Chapter 21

116 2 0
                                        

(Raffie's POV)

Gumising ako na sobrang sakit ang ulo ko. Hindi ko maidilat ang mata ko, grabe ang bigat ng katawa ko, nahihilo din ako.  Pagulong gulong lang ako sa kama, ilang sandali bumangon ako at chineck ang oras. 10:37  na pala, magtatanghali na.  Tapos naninibago ako sa paligid. Teka nasan ba ako? Hindi ko naman kwarto to ah? Napaisip ako at biglang naalala yung nangyari kagabi sa pool. Nasa hotel parin ba kami? Hindi ko na maalala.

Ilang sandali biglang may pumasok.
"Gising ka na pala" sabi ni Sophie at may dala pang paper bag.

"Nasan ako? Anong nangyari?" tanong ko sakanya.

"Nandito ka sa bahay ni Lance, pareho kayong lasing kagabi, hindi ko naman alam kung san ka ihahatid kaya dito nalang kita dinala. " paliwanag nya, akaka ko nasa hotel kami. Minamassage ko ang ulo ko sa sobrang hilo.

"Haishh.. Bat kasi kayo nagpakawasak sa kalasingan kagabi?" sabi nya na asar na asar pa ata.

Oo nga pala naalala ko na ang huling  nangyari kagabi. Sa sobrang kalasingan Lance suddenly kissed me and to lighten up the mood, nagspin ulit ako ng bottle at sakin na nakatutok ang bote at dare ang sagot ko saknya expecting to drink the last 3 shots ng Vodka pero matagal  pa syang nag-isip ng ipapagawa sakin.

"Cge 3 shots nalang" sabi ko para matigil na agad, pero bigla nya nalang akong pinigilan.

"I dare you to forget everything about Adrian, and just think about me" sabi nya at agad kinuha ang baso sakin at sya na uminom ng  last 3 shots. -end of flash back-

"Dinalhan kita ng extrang damit, undies, towel at toothbrush.. Yung brassiers mo naman pumili ako ng tatlong sizes. A, B at C cup, hindi kasi ako sigurado sa size ng dibdib mo eh. Mukhang malaki naman." sabi, nahiya tuloy ako sa dibdib ko. 

"Take care of yourself, bumaba ka pagkatapos mo maligo o magbihis" paliwanag nya.

Bumangon na ako at  pumasok sa c.r napansin ko ang bracelet na suot ko. Ito ang bigay sakin ni Lance kagabi. Hinubad ko muna at naligo. Nagbabad muna ako sa bathtub para mawala ang hilo ko. Matapos ang ilang minuto nagbanlaw na ako at nagbihis. Nakigamit na ako ng hair blower na nakita ko sa closet. Sinuot ko ulit ang bracelet Baka mawala sayang naman. Bumaba na ako sa sala  at hinanap si Sophie.

Bahay ba talaga to ni Lance? Sobrang laki kasi eh. Parang 20 families ang kasya dito eh.  Wala na akong masabi ng makita ang naglalakihang chandeliers sa dining room. Pagpasok ko sa kitchen nandoon si Sophie na nagluluto. Sobrang laki din ng kitchen. Siguro dalawang kwarto na ang kasya.

"Gusto mo na kumain? tulog pa kasi si Kuya Lance" sabi nya kaya tumango lang ako.

"Si Lance lang ba ang nakatira dito?" tanong ko sakanya.

"Oo, sya nga mismo architect nito eh. Dream house nya kasi to" sagot naman ni Sophie.  "Pero hindi pa to kumpleto" dagdag nya.

"Hindi pa? Bakit naman?" tanong ko. Fully furnished naman kasi ang bahay eh.

"Kasama sa pangarap nya yung ibahay ang babaeng mamahalin nya. Para sa magiging pamilya nya to" paliwanag ni Sophie.

"Hindi kaya masyadong maaga naman ng preparations nya para sa future?" tanong ko ulit.

"Sa pamilya kasi namin uso ang fix marraige. It's annoying kaya as long as possible gagawa kami ng paraan para iwasan lang yung predicted future namin" paliwanag ni Sophie.

"Wala ba syang kasama dito?" tanong ko ulit.

"Kapag monday at friday nandito ang dalawang maids nya para maglinis ng bahay, wala syang driver pero consultant ng sasakyan nya meron every fridays naman at yung nagmementain ng garden. " paliwanag ni Sophie. Kaya siguro sa bahay sya nagcelebrate ng bagong taon dahil wala syang makakasama.

"Sisilip lang ako sa garden??  " paalam ko sakanya.

"Sure, sa gazebo ko narin iseserve yung pagkain, hintayin mo nalang ako dun ha." sabi nya kaya agad na akong nagikot-ikot.  Sa sobrang laki ng bahay hindi ko rin alam kung nasan na ang pinto palabas. I randomly opened some doors at bumungad sakin ang malawak nyang garage at nakahilera ang ibat ibang sports car. Pano nya kaya ginamit ang mga to sa dami?

Sinara ko na yung garage at nag hanap ng ibang exit at finally nakita ko rin yung pinto palabas sa isang malaking fountain na maraming rose ang nakatanim. Ibat-ibang kulay at naglalakihang rose.
Umikot ako sa fountain at may nakitang path papunta sa Pool.  Sobrang ganda, hindi ako makapaniwala na ganito pala ang tipo ni Lance.

"Raffie!"-tawag sakin ni Sophie at nakita ko narin yung Gazebo na sinasabi nya. Agad ako lumapit sakanya, nakahanda na pala yung pagkain, ang dami nyang niluto at gumawa din sya ng juice para sa hangover.

Ilang sandali habang kumakain bigla nyang hinila ang kamay ko ng dahil sa bracelet.

"Familiar sakin ang bracelet nato" sabi nya.  "San mo nabili to?" tanong nya.

"Bigay sakin ni Lance." tipid kong sagot at agad binawi yung kamay ko.

"Bigay Lance? WOAH!! DAEBAK!! Really? Binigaya nya sayo?" sabi nya na parang hindi pa makapaniwala.

"Oo. Bakit?"

"Woah... You're so lucky, do you even know how much is that?" tanong nya.

Off course wala akong idea kaya wala akong maisagit sakanya.

"That item went through the auction, it's purely white gold. It's Worth 5 million!" sabi nya at muntik na akong mabilaukan ng dahil dun.

"Seryoso?" paninigurado ko.

"Kahit si Mommy hindi ako pinatulog ng dahil lang dyan, si Lance lang pala nakakuha"  paliwanag nya. Biglang bumigat yung kamay ko, feeling ko anytime may kikidnap sakin.

"Ano naman bang pinagsasabi mo sakanya Sophie?" sabi ni Lance na bigla nalang sumusulpot out of nowhere na nakasuot lang ng sando at summer shorts, samahan pa ng shades. Kinain nya rin yung toasties na ginawa ni Sophie sakin. 

Bigla ko naalala yung laro naming Truth or dare yung tanong nyang 'Do you find me attractive?' Haishh!! Why did I even agreed to that! 





Missing Piece of MineMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon