(Jessie's POV)
Paspecial talaga tong si Adrian, bigla- bigla nalang nawawala. Ayaw kasi ako tantanan ni Raffie kapag hindi ko raw siya tutulungang maghanap kay Adrian. Tsaka bat nya pa hahanapin si Adrian kung tutuusin si Lance naman talaga yung escort nya ngayong gabi. Ang labo talaga ni Raffie. Tinulungan ko nalang sya maghanap kay Adrian at nagtanong tanong nadin sa ibang students.
"Nakita niyo si Adrian??" tanong ko sa mga makasalubong ko.
"Ikaw nakita mo si Adrian? Adrian Alfiro?" tanong ko ulit, pero wala talagang may nakakita sakanya.
Naisipan ko na baka nasa classroom siya kaya agad ako pumunta sa department building namin. Napaisip din ako. Bat naman sya pupunta dito sa kalagitnaan ng Ball? I'll just try my luck.
Tahimik akong nakarating sa classroom, sobrang dilim pero kitang-kita ko si Lance at Adrian na magkaharap sa isa't-isa na nag-uusap, siguro ng dahil na din sa sinag ng buwan.
"Carla was here" sabi ni Lance sakanya. Carla? Sya ata yung naghahanap kay Adrian kanina.
"I heard" tipid na sagot ni Adrian kaya naisipan kong magtago nalang muna habang nakikinig sa usapan nila.
"Kelan mo balak sabihin kay Raffie?" tanong naman ni Lance, Bakit kaya nadawit pa si Raffie dito?
"I don't know yet" sagot naman ni Adrian.
"I'm just wondering, akala ko ba you already made a deal about your marriage, bakit nandito si Carla? And she even dare na magpakita dito" Sabi naman ni Lance. Marriage? Nino? Kung hindi ako nagkakamali si Adrian at Carla yung ikakasal, at a very young age? Seriously?
"Carla doesn't know anything about Raffie" tanggol naman ni Adrian.
"You know already that Raffie likes you, hwag mo naman sana saktan yung feelings nya" sabi ni Lance sakanya.
"Why are you concerning yourself about my business?" tanong ni Adrian. " Do you like her?" dagdag nya.
"It doesn't matter" tipid na sagot ni Lance.
Ilang sandali may narinig akong footstep sa hallway, malayo palang nakita ko na si Raffie na papalapit. Tapos yung dalawa naman masyadong sensitive yung pinaguuspan nila. Kapag malaman ni Raffie yung pinaguusapan nila I'm sure masasaktan si Raffie.
"RAFFIE STOP!!" bigla akong napasigaw ay napatigil naman sya sa kinatatayuan nya tapos napatingin sakin si Lance at Adrian sa sobrang gulat kaya napatakbo ako kay Raffie.
"Oh Jess? Anyare sayo?" pagtatakang tanong ni Raffie sakin.
"Wala lang" tipid kong sagot at ngumiti ng peke sakanya. Ilang sandali lumabas nadin si Adrian at si Lance na nagmamadali.
"Oh? Nandito din kayong dalawa?" pagtataka naman ni Raffie. "Kanina ko pa kayo hinahanap eh" dagdag nya.
"Ganun ba? Bakit hindi pa kayo umuwi?" tanong ni Adrian at unti-unting lumapit samin, habang ako naman halos manigas na ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba.
"Hinahanap nga kita, teka lang? Para kayong nakakita ng multo sa sobrang putla nyo ah? Ikaw din Jess" sabi nya samin, obvious ba talaga?
"Hindi pa ba natatapos yung ball?" tanong ni Lance samin.
"Kakatapos lang" tipid na sagot ni Raffie kay Lance.
"Iuuwi na kita, nangako ako sa Mama mo na ihahatid kita on time" sabi naman ni Lance sakanya at hinila sya paalis.
"te.teka! Dahan-dahan naman! Walang hilaan!!" reklamo ni Raffie sakanya then I realize, dalawa nalang pala kami ni Adrian ang natitira, bakit ba ako nakakaramdam ng takot ngayon?
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Teen FictionLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...
