Chapter 19

110 2 0
                                        

(Raffie's POV)

Dalawang linggo na ang nakalipas, marami nading nangyari simula nung umalis si Adrian. Si Mama naman ay sinama ni Papa sa Hongkong para sa trabaho. Hindi na ako sumama sa Airport sa paghatid sakanila. Kinasusuklaman ko na kasi ang lugar nayon. Pumasok nalang ako sa school at nag focus sa pag-aaral. Wala naman akong mararating kung iisipin ko lang si Adrian. Lumamig narin yung pagsasama namin ni Jessie.

"Good morning class" Bati ni Ms. Kreen samin. Agad namin kaming umayos para makinig sa sasabihin nya.

"Pick yout partner for this project. Gagawa kayo ng miniature ng gusto nyong business, pwede kayo gumawa ng resort or highrise building basta kasama sa ipepresent nyo yung details ng business nyo. " paliwanag ni Ms. Kreen.

Yung mga kaklase ko nagkakagulo na sa kakahanap ng partner nila. Tapos ako wala naman akong ibang close friend maliban kay Jessie kaso magkapares na sila ni Vince.

"Ms. Castillo, may partner ka na ba?" tanong sakin ni Ms. Kreean kaya umiling- iling nalang ako.

"Kung ganun, dalawa nalang kayo ni Prince ang magpartner." sabi nya naman. Required ba talagang may partner, baka pwede namang magsolo. Lumingon ako da direksyon ni Lance and he was just staring at me.

Matapos ang announcement ni Ms. Kreen nagsimula ng mausap ang magkakagrupo sa gagawin nilang project. Si Lance naman natutulog lang na naka earphone, wala talagang pake-alam sa paligid nya. Pagkatapos nang klase dumiretso ako sa locker room at inayos ang gamit ko, mag-isa lang akong lumabas sa campus. Habang naglalakad ako may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko.

"Sakay!" sabi ni Lance kaya agad akong sumakay. Baka kasi gusto nya lang idiscuss yung tungkol sa project. Agad syang nagdrive, Hindi ko Alam kung San nya ako dadalhin, hindi narin ako nagtanong. Ilang sandali nasa Central mall na kami, pumasok kami sa isang Italian restaurant.

"Anong gagawin natin dito ?"-tanong ko sakanya ng hindi na mapigilan ang curiousity.

"Basta, umorder ka nalang" sagot nya kaya umorder narin ako.

"Ano ng pala ang gagawin natin sa Miniature natin?" natanong ko naman sakanya.

"I'll think about it" tipid nyang sagot.

"Hindi ba tayo nandito para idiscuss yan?" pagtataka kong tanong.

Ilang sandali dumating na yung inorder namin, ang pinagtatakahan ko lang, bakit 3 orders ng pasta? Dalawa lang naman kami.

"Dalawa ba inorder mo?" tanong ko sakanya at tumango lang sya.

"Sorry Im late" sabi ng isang maganda't matangkad na babae at umupo sa tabi ni Lance. Artista ba to? Grabeh talaga basta mayayaman, kakaiba.

"Ang tagal mo naman" sagot ni Lance sakanya.

"Sorry na nga eh" sabi nya tapos napatingin sya sakin. "You're Raffie right?" tanong nya, nabigla naman ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Yeah, Hello" sagot ko naman,

"Tama nga ako, binanggit ka kasi sakin ni Adrian, by the way, I'm Sophie Ayala pinsan ni Lance" pakilala nya, kaya pala akala ko girlfriend nya.

"Kapatid ni Vince" dagdag ni Lance.

"Haishh! Don't mention that annoying punk, naiinis lang ako, alam mo bang ginulo nya na naman ako kanina para sa project nyang miniature or something? " sagot naman ni Sophie.

"He's still your brother" sagot ni Lancr sakanya.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon