Phoebe's POVKasama ko ngayon sila Xandrick sa room. Nagkaayos na rin kasi sila nila Alixson kagabi. Kaya nagkakausap na ulit sila. Nagkukulitan at nag aasaran.
Nagulat nga ako ng bigla silang nag sorry sa akin eh.Kesho raw mali daw sila sa sinabi nila na mahina ako. Kaya pinatawad ko na rin sila kahit wala lang yun sa akin.
Nagoffer rin nga sila na maging kaibigan nila ako. Hindi sana ako papayag ng biglang takpan ni Alixson ang bibig ko at sya ang sumagot. Kaya ito kasama na rin ako sa barkadahan nila.
Pero alam ko naman na ayaw talaga nila sa akin. Eapecially yung mayabang na Xandrick at Keurt na yun. Pero syempre hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman sila kakausapin.
After ng pagta transform ni Alixson kagabi sa cafeteria bilang isang fox ay ito na ang naging usap usapan ng mga estudyante simula pa kanina. Ngayon lang kasi sila nakakita ng isang mawerian na nagtransform sa ibang anyo. First in the history raw nangyari yun na makakita sila nun.
Nakapalibot sa lamesa namin ang apat na boys habang nagkukwentuhan sila. Oo 'Sila' dahil hindi naman ako nakikinig at nagsasalita. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Mga ilang minuto ay dumating na rin ang teacher namin. Kaya nagsiayusan na sila ng pwesto. Habang ako ay binalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Good Morning class" rinig kong sabi ng tao sa unahan.
"Good morning Ms. " bati naman nila habang nakaupo.
"Okay, dahil sa may bago kayong kaklase ay magkukwento nalang ako about sa history ng Mawer Academy. At para hindi kayo mabored ay gagawin ko itong parang sine. " masyang sabi ni Ms. I don't know who.
Nag si agree naman silang lahat. Halata mo sa mga mukha nilang excited na silang makita ang gagawin ni Ms.
"Ok. Let's start. " sabi nya at ikinumpas ang kanyang kamay at may nag appear na isang screen. Namatay rin ang lahat ng ilaw. At nagkaroon ng takip ang lahat ng bintana kay no choice ako kundi ang manood sa unahan.
"Noong hindi pa napapatayo ang Mawer Academy. " sabi nya at may lumabas na imahe sa screen.
Mukha namang na amaze silang lahat sa nakikita nila. Kaya napatawa ako ng palihim.
"May isang babaeng immortal ang nakakilala ng isang tao galing sa hinaharap. At ang taong pinanggalingan nya talaga ay noong limang taon na ang nakakaraan ngayon. Kung nagtatanong kayo kung ilang taon sya noong pumunta sya sa nakaraan ay isa lamang syang sampung taong gulang . At ang edad na nya ngayon ay limang taong gulang na. " kwento ni ms.
"Ibig po bang sabihin, kaedad namin sya? " tanong ni Alixson.
"Yes. And to think of it, baka nga nakakasalamuha na natin sya. " sabi ni ms.
"Waahhh! Talaga?! " tili ni Alixson.
"Yes. Now let's continue the story. Ang babaeng immortal na tinutukoy sa kwento ay ang ating principal ngayon. Sa kanya rin nanggaling ang kwento tungkol sa history ng mga Mawerians. Nakilala nya ang batang nanggaling sa hinaharap at sinabihan syang nanganganib ang mga katulad natin sa kamay ng mga tao. Sya rin ang nagsabi sa principal na kailangang mailayo ang mga katulad natin sa kanila. Dati kasi, ang mga tao ay hindi tanggap ang mga katulad natin. Tinatawag nila tayong halimaw dahil sa ating mga kakayahan . Sabi ng batang babae na sa pagsapit ng unang pagbilog ng buwang kulay dugo. Mangyayari ang isang karumal dumal na eksena sa mga katulad natin. Kaya raw sya nag time travel sa past ay dahil pagkatapos ng red moon ay halos lahat ng mga katulad natin ay namatay. Konti lang ang natira, nasa sampu pababa. At ang sampu na yon ay sya, ang principal, at ang walong batang kasing edad nya. Namatay ang mga magulang nya ng sya ay sampung taong gulang palang dahil sa nahanap sila ng mga tao. But luckily, naitago ng kanyang mga magulang nya sya. Kaya hindi sya naisama sa mga namatay. Nasaksihan nya ito ng sya ay nabuhay sa mundo.
Kaya napagdisisyunan nya na mag time travel sa nakaraan bago pa sumapit ang pagbilog ng buwan na kulay dugo. "
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...