(Raffie's POV)
"Raff. Tulungan mo naman ako oh. Baka kasi may nakalimutan akong iinclude sa environmental planning namin" sabi ni Maureesn sakin dala yung draft na gawa nya. Kaya tinignan ko to para sakanya.
"Ahmm. . . I'm not sure about this since it's not really my idea, double check mo nalang kung tama ba ang carrying capacity ng destination mo tsaka yung safety features narin" paliwanag ko. Since tourism student kami. Hindi lang dapat promotion ng destinations ang ginagawa namin dapat may careful environmental planning din dahil kung wala ang environment wala ring major recources para mag produce ng magandang destination.
"Teka? Ano to? Maganda ba gising mo Raff? Kahapon sobrang downgrade ng mood mo, may nangyari ba?" tanong sakin ni Jessie.
"Wala naman" tipid kong sagot.
"Nevermind, I'm glad masigla ka na gaya ng dati, tulungan mo nalang ako sa planning ko, nakalimutan ko formula para isolve ang carrying capacity eh."
"Sobrang dali lang kaya ng formula" rekalamo ko naman pero bigla nya akong kinaladkad.
"Haish.. Si Maureen nga tinulungan mo tapos akong bestfriend mo babaliwalain mo lang?" daldal nya habang hinihila ako papunta sa upuan nya.
"Alam ko naman kasing kaya mo to eh. Nagiinarte ka lang." sagot ko naman bago sinolve yung equations nya.
Matapos ang environmental class agad na kaming umalis ni Jessie. Habang naglalakad sa hallway nakasalubong namin si Lance at Vince na papunta sa next subject nila.
"Uuwi na kayo?" Tanong ni Lance sa akin so I just nod.
"Take care" tipid nyang sagot at tinap ang ulo ko bago nagdirediretso sa pupuntahan nila.
"Wow ha, anong meron sa inyong dalawa, kapayapaan na ba talaga?" tanong ni Jessie.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" pagtataka ko namang tanong.
"Napansin ko lang this past few days mas naging close na kayo ni Lance, may mutual understanding naba kayo? Im sure tapos na kayo da getting to know each other stage." sunod-sunod nyang tanong habang palabas kami ng Campus.
"Ano bang pinagsasabi mo? Lahat nalang ng galaw ko binabantayan mo" sabi ko sakanya.
"Raff, concern lang naman ako sayo, hwag mo naman masyadong dibdibin." paliwanag nya habang minamasahe ang balikat ko para patawarin sya.
" Kung ano-ano nalang kasi pumapasok sa isip mo eh!" sagot ko sakanya.
"Raffie!" tawag ng isang lalaking pamilyar masyado ang bosses kaya lumingon kaming pareho ni Jessie. Halos manlambot ang tuhod ko ng makita si Adrian ngayon sa harap ko.
"Adrian??" pagtatakang tanong ni Jessie.
"Kumusta na?" tanong Adrian at lumapit samin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jessie sakanya while I'm managing my thoughts.
"Bago ko sagutin yan maghanap muna tayo ng magandang lugar para magmeryenda" ni Adrian.
"May pupuntahan pa ako kaya hindi ako makakasama" sagot naman ni Jessie sakanya kaya ako nalang ang sinama nya.
(Jessie's POV)
I'm sure hindi ako nanaginip, pero bakit nandito si Adrian. Wala na akong maisup na tama. I was in a total shocked pati utak ko total black out. Okay na si Raffie tapos bigla nalang syang susulpot? Tsaka diba ikakasal na sya?
Hinintay ko si Lance lobby ng school. Pero i'm not sure kunh tama bang gagawin ko. Kasi ang alam ko lang si Lance ang pwede kong hingan ng tulong tungkol kay Raffie kahit hindi pa malinaw kung ano nga ba sila.
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Teen FictionLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...
