(Raffie's POV)
Pagising ko sa umaga, agad kong pinagluto si Kuya ng breakfast, late na kasi sya naka-uwi kagabi eh. Marami siguro syang pasyente kagabi. Pinagluto ko sya ng sunny side up at longganisa.
Ilang sandali biglang may nag-doorbell, siguro si Ate Lucy yun kaya agad kong binuksan pero nabigla ako ng makita si Lance.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtataka kong tanong sakanya tapos may dala pa syang coffee at club sandwiches.
"Mag ready ka na, may pupuntahan tayo" sabi nya at agad-agad lang pumasok .
"Teka? saan?" tanong ko naman.
"Basta! magbihis ka nalang" sabi nya kaya agad naman ako nagbihis. Pagbaba ko gising nadin si kuya at kumain na ng breakfast kasabay si Lance.
"Oy! Wala ka bang tagapagluto sa inyo? bat dito kapa nakikikain?" sita ko kay Lance.
"Kaya nga nagdala din ako ng breakfast diba?" sagot nya. "Pwede na ba tayo umalis?" tanong nya.
"San kayo pupunta?" tanong naman ni Kuya sakanya.
"Sa tabi tabi lang" sagot nya at agad akong hinila palabas.
"Kuya! aalis na muna kami!" paalam ko kay Kuya bago kami umalis.
Ilang sandali dumating kami sa Ayala Corporation building. hindi na ako nagtanong, agad naman kami pumasok sa loob. Dinala nya ako sa Library ng company nila. Sobrang laki nga eh, daig nya pa yung library sa university namin.
"Ano ba talaga ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya habang chinecheck yung mga libro.
"Gagawa tayo ng business plan para sa miniature natin, dapat alam natin kung anong klaseng business ang gagawin bago gumawa ng miniature" paliwanag nya, Ilang sandali may dumating na babae.
"Sir, nandito na po lahat ng pinahahanap mo" sabi nya kay Lance na may dalang isang kahon ng folders. agad tong kinuha si Lance at binasa isa-isa yung mga folders.
"Ano naman to?" tanong ko ulit.
"Mga business plan yan ng mga executives, gagawin nating reference para sa business plan natin." paliwanag nya kaya nagsimula narin akong basahin yung mga important details sa pagiistablish ng business. Kahit minsan nakaka-antok na dahil puro libro nalang nakikita ko, habang si Lance naman at nagreresearch ng Business plan making seminar online gamit ang laptop nya. Ilang sandali hindi ko namalayang nakatulog nakatulog na pala ako.
(Lance POV)
Habang nagreresearch, some ideas came into my mind at sinubukan kong kunin yung opinion ni Raffie tungkol sa isang business idea where she can also relate her field of Studies.
"Since, you're a tourism student, why don't we innovate some tourism related business? What do you think?" tanong ko kay Raffie while nirereview ang isang tourism development studies, pero walang sumasagot sakin.
"Raff?" tawag ko sakanya at nang tinignan ko sya himbing na himbing na pala ang tulog sa desk nya. Then I suddenly realize the back pain at antok. Hindi ko rin napansin na pass lunch time na pala. I brewed some coffee sa resting area ng mga staff, pampagising lang.
"Sir, tulungan na kita" sabi ng isang staff.
"Don't mind me, just continue what you are doing" sabi ko at agad naman syang umalis di nagtagal may pumasok na naman. Akala ko employee, si Mommy lang pala.
"So nandito ka nga talaga? I thought what I heard was wrong, may kasama ka raw?" sabi nya.
"Yeah, she's my classmate and my partner kaya nandito kami" tipid kong sagot sakanya.

BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Fiksi RemajaLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...