Chapter 25

111 2 0
                                    


(Raffie's POV)

Nakaka-inis na talaga to si Lance, hindi ako tinantantanan ngayong araw na to. Mabuti sana kung ordinaryong student lang sya but No! sa sobrang popular nya pati ako pinagiinitan ng ibang studyante.  Bakit ba kasi dikit-dikit tong mokong nato. 

"Hindi ka pa uuwi? tapos na yung pasok mo ah" tanong ko pero hindi nya ako pinapansin, nagpatuloy lang sya sa pagbabasa ng libro. May usapan pa naman kami ni Jessie na magnonood ng sine ng kaming dalawa lang.  Namiss ko na kasi yung moment na kaming dalawa lang.

Ilang sandali tumawag si Jessie. 

"Jess? san ka na?" tanong ko sakanya. 

"Kasama ko si Vince dito sa faculty, may pianapagawa pa kasi si Ms. Kreen, magkita nalang tayo sa Central Mall" sabi nya naman. 

"Okay see you later" sagot ko kaya agad ko naman niligpit ang mga gamit ko para maka-alis na. 

"Uuwi na ako" sabi ko kay Lance at agad na umalis kaso sinundan nya. 

"Ihahatid na kita." sabi nya. 

"Pwede bang umuwi ka nalang, kaya ko naman umuwi eh" sabi ko, naiirita na talaga ako sakanya. Baka mamaya sundan nya pa ako sa lakd namin ni Jessie masira payun.

"Hwag ka na kasing mag-inarte" sabi nya at hinila ako papunta sa parking lot, pero hindi ako pumasok sa kotse nya, kailangan kong makawala sakanya. 

"Naiihi ako, hintayin mo nalang ako dito" sabi ko naman sakanya at agad pumunta sa pinakamalapit na CR pero sinundan nya parin ako. Mukhang wala talaga akong takas ah. iisa lang ang exit tasaka hind ko naman kayang sirain yung bintana ng C.R.

Hindi nagtagal may isang babae ang pumasok sa C.R na may dalang paper bag. pinwesto nya to sa sink kaya nakita ko ang mga lamang damit. Mag disguise kaya ako?

"AHmm. Miss ano to?" tanong ko sakanya. 

" Mga un-used  kong damit, ibebenta ko pangdagdag allowance" paliwanag nya habang nag-aayos sa sarili nya kaya agad ako bumili ng ilang damit. siguro naman hindi nya na ako mapapansin nito. 

Ilang sandali lumabas na ako at dumaan sa harap nya ng hindi nya namamalayan. pakiramdam ko para akong nanalo sa lotto ng makatakas lang sakanya. Hindi ko pwedeng idisappoint si Jessie ngayon. Lumabas ako sa east gate para hindi ako mapansin ni Lance tsaka every 30 minutes kasi dumadaan doon ang bus papunta sa Central mall. Habang naghihitay ng bus may tumigil na van sa harap ko at may lumabas na mga lalaki. Nakakapanghinayang yung mga suot nila. Hindi ko lang pinansin pero bigla nila akong hinila papasok sa van pero nagpumiglas ako.

"Anu ba! bitawan nyo ko!sino ba kayo!" pasigaw ko at patuloy na nanglaban. "Tulungan nyo ko!!" sigaw ko ulit. 

Ilang sandali may nagsuntukan nalang bigla sa harap ko.A gad nila ako binitawan kaya tumakbo ako at nagtago sa likod ng poste then I realize na si Lance pala yun.  1 vs 3? kakayanin nya kaya to? agad kong kinapa ang phone ko sa loob ng bag ko para humingi ng tulong.  hindi ako makapag-isip ng maayos kaya nilabas ko lahat ng laman ng bag ko bago ko pa man makita yung phone ko may lalaking tumilapon malapit saakin at nakita kong naglabas sya ng kutsilyo. Bigla syang tumayo at sinaksak ito kay Lance.

"LANCE!!" pasigaw ko sakanya pero huli na. 

Agad sya lumapit sakin kahit suguan na sya kaya sinalo ko sya at kinuha nya yung bracelet na binigay nya sakin. 

"Ihagis mo sa loob ng van" bulong nya sakin. 

"Bakit naman bigay mo to sakin!" sabi ko at biglang nagsidatingan yung mga school guards.

Missing Piece of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon