(Lance POV)
I am half awake, yung katawan ko ayaw pang bumangon, ayaw ding dumilat ng mga mata ko sa sobrang pagod
"Lance, alisin mo yung paa mo!" sabi ni Adrian.
"Sorry" tipid kong sagot sakanya at inalis yung paa kong nakapatong sakanya. I feel a bit stuffy dahil ginawa nyang unan ang braso ko.
"Hwag mo ngang gawing unan yung braso ko" sabi ko naman.
"Hindi naman ah" asar na asar nyang sagot.
"Yes you are." sagot ko ulit.
"Sabi ko sayo alisin mo yung paa mo, ang bigat!" sabi nya ulit.
"I already did" sagot ko naman.
"Eh kaninong paa to?" sabi nya at bigla akong niyakap kaya mas nainis ko.
"Ano ba! Get off me!!" sigaw ko.
"What the heck are you talking about?!" sigaw nya rin sakin kaya nilingon ko sya at pagdilat ko ng mata ko bigla akong nag-freeze yung katawan ko ng makita si Raffie. Napautwas din sa pagbangon si Adrian ng makita si Raffie sa gitna namin. Napatulala lang si Adrian sa nangyari.
"Alisin mo sya sa braso ko!" bulong ko naman sakanya.
"Sino? ako?" tanong nya sakin. Sarap nya batukan.
"Oo! sino pang ineexpect mo!" sagot ko din sakanya. "Dahan- dahan lang, baka magising sya" dagdag ko.
At nang maalis ko na ang braso ko agad naman akong umupo sa sahig. Si Adrian naman tumabi lang sakin sinubukang magpigil ng tawa. Kung iisipin mukhang epic nga yung umagang to.
(Jessie's POV)
Pagising na pag-gising ko, agad kong hinanap si Raffie. Mukhang hindi sya nakauwi eh. hinanap ko sa beach at sa kasulok sulokan ng resort. Nagpatulong din ako kay Vince maghanap sakanya, kaso hindi nya rin makita.
"Sabihin na kaya natin kina Lance at Adrian na nawawala si Raffie" sabi ko kay Vince.
"Talaga bang hindi sya natulog kagabi sa kwarto nyo?" paglilinaw nya sakin.
"Hindi nga, paulit-ulit ka naman eh" sagot ko sakanya kaya sinamahan nya na akong pumunta sa kwarto nila Adrian.
Vince suddenly barge in their room at nauna nang pumasok ako naman nagsisisigaw ng dahil nadin sa pagpapanic .
"Adrian! Lance! nawawala si Raff..Ooopss..." yan ang nasabi ko matapos makita silang tatlo with their awkward position. Napatakip ako ng bibig sa sobrang hindi makapaniwala, napatitig nalang ako sakanila. Mahimbing ang tulog ni Raffie sa braso ni Lance at kasama pa si Adrian.
"Hala!" sabi ni Vince na hindi din makapaniwala. Hindi rin makagalaw si Adrian at Lance ng makita kaming pumasok. Ano bang dapat itawag sa atmosphere namin ngayon? Sobrang awkward, mali ata timing namin ni Vince eh.
Di nagtagal nagising din si Raffie and she just realize what's happening kaya nagpanic sya sa pagbangon at tumayo sa gilid tsaka inayos ang sarili nya. Ilang sandali bigla nalang tumawa si Adrian kaya biglang naenlighten yung mood.
"Bakit ang awkward? wala namang nangyari ah" sabi nya't tumawa ng tumawa. Si Lance naman ay nagsusuffer sa masakit nyang braso.
"Akala ko talaga ginawa nyo na eh" sagot naman ni Vince na tumawa din pero ako I still find it awkward. Kinalimutan nalang namin ang nagyari at nagbreakfast na para makauwi.
Ang pwesto namin this time ay hindi na gaya nung una. nagpalit kami ng upuan ni Lance, sa front seat na sya umupo.
(Raffie's POV)
Pagdating ko sa bahay, walang tao, siguro namili pa sila Mama para Mega noche mamaya. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga muna, para mamaya, gising na gising na ako. Di nagtagal nagiging ako banda 6:40 na ng gabi. sobrang dilim ng kwarto kaya binuksan ko ang ilaw, napasilip din ako sa bintana at may nakapark na naman na red Ferarri. Maaga ata toh ngayon? Siguro dahil sa magbabagong taon na kaya maaga yang nakapark dyan sa labas?
Agad na akong bumaba para makatulong sa paghahanda ng Mega noche mamaya. Pagbaba ko agad akong sinalubong ni Papa.
"Papa" sabi kong naeexcite at agad sya niyakap.
"Tumataba ka na ah" sabi nya na inaasar ako.
"Papa naman eh!"
"Kelan ka pa nakauwi?" tanong ko at sabay na kaming pumunta sa kitchen.
"Kahapon lang naman" sagot nya.
"Raffie, gising ka na pala, mukhang nag-enjoy ka talaga sa outing nyong magkakaibigan ah?" bati ni ate Lucy sakin habang tinutulungan niya si Mama magluto.
"Oo naman" sagot ko sakanya.
"Ano nga palang lulutuin mo ate Lucy?" tanong ko sakanya.
"Roasted chicken" sagot nya naman, mukhang masarap to ah.
"Hindi pa ba nakakabalik si Lloyd?" tanong naman ni Papa.
"Hindi pa po. Pinabili ko kasi ng Wine, dahil ginamit ko na sa steak." sagot naman ni Ate lucy sakanya, di nagtagal dumating narin si Kuya.
"Nandito na ako" sabi naman ni Kuya na kakarating palang at nilapag na sa mesa ang mga binili nya.
"Oo nga pala, napadalas na ata yung pulang sasakyan dito ah?" tanong ni Kuya. "Sabi kasi ng nakatira dyan sa harap, hindi naman daw sila nagmamay-ari nyan."
"Baka naman sinasalisi yung mga nakatira dito?" sabi ni Papa.
"Mukhang hindi naman, ang gara ng sasakyan nya bat nya pa gagawin yun?" sabi naman ni Kuya Lloyd.
Habang naghihintay kami ng 12 midnight, nagmoviemarathon kami si Ate Lucy, c Papa at Kuya Lloyd naman ay naglaro ng Chess. Ilang sandali tinawag na kami ni Mama.
"Raffie, itapon mo nga muna yung basura bago tayo abutan ng bagong taon. " utos ni Mama sakin kaya agad naman ako lumabas para itapon yung basura tapos nakita ko ulit yung pulang sasakyan.
Nakucurious talaga ako kaya nilapitan ko yung sasakyan, mukhang mayaman ang may ari netoh. Wala man lang gasgas. Sinubukan kong silipin sa loob kaso tinted at madilim masyado. Di nagtagal bigla nalang bumukas yung bintana at nakita si. . . LANCE??
"LANCE?" sabi ko then he just wave his hand.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman pero hindi sya sumagot, instead bumaga lang sya.
"Bat ka ba napadpad dito?" tanong ko ulit. Tsaka sasakyan nya pala to?
"Ewan ko ba, wala lang akong ibang mapuntahan" sagot nya, mukhang malungkot sya ah.
"Raffie!!" tawag sakin ni Mama na hinahanap ako, Kakain na siguro.
"Raff? Kaklase mo sya diba?" Tanong ni Mama kaya tumango lang ako.
"Halika ka hijo, sabayan mo kami sa Mega noche" sabi ni mama sakanya.
"Naku tita, hwag na po, napadaan lang ako" sabi nya naman kaya agad ko syang tinulak.
"Pumasok ka nalang kasi sa loob" sabi ko naman.
"Hwag ka na mahiya hijo" sabi naman ni Mama sakanya.
"Ahhh, cge po, ilolock ko lang tung sasakyan. " sabi nya at sumama na agad samin ni Mama.
BINABASA MO ANG
Missing Piece of Mine
Teen FictionLove begins in different ways but this story started with a complete disaster. Raffie Castillo is a simple college girl and less experience in love at sobrang loyal pa sa one sided love nyang si Adrian but when she met Prince Lance Ayala her feeli...
