(Raffie's POV)
"Raff? are you okay?" Tanong ni Jessie sakin habang lunch break namin, tumango lang ako na okay lang ako.
Okay nga ba talaga ako? haiissh!! sa dinami dami kasi ng universities at colleges bakit dito pa talaga?
"Kilala mo ba yung tatlo kanina?" tanong sakin ni Jessie.
"Haayy!! hwag mo nga akong tanungin ng ganyan, nabubwisit na ako!" sabi ko sakanya tapos nagpatuloy nalang sya sa pagkain nya.
"May kinalaman ba ang isa sa kanila sa mga kabwisitan na nangyari sayo?" tanong nya ulit sakin.
"Hell!! hindi na siguro ako makakagraduate sa lagay kong to!" sabi ko sakanya.
"Hwag ka ngang beastmode, pumapangit ka lalo eh" she said teasing me.
"Jess! hwag mo na nga ako asarin!" inis na inis kong sabi ko sakanya.
"Patawarin mo nalang kasi, forgive and forget para sa kapayapaan mo" suggest nya.
"Masasabi mo pa kaya yan kapag ikaw yung muntikan nang mamatay? swerte ko nga dahil yung lang natamo ko."
"Yun na nga eh, swerte ka kaya kalimutan mo na" sabi nya na mukhang mas kinakampihan pa ata yung mokong nayun kaya nagwalkout nalang ako. Nauna na akong pumasok sa Major subject namin and again! nakabalandra na naman ang mokong na yun. magiging kaklase ko na naman ba sya sa suject nato?Naiistress na ako.
(Lance POV)
I will mark this day as my very unlucky day. SA dinami-dami ba naman ng lugar dito pa talaga? that annoying girl is getting into my nerves.
"Lance? may problema ba?" tanong ni Vince
"Don't bother me." tipid kong sagot sakanya habang naghihintay sa professor namin sa subject nato.
"Nasaan nga pala si Adrian?" tanong ko sakanya.
"May inaasikaso lang para sa Party nya bukas." sagot nya naman, ilang sandali nandito na naman yung muntikan ko nang mapatay ng dahil sa sarili nyang katangahan. She just glared at me again.
My Mom won't let me kapag sasabihin kong lilipat ulit ako ng school, kahit palihim kong gagawin yun I know that she'll nag me to death. Ilang sandali may tumawag sakin, si Zyrene! agad kong hinila si Vince to answer it for me.
"What?" tanong nya na nagpapanic. "Anong gagawin ko dito?"
"Answer it!" sabi ko then he just answer it pero hindi nya naman alam ang gagawin.
"Sabihin mo wrong number! wala ako dito!" bulong ko sakanya.
"She said she's here?" he said na sobrang nagtataka.
"What?" pagtataka ko rin and I tried to manage my thoughts.
"Lance! you're here!" someone suddenly called me at nang lumingon ako, shet! it's her. Two annoying girl in just a day. Dinala ko sya sa kasulok-sulokan kung san walang makakakita samin.
"Anong ginagawa mo dito??"
"Dinadalaw ka syempre" she said.
"Dalawin mo ko kapag nasa city jail na ako, I'll be thankful then" sagot ko with sarcasm.
"I brought you some sushi, Your Mom said, favorite mo daw to" sabi nya at binuksan na yung dala nyang sushi.
"Allergic ako dyan" sagot ko naman
"Kelan lang?" pagtataka nyang tanong.
"Ngayon lang, kaya kung wala ka nang ibang sasabihin, please leave" pakiusap ko.
"Hindi mo lang ba ako ihahatid??" sabi nya. Is she teasing me?
" Ihahatid? you just barge in the middle of my class tapos magpapahatid ka pa?"
"I just asked" tipid nyang sagot at ngumitiina-asar ba ako netoh?? -________-
"You wish!" sabi ko at agad nang bumalik sa klase ko.
(Raffie's POV)
"I'm Home" sabi ko kay Mama pag-uwi ko sa bahay tapos may inabot sya sakin na isang envelope na may invitation card, chineck ko kung kanino galing, pero walang nakasulat, isang unfamiliar address lang at ibang details tungkol sa party.
"Kumusta ang unang araw ng klase?" tanong ni Mama at naalala ko naman ang kabwisitan na nangyari sakin sa araw nato.
"Nothing special" tipid kong sagot kay Mama.
"Dito nga pala magdidinner si ate Lucy mo" sabi ni Mama.
"Cge Ma, bababa lang ako kaoag nandito na sila" sabi ko naman at agad ng umakyat sa kwarto ko.
Habang ginagawa ko yung mga research at assignments ko sa kwarto ko, Ate Lucy suddenly Barge into my room.
"Ate Lucy, nandito na pala kayo" sabi ko tapos may inabot syang box ng fruit cake sakin.
"Sipag mag-aral ah" she said na inaasar ako.
"Dapat lang noh, ayoko kasi sabihin nila na tamad yung magiging sister-in-law mo" sagot ko naman at napatawa lang sya, ilang sandali nakita nya yung invitation card na nakapatong sa side table ng kama ko.
"Party? kanino?" tanong nya ng binasa nya to.
"Hindi ko nga rin alam eh, hindi ko alam kung sino ba talaga yung naginvite sakin" paliwanag ko.
"It's kind of interesting, pupunta ka ba?" sabi nya at napatitig sakin.
"No" tipid kong sagot.
"Pumunta ka, sayang naman yung opportunity" sabi nya.
"Hwag na, ano naman ang gagawin ko dun? tsaka hindi ko nga kilala kung sino may Party diba?" Paliwanag ko.
"Pano mo naman malalaman kung hindi ka pupunta diba?" pag-iinsist nya sakin pero umiiling-iling lang ako.
" Are you worried na hindi mo kilala kung sino ang may party or are you worried dahil wala kang isusuot?" tanong nya sakin out of nowhere then napaisip ako, she's right wala nga akong maisusuot kaya hindi ako pupunta.
"Babe? Raffie? kakain na" sabi ni Kuya na bigla bigla nalang sumusulpot.
"Susunod kami" sagot naman ni Ate Lucy kaya inayos ko muna yung mga gamit ko bago kami lumabas.
"Basta! pupunta ka sa party na yan bukas, akong bahala sayo" sabi nya at agad ng bumama.
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Ficção AdolescenteLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...