Third Person's POV
Napangisi ang dalaga ng makita ang takot sa mga mata ng lalaking nakamaskara ng biglang hiwain ng dalaga ang dibdib ng lalaking hawak nya gamit ang matulis nya kuko.
Napahiyaw ang lalakiat makikita roon ang sariwang dugong dumaloy sa hiniwang dibdib nito. Halatang malalim ang pag kakahiwa sa kanya upang makita na ang laman.
Hindi pa nakuntento ang dalaga at agad na kinuha ang kamay ng lalaking nakacloak at isa isang binali ang mga daliro nito.
Hoyaw lang ng hiyaw ang lalaki dahil sa sakit at walang magawa dahil sa panghihina nito. Hindi rin niyo magamit ang kapangyarihan nito sa hi di malamang dahilan kaya wala syang magawa kundi ang sumigaw sa sakit at magmakaawa na itinigal na ito.
Nanatiling nakatutok ang lalaking nakamaskara at ang isa pang nakacloak sa kung ano ang kabrutalang ginagawa ng dalaga. Hindi maiiwasang kilabutan at panginigan sa takot ang katawan nila.
At habang tumatagal ay lalong tumitindi ang init na nagmumula sa apoy na nakapalibot sa kanilang dalawa ngunit hindi iyon nakakahadlang upang hindi nila makita ang ginagawa ng dalaga sa kasamahan nila.
Sa kabilang banda naman sa taas ng battle stage nakatayo ang mga kaibigan ng dalaga. Halata sa mga mata nila ang pagkabigla at hindi kapani paniwalang eksena sa baba kung saan naroroon ang dalagang tinotorture ang isa sa nakacloak.
Hindi nila lubos maisip na kaya nyang gawin ang ganitong kabrutal na bagay maliban kila Gwen at Alixson na wala paring malay na nakahilata sa gilid ng battle stage.
Nakita nila kung paanong hiwain ng dalaga gamit ang kanyang punyal ang mga daliring nagkanda bali-bali ng dahil sa kanya.
Umagos doon ang sariwang mga dugo at mukhang hindi pa nakuntento ang dala at hiniwa na naman nito ang dibdib ng lalaki at ang mukha nito dahilan upang mas lalong humiyaw ito sa sakit.
Hindi na magawang tumingin pa nila Kristina, Princess, Liam, Shaun, Fin, at Gherome dahil sa kabrutalan ng dalaga. Ang iba pa ay bigla na lamang nasuka.
Hindi sila sanay na makakita ng ganitong kabrutalan kahit na sanay silang pumatay.
Kitang kita ang tuwa sa mga mata nito at sa ngising demonyo sa labi nito dahil sa ginagawa nito sa lalaki.
Tiningnan nya ang lalaking nakamaskara na ngayon ay nakapikit na at parang hindi na kaya ang tinitingnan nito at sa kalagayan ng kanyang kasama.
Ngumisi lalo ang dalaga ta pabalyang binitawan ang lalaking hawak nya. Tsaka tumingin sa dalawang kalaban nya.
"Can't take it anymore? " nakangisi nitong ranong sa lalaking nakamaskara dahilan upang magdilat ito ng mga mata.
"Haha. Look at you, so scared and sweating in fear. Aren't you enjoying the show? " nakakaloko nitong tanong.
Hindi magawang makasagot ng lalaki dahil sa nararamdamang takot sa kaharap nito. Iniisip kung bakit nangyayari ang mga ito dahil lang sa isang perlas na hinahanap nila sa kanila.
Hindi nya na alam kung ano ang gagawin, hindi nya alam kung bakit ganoon nalang kabrutal ang babaeng kaharap nya na hindi makapaniwala na galing sa isang dimension kung saan alam nyang hindi magagawa ang ganyang kabrutalan sa isang tao.
'F*ck! Anong gagawin ko?! Sabi nya magiging madali lang ang pagkuha sa pesteng perlas na iyon?! Nakuha nga namin, bakit ganito naman ang nangyari?! T*ng*n*ng yan! ' sabi nito sa kanyang isp.
"Just tell me where that godamn pearl is, then I will let you guys live. Easy as that, right? " nakangising sabi nito.
Nakaramdam naman ng galit ang lalaki ngunit naroon parin ang takot sa dibdib nito.
"T*ng*n* mo! Pagtapos mong gawin yan sa kasamahan ko, sasabihin mong hahayaan mo kaming mabuhay kapag sinabi ko sayo kung nasaan ang perlas?! Sinong niloko mo? !" Galit naman nitong sabi sa dalaga na ngumisi lang sa kanya.
"Okay. Say goodbye to your companion then. " sabi nito tsaka pahablot na sinakmal ang leeg ng lalaki at walang pagaalinlangan na baliin ang ulo nito at putulin ang ulo nito at pabagsak na binitawan ang katawan habang hawak hawak ang ulong wala ng buhay.
Agad nitong sinunog ang katawan at nananatiling nasa kamay ang ulo ng lalaki. Tiningnan nya ang ulong hawak nya ang ngumisi ng demonyong tumingin sa lalaking nakamaskara at sa kasama nitong nakacloak na nanginginig na sa sobrang takot.
"You're next. " nakangising sabi nito sa pinakamalamig na boses at pinakanakakatakot na paraan.
----------------------------------------------------------------------
ace_han02
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...