dahil mukhang si Adrian lang ang kilala nya dito. Habang tahimik na kumakain bigla nalang syang nagsalita.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" tanong nya sakin.
"Hmm. 4 or 5 years na ata" sagot ko naman tapos naalala ko yung paa nya, mukhang nakakapagsuot na sya ng heels ah.
"Yung paa mo? kumusta na?" tanong ko sakanya then she stopped eating. May nasabi ba akong mali? she glared at me again at bigla na naman nagbago yung facial expression niya, bigla kumalma.
"Maayos naman" tipid nyang sagot.
"Sorry about that" sabi ko but she didn't hear it.
"What?" tanong nya ulit. haish!! minsan na ngalang ako magsosorry hindi pa pinapakinggan.
"Sabi ko I'm sorry!" paguulit ko.
"Marunong ka naman palang magsorry, sinisi mo pa ako" sabi nya sakin.
"May kasalanan ka rin naman ah" sagot ko.
"I know! kaya Sorry din" sabi nya sakin at bigla nalang gumaan yung loob ko, parang nabunutan ako ng tinik.
"Hindi ako makapag concentrate ng dahil sa nangyari kaya kalimutan nalang natin yun" dagdag nya sakin.
"Buti naman at narealize mo" sagot ko.
"Aawayin mo na naman ba ako?" asar na asar nyang sagot.
"Hindi na sa ngayon" sagot ko at tumahimik nalang sya, minsan nakakatawa din sya.

BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Teen FictionLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...