Chapter 25:Familiar

21.3K 466 8
                                    


Phoebe's POV

I'm here at my room and still thinking on what Aislyn said. How can it be possible that she don't have the answers of my questions? And she said that I should be the one to find the answers.

But what bothers me the most is the prophecy that she told. And the possibility that I'm part of it.

'A war is about to start.
Dead people are seen in the ground. Lifeless and no life.
Two hearts will find each other.
And two hearts will collide.
And a disaster will come for those who love.
One must die, and one must survive.
One can hold the survival of everyone, and the other holds the disaster in life.
In a cold and darkness day,one shall choose.
To protect or to destroy.
To live or to die.
She and he has the power to make our world a better place
If only they choose the right way. '

Ano kaya ang ibig sabihin ng sinabi nya?

And there is one line that caught my attention, and that is...

'Two hearts will find each other'

What was that supposed to mean?

'Two hearts will find each other'

'Two hearts will find each other'

Two hearts? Dalawang puso?

Dalawang puso ang magkikita?

Oh great. Tinagalog ko lang. Pero ano kaya ang ibig sabihin nun?

May kinalaman ba talaga ako sa propesiyang sinabi ni Aislyn?

*TOK*TOK*TOK*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok ng malakas rito.

Agad akong tumayo,pero bago ko buksan ang pinto ay binalik ko sa pagiging nerd ang aking itsura at binuksan na ang pinto at bumungad sa akin ang mga mukha ni Gwen at Alixson.

Tiningnan ko lang sila ng bored at hinintay kung anong sasabihin nila.

"Leader naman eh!!kanina pa kami rito katok ng katok di mo man lang kami pinagbubuksan." Nagtatampong sabi ni Alixson.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Anong kanina pa eh kakakatok lang nya? Mukhang napansin naman nila ang itsura ko kaya nagsalita ulit sila.

"Yeah. Kanina pa kami dito. At mukhang hindi mo kami napansin. Kanina pa kami katok ng katok sa kwarto mo ngunit di mo kami pinagbubuksan. " mahabang lintanya ni Gwen.

Napatango naman ako sa sinabi nya. At nawala na rin ang pagkakakunot ng noo ko. Ganun ba kalalim ang iniisip ko kanina at di namalayan na nandito sila?

Bwiset kasi na prophecy na yun eh. Ano kaya ang ibig sabihin nun. Arrgghh... Nakakainis naman oh, bakit ko ba iniisip yun?

*snap *

Napabalik naman ako sa huwisyo ng may nagsnap sa mukha ko.

"Hey, are you ok? You're spacing out. " sabi ni Gwen sa akin.

"Yeah. I'm fine. " sagot ko sabay tango at sinabing magaayos na ako ng sarili. Tumango naman sila at sinarado na ang pinto ng kwarto ko.

Pumunta na ako sa Cr para maligo at magtoothbrush. After nun ay lumabas na ako suot ang bathrobe ko at dumiretso sa walk in closet ko. Dahil Sunday ngayon at walang pasok ay nagsuot lang ako ng isang white v-neck tshirt at isang fitted black jeans at high cut na sapatos na kulay black. Blinower ko rin ang buhok ko at ginawang messy bun at sinuot ang contact lense na kulay black pati narin ang nerdy glasses ko. May balak kasi akong pumunta sa market ng academy para mamili ng grocery, naubusan kasi ako ng stocks sa dorm ko.

Mawer Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon