Phoebe's POVNandito ako ngayon at naglalakad papuntang cafeteria. At dahil sa nasa fourth floor ang room ko ay ginamit ko na ang elevator ng building. Nasa first floor kasi ang cafeteria kaya kailangan ko pang bumaba ng first floor para makapunta sa cafeteria ng school.
Hanggang fifth floor kasi ang building na to. Sa first floor ay ang office ng headmistress, ang cafeteria, ang mga training grounds at ang mga faculty ng mga teachers.
Sa second floor naman ay ang rooms ng mga studyante hanggang fourth floor, tapos ang fifth floor naman ay ang mga studyanteng mga malalakas ang tinataglay na kapangyrihan. Ang tawag sa kanila ay ang mga elite students.
Sila lang ang may permisong makaakyat roon pati na rin ang mga teachers. Bawal umakyat sa floor na iyon ang mga estudyanteng mas mababa sa kanila.
Mabibigyan lang sila ng pagkakataon na makaakyat sa floor na iyon kung nagtataglay ka ng kapangyarihang kasing lakas nila.
Halos hindi hihigit sa limampu lang na estudyante ang nasa fifth floor naka assigned ang room.
Yan ang tinalakay ni ma'am sa amin kanina. Kasama na rin doon sa nilesson nya na may iba't ibang level ng kapangyarihan ng isang mawerians. MAWERIANS ang tawag sa mga taong may kapangyarihan, yan ang sabi ng aming guro.
Anyway ang sinasabi kong level ng kapangyarihan ay may apat na division. Ito ay ang low tier, mid tier, high tier at ang elite. Kapag nagtataglay ka ng kapangyarihan na aabot sa 1.0 hanggang 2.0 ang level ay ibig sabihin ay isa silang low tier. Ibig sabihin ay mahina ang tinataglay nilang kapangyarihan o di kaya'y sila ang mga uri ng mawerians na hindi panglabanan ang kapangyarihan. Kapag naman ang level mo ay 2.1 hanggang 4.0,ibig sabihin non ay isa kang mid tier, kung isa kang mid tier ay ibig sabihin ay medyo malakas ang iyong kapangyarihan at pwede ka nang ipanlaban sa mga labanan, ngunit hindi parin sapat upang makasali o makaakyat sa fifth floor. Hindi rin sila pinapayagan na kumuha ng misyon dahil mahina pa ang kanilang kapangyarihan at hindi ito sapat para matapos ang isang misyon. Ang susunod na level naman ay 4.1 hanggang 6.0,sila naman ang mga high tier. Sila ang mga mawerians na ipinapadala sa mga misyon at sila rin ang mga pinapanlaban para sa mga contest o mga event na may kinalaman sa pakikipaglaban. At ang huling level ay ang mga elite na nagtataglay ng 6.1 hanggang 8.0ang level. Sila ang mga mawerians na nasa fifth floor. Bihira lang sila makipagsalamuha sa mga estudyante. Bihira mo rin sila makikita dahil sila ang pinapadala sa mga mahihirap na misyon. Tulad ng pakikipaglaban sa mga dragon, o kaya naman ay ang paghahanap sa mga delikadong tao. Napakarare lang na makakuha ka ng ganoong level ng kapangyarihan kaya nasa kumulang limampu lang ang nagtataglay nito.
Sila ang apat na division ng mawerians. Actually lima dapat ang division. Sila ang mga mawerians na nagtataglay ng pinakamalalakas na kapangyarihan. Ang level ng kapangyarihan nila ay nasa 9.0 hanggang 10.0 na pinakamaximum na level ng kapangyarihan. Sila ang tinatawag na mga royalty dahil sila ang pinakarare makita o makakuha ng ganitong klase ng kapangyarihan.
Pero dahil sa wala pa silang nakikitang nagtataglay nito ay kinalimutan na nilang may nag e exist na ganoong uri ng mawerians. Kaya apat lang ang division ng level ng mga mawerians.
So yun nga,ilang sandali ay narinig kong tumunog ang elevator hudyat na nasa first floor na ako. Kaya pagkabukas nito ay lumabas na ako at dumiretso na sa cafeteria dahil sa gutom na ako,idagdag mo pa na nagkwento ako tungkol sa mga mawerians.
Pagkadating ko sa cafeteria ay binuksan ko na ang pinto nito at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
--------------
ace _han02
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...