(Same day as Gwen and Alixson are having their training.)
Phoebe's POV
Umalis na ako ng masabi ko na sa dalawa ang dapat kong sabihin, dumiretso ako sa secret place ko dito sa academy. May aasikasuhin akong importante.
Pumasok na ako sa elevator disguised as a tree, at pinindot ang button kung nasaan ang computer room. Pagkarating ko roon ay agad akong umupo sa swivel chair na katapat ang maraming computers.
Nakaopen lahat ng mga ito at makikita ang lahat ng lugar dito sa academy. Minomonitor nito ang mga pangyayari sa loob ng academy para malaman ko kung ano na ang nangyayari sa lahat ng lugar. Ng macheck ko na wala namang kaguluhan ang nangyayari sa academy ay pumunta na ako sa isa pang kwarto na may kulay itim na pinto.
Pumasok ako roon at bumungad sa akin ang isang malaking hologram screen at naroroon ang mga listahan ng mga maweriang nagtaksil at sumanib sa mga rebelde. Mission ko ngayon ang patayin silang lahat bago pa sila manggulo sa academy. I will not risk the life of my students sa pagpatay sa kanila dahil alam kong malalakas at advance ang kapangyarihan nila kaysa sa mga estudyante rito. Kaya ako nalang ang tatapos sa kanila, dahil sa oras na hindi ko sila tapusing lahat ay maaring mag cause ito ng panic sa mga estudyante kaya kailangan kong unahan ang mga ito at patayin.
Napag alaman ko kasing lulusob sila sa susunod na araw kaya kailangan ko ng kumilos.
Umalis na ako roon ng makuha ko na ang location nila. Agad akong umalis ng academy at pinuntahan ang mga lugar kung nasaan sila, magkakaiba kasi ang lugar kung nasaan sila.
Nasa higit bente sila at limang lugar ang kailangan kong puntahan. Dahil sa limang lugar na iyon sila maaring makita. Pagkalabas ko ng academy gamit ang portal na ginawa ko ay agad akong pumunta sa unang lugar na malapit lang rito. Ang Saindreth, lugar kung saan kumukuha ng mga supply na sandata ang academy.
Pagkarating ko roon ay agad kong hinanap ang mga taong nasa listahan ko. And luckily, ay nakita ko sila ng walang kahirap hirap. Nakita kong pumasok sila sa isa sa mga weapon shop kaya sinundan ko sila.
Isa itong weapon shop na tanging mga patalim ang ibinebenta tulad ng daggers, swiss knives at marami pang iba na may patungkol sa mga patalim.
Pumasok na ako sa loob, at nakita silang lima na nakapalibot sa isang matandang lalaki. Mukhang natatakot na ito dahil sa panginginig ng kanyang katawan, idagdag mo pa na matanda na ito.
Agad na hinawakan ng isang lalaki ang braso ng matanda at pabalyang hinagis ito na parang isang bagay lang. Tss. What an as*h*le, wala man lang galang sa matatanda.
Lumapit ako sa matanda at tinulungan ko itong makatayo, nakita ko naman na may sugat ito sa may braso dahil sa ginawa ng walangyang lalaking iyon.
"Salamat, ineng. " sabi nito habang nakangiti. Sinuklian ko naman sya ng isang tango.
"It's nothing. " cold kong sabi. At tumingin na sa limang lalaking nakaharap na sa akin.
"Umalis ka dyan kung ayaw mo madamay. " sabi ng lalaking humagis sa matanda kanina.
"You shouldn't have done that to this old man. " i said as I look at him with my cold eyes. Pinaalis ko narin ang matanda para hindi sya madamay rito.
"Ano bang pakielam mo?! Sino ka ba hah?! Gusto mo bang patayin kita?! " galit na sabi ng lalaki.
Tiningnan ko lang sya ng blangko. At nagsmirk sa kanya na lalo atang ikinagalit nya.
"Go ahead. Kill me....... If you can. " i said with a mocking voice.
Agad namang nagsisuguran ang apat na lalaking kasama nya. Tumakbo ako palabas ng weapon shop at bayan ng Saindreth. Maaari kasing masira ang bayan na yun kapag nanatili ako roon at doon makipaglaban.
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantastikA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...