Chapter 11

142 4 0
                                        

(Jessie's POV)

"Asar naman  oh!! ginalingan ko sa exam tapos ito parin bagsak natin!!" sabi ko kay Raffie, positive pa naman ako na makakuha ng mataas na grades, mataas nga pero hetoh parin sa facilitating team ang bagsak namin. 

"Tumahimik ka nga dyan, gawin mo nalang yung trabaho mo" utos sakin ni Raffie.

Buti pa si Lance wala nang poproblemahin hanggang Christmas break. Magkasama naman kami sa study group pero sya lang nakakuha ng highest score, kung sa totoo nga kapag may klase laging nasa tenga nya ang earphones nya kahit nasa bahay kami nina Adrian lagi syang tulog or di kaya late na kung sumipot. tsk! Mayaman na, Gwapo, matalino rin, di ko mareach yung level nya. Lahat ng mga studyante na may kapalaran tulad namin ay naglilinis din ng stadium.

"It's all you fault kung bakit tayo nandito" Sabi ni Gelo yung class president namin, kung mapakagsalita, isa din naman sya sa mga tulad ko eh, tapos sisisihin nya pa sa buong klase.

Nilinisan  namin nila  Raffie, Maureen at Catherine yung mga utensils na gagamitin. Yung iba naman pinupunanasan ang mga dinner plates, saucer plates at soup bowls. Yung mga lalaki naman ay nagbubuhat ng mga tables and chairs. yung iba pinaplantsa yung table clothes na gagamitin. Since Beige ang motif ng Ball dapat extra careful kami sa pagseset-up. Yung ibang department naman ang naka-assign sa invitation, decorations at flowers.

(Raffie's POV)

Bukas na nang gabi ang ball, Konteng tiis nalang matatapos din tong pag seset-up namin.  sobrang nakakapagod. Hindi pa kami tapos  sa decorations, white and red ang color combination  na ginamit namin sa decorations. 7:45 pm na ng gabi, kailangan na namin tong tapusin. Si Gelo naman, wagas maka-utos, nakakastress na sya. Buti nga't nandito din si Lance tumutulong kahit exempted sya dito.

"Nasan na yung ibang decorations??" Natatarantang tanong ni Angelo

"Meron pa ba?? Etoh lang namn lahat ah" sagot ni Jessie sakanya.

"Ano ba namn kayo, ang Dami nun, kulang pa to!" sabi nya habang chinecheck yung mga boxes.

"Rafaela!" tawag nya sakin kaya napalingon ako.

"Bakit??" tipid kong tanong

"Ikaw na ang kumuha ng naiwang decors sa stock room, tutal ikaw naman ang walang ginagawa" sabi nya, bulag ba sya? inaayos ko nga yung centerpiece ng bawat table oh! eto ba ang tawag sa walang ginagawa?? Nakakainis na sya kanina pa. Bago pa ako mas lalong mainis kumilos nalang ako. 

"Raff.!" tawag sakin ni Adrian kaya agad akong lumingon sakanya.

"Samahan na kita" sabi nya kaya tumango lang ako, aalis na sana kami nang biglang may tumawag sakanya.

"Adrian, tulungan mo naman ako dito sa video presentation na ipapalabas bukas oh" sabi ng isang medical student.

"Ahh Cge" sabi nya tapos napatingin sya sakin "Susunod nalang ako sayo" sabi nya kaya nauna nalang ako sa stock room. Pagpasok ko sa stock room, hinanap ko kaagad ang Ibang decors. binuksan ko talaga ang mga kahon para masigurado ang laman. Ilang sandali bigla nalang nanggugulat yung Maintenance in charge.

"Miss anong hinahanap mo??" tanong nung maintainance in charge.

" Hinahanap ko yung mga decoartions para sa Christmas ball" sabi ko sakanya.

"Subukan mong i check sa Cabin sa likod ng lumang building, may nilipat kasi kami kahon doon kanina" sabi nya.

"Sige salamat po" sabi ko at nanghihinayang, bakit sa Cabin? Nakakatakot pa naman doon. Kwento-kwento kasi na may nagpaparamdam doon, kaya lahat ng maintenance na na-aasign sa lumang building ay hindi nagtatagal dahil sa takot, kaya I never dare na pumupunta doon.

Malayo palang ako, naninindig na ang bahibo ko, sobrang creepy kasi, tsaka nasa kasuloksulokan pa naman ng campus. Pagpasok ko, okay naman pala sobrang linis madilim ngalang kaya agad ko na hinanap yung mga decor na sinasabi ni Angelo. Ilang sandali nakarinig ako ng kaluskos, napalingon ako at hinanap kung san galing  yung ingay.

Naririnig ko na parang nasa likod ng cabinet yung kaluskos na naririnig ko, kaya unti-unti ko tong nilapitan ng biglang tumalong pusa sa harap ko kaya hindi ko napigilang mapasigaw.

"HWAAH!!" sa sobrang nerbyos ko napasandal ako sa mga nakapatong na box at natumba ang mga ito, Pati ako na-out of balance nadin. Tumayo na ako at inayos yung mga kumakalat.

(Lance POV)

I was bored at home kaya naisipan kong tumulong nalang sa pagaayos ng stadium para bukas.

"Prince  may ginagawa ka pa ba?" tanong ni Adrian.

"Wala na, itatapon ko nalang tong mga basura, bakit? May problema ba?" tanong ko  naman.

"I promised Raffie, na tutulungan ko sya sa pagkuha ng ibang decors sa stock room pero na stuck kasi ako dito sa video presentation para bukas eh" paliwanag nya.

"Okay, I'll go look for her." sabi ko naman. Matapos kong itapon yung isang bag ng basura dumiretso na ako sa stock room. Kaso sinara nato ng maintenace.

"Excuse me, naka-alis naba dito yung kumuha ng ibang decors?" tanong ko sakanya.

"Yung babae ba kamo? Nasa Cabin sa likod ng lumang building, nilipat kasi doon yung ibang kahon na hindi na kasya dito"  sabi nya naman kaya bumaba na naman ako at pumunta sa Cabin.

Habang papalapit ako sa madilim ng Cabin bigla nalang akong nakarinig ng malakas na sigaw  kaya nagmadali akong pumasok.
Agad kong nakita si Raffie na may ginagaoang sa sahig, ano na naman kaya ang ginagawa nya.  Hinawakan ko sya sa balikat at bigla nalang syang nagpanic.

"HWAAAHHH!!" pasigaw nya.

GRABEH!! MAKABASAG TENGA YUNG TILI NYA!

"Tumahimik ka nga! Ako lang to" sabi ko naman at napatakip sya sa bibig nya. mukhang gulat na gulat nga sya.

"Bat ka ba nang gugulat?!!" inis na inis nyang tanong sakin.

"Pasensya na, akala ko kasi may nangyari na sayong masama eh!" sagot ko naman.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong nya at pinagpatuloy yung ginagawa nya kanina.

"Narinig kong may sumigaw eh" sagot ko naman at tinulungan na sya, mukhang nahanap nya na ata yung mga decors.  Matapos namin ayusin yung nagkalat agad ko naman binuhat yung kahon ng decorations para maka uwi na.
"O? Bat hindi to mabuksan?" tanong sakin ni Raffie, bukas naman kasi yan kanina. Binaba ko muna yung kahon na hawak ko at sinubukang buksan ang pinto, kaso ayaw nga mabuksan kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero nakalimutan kong nasa sasakyan ko pala iniwan yun kanina.

"Anu ang gagawin natin???" Pagaalala nyang tanong.

"Itext mo si Adrian, sabihin mong nandito tayo" sabi ko sakanya.

"Naiwan ko sa Stadium yung bag ko, nandun ang cellphone ko" sabi nya.

Now what??

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon