(Raffie's POV)
Pagpasok namin sa bahay nabigla ako sa reaksyon ni Ate Lucy. Kilala nya pala si Lance.
"Prince! what are you doing here?" tanong ni Ate Lucy sakanya.
"Magkakilala pala kayo" sabi naman ni Kuya Lloyd.
"Naremember mo ba yung restaurant kung saan tayo nagparty after ng concert ko last month? They owned it, at nandun din sya. Sayang ngalang hindi kita naintroduce sakanya ng pormal" paliwanag naman ni Ate Lucy sakanya.
"Oo nga pala Papa, si Lance nga pala. Kaklase ko " sabi ko naman kay Papa.
"Good evening po" bati nya naman.
"Marunong kabang maglaro ng chess?" tanong ni papa sakanya kaya tumango lang sya.
"Join me, nakakasawa na kasi kalabanin si Lloyd" sabi ni Papa at dinala sya sa terrace kung san sya naglalaro ng chess.
Ilang sandali may nagdoorbell kaya agad binuksan ni Kuya ang pinto. Dumating na sila Jessie.
"Happy new year Raffie!" bati sakin ni Jessie pagpasok na pagpasok nya at niyakap ako agad kaso napasobra sya sa yakap.
Hindi ako makahinga.. "Je..Jess..." sabi ko bago nya ako binitawan.
"Last Hour na, sobrang traffic parin, buti nalang umabot" sabi naman ni Tita Jean.
(Jessie's POV)
Magbabagong taon kami ngayon kina Raffie pero hindi ko rin ineexpect na makakasama din pala namin si Lance. May naamoy na ako dito kay Lance. pagpatak ng 12 midnight salo-salo kami hinandang Mega Noche ni Tita. Si Mama naman nagdonate lang ng biik na lechon tsaka wine. Habang kumakain panay asaran ni Raffie at Dino sa hapagkainan, pinagaagawan pa naman nila ang chicken wings.
"Para kayong mga bata" sabi ni Kuya Lloyd sakanilang dalawa.
"Raffie, pagbigyan mo na si Dino" sabi naman ni Tita sakanya.
"Ma, pati ba naman ikaw? inaasar lang ako ni Dino, I'm sure hindi nya rin naman kakainin to eh" paliwanag ni Raffie, tapos tawa nalang kami ng tawa, Ilang sandali biglang binigay ni Lance yung chicken wings kay Raffie.
"Hwag mo na kasi patulan" sabi naman ni Lance kaya napatawa kaming lahat, eh si Lance nalang din naman ang paguusapan kinulit ko na.
"Lance, bat ka ba talaga nandito? bat hindi sa inyo? I'm sure mas bongga ang handa nyo" pangungulit ko sakanya but he answered me coldly.
"My house is empty?" sagot nya.
"Haissh!!" Lance hwag ka nga ganyan." sita naman ni Ate Lucy sa kanya, tsaka nalaman ko din na magkababata pala sila si Lance.
"Jessie, para mo namang tinataboy si Lance" sita sakin ni Mommy.
"Hayy.., ewan ko nalang sa inyo, kapag nakilala nyo lang tong si Lance ewan ko lang kung iwewelcome nyo sya ng ganito" paliwanag ko, tapos si Raffie naman tumawa nalang. Nakalimutan nya siguro kung gaano sya kabwisit kay Lance noon.
Ilang sandali, nagputukan na ang mga fireworks nagmadali na kami ni Raffie at sinama narin namin si Lance sa bubong ng bahay, doon kasi maganda pagmasdan ang mga fireworks.
"WOahhh... ang ganda talaga parang mga bituin lang" sabi naman ni Raffie, si Lance naman nakatingala lang.
"Ate kunin mo nga to!" sabi naman ni Dino na nagdala pa ng pagkain.
"Kasi naman eh, manonood lang ng fireworks kailangan may pagkain pa" asar na asar kong sabi sakanya habang tiutulungan syang hawakan yung plato na puno ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Ficção AdolescenteLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...
