Chapter 8:Meet the Dorm mate

23.6K 515 19
                                    

Phoebe's POV

Nagising ako ng maaga dahil ayaw kong makita ng dalawa kong ka dorm mate ang tunay kong itsura.Simula kahapon ay napagdesisyonan ko na itago ang aking tunay na itsura,mas makakabuti ito sa akin para hindi ko magamit ang kapangyarihan ko hanggang matapos ang buong school year.

Pumunta ako sa cr at inilock ang pinto nito.At sinimulan ng maligo dahil maaga ang start ng klase ko. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang dala kong bath robe at nagtoothbrush na rin ako.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng cr.Pagkatapos ay ginamit ko ang kapangyarihan ko para magbago ang itsura ko. After noon ay lumabas na ko ng cr. Pero paglabas ko ay wala na sa higaan nila ang dalawa kong kasama sa dorm. Siguro ay lumabas yung mga yun. At dahil wala akong pakialam sa kanila ay dumiretso na ako sa upuan ko at blinower ang buhok ko at tsaka ko ito ginawang messy bun. Sinuot ko na rin ang contact lens ko at pati narin ang nerdy glasses ko. Nagbihis na rin ako pagkatapos. Ang suot ko ay ang school uniform ng academy na to, binigay to saakin ng secretary ng headmistress after ibigay sa akin ang schedule ko kahapon.

Ang uniform ng academy ay isang maikling palda na mga 3 inches above the knee na kulay black at may lining na puti sa may bandang dulo ng palda tapos isang long sleeve blouse na color white at may long tie na black, may coat rin na color white at nakatatak ang logo ng school sa may right chest nito may mga black lining rin ito sa mga sides.Isang pares ng knee socks na kulay black na may 3 white linings sa may bandang dulo ng medyas, At isang black slna sapatos. Bahala na kayong mag imagine ng uniform pero sinasabi kong maganda ang uniform nila.

(Picture of the uniform in the multimedia XD)

Pagtapos kong magbihis ay kinuha ko na ang aking schedule at isang tablet. Hindi ko na kailangang magdala ng bag at tsaka mga notebook at libro dahil ang mga gamit dito ay gawa sa mga advance technology kaya isang tabhlet lang ang dala ko para sa pagsave ng mga lesson namin.

Akmang lalabas na ako ng room ng biglang bumukas ang pinto ng room kung nasaan ako at tumambad sa akin ang dalawang babae. Pagkakita ko sa dalawang babae ay tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Bakit sila nandirito? Anong ginagawa nila dito? Ibig bang sabihin may mga kapanguarihan sila? Bakit di man lang nila sinabi sa akin? Kung ganon ang sinasabi nilang lilipat sila ng school sa malayong lugar ay dito pala. Kaya pala sila umalis sa dati naming school dahil sa mag aaral sila dito para ma enhance ang kapangyarihan at kakayahan nila.

"Uy! " bigla akong nabalik sa wisyu ng biglang nagsnap ng daliri si Alixson sa harap ko. Oo kilala ko sila, sila ang tinutukoy ko noon na kasama namin sa gang nila celine at Alexsa na lumipat ng school.. Pero hindi ko inexpect na dito pala sila lilipat kaya ganon na lamang ang gulat ko ng makita sila.

"Huy ok ka lang? " tanong nya.

Tumango lang ako bilang sagot dahil medyo gulat pa ako na makita sila. Pero kahit na ganon ay nanatiling expressionless ang itsura ko.

"Sigurado ka? Ok ka lang ba talaga? " pag uulit nya sa tanong nya kanina.

"Yeah, I'm fine. "Cold kong sabi sa kanila.

"Ahh ok. By the my name is Alixson Jane Villareal. " pagpapakilala nya.

"And I'm Gwen Stephanie Kashino. "Pakilala ni Gwen sakin.

"Phoebe. " yun lang ang sinabi ko at lumabas na ng room namin.

--------
A/N

At last nakapag update na ulit hahaha..

Enjoy~~

Mawer Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon